Ni ju go.

160 3 0
                                    

Nang nagising si Mizuki ay nasa bahay na siya at nasa tabi niya si Hans na nakahawak sa kamay niya at nakapikit, marahil ay nagdarasal. Tahimik lang sa kanyang paligid hanggang sa pumasok na ang kanyang Mama at Papa.

 

"Are you okay, Mizuki? Mabuti naman nagising ka na." Sabi ng Mama niya. Nang nalaman naman ni Hans na gising na ang binabantayan niya, nagsign of the cross na siya at hinarap si Mizuki.

"May gusto ka bang kainin? I can cook. Or pwede rin akong bumili sa labas ng fruits. What do you want? Anything. Ibibili o ipagluluto kita."

Hinawakan ni Mizuki ang kamay niya at sinabing, "Hindi na kailangan. I'm fine. Thanks Hans. It's too late. Hindi ka pa uuwi?"

"Hindi pa. I want to make sure na okay ka na bago ako umalis." Nakangiti nitong sagot at hawak pa rin ang kamay niya.

"Sinong nagdala sa akin dito pauwi?" Sa pagkakaalala kasi niya, hindi alam ni Hans kung saan siya dinala ni Hoshi kanina.

Natataranta namang sumagot si Hans at sinabing, "Ako, syempre. Hehe."

 

Alam ni Mizuki na nagsisinungaling si Hans. Pansin niya sa pag-iwas ng tingin ni Hans sa kanya. Ngumiti naman ang kanyang Mama at Papa at tumabi na rin sila sa kanya. Uminom siya ng gamot at humiga na ulit para makapagpahinga.

 

"Okay na ako, Hans. You can go home na. Baka hanapin ka na sa inyo. I'll text you tomorrow. Okay?"

"Sure ka ha? Basta if you need anything, just text me. I'll come here right away."

 

'Di rin nagtagal at umalis na si Hans. Hiniling naman ni Mizuki na mapag-isa na lang siya sa kwarto at pumayag naman ang parents niya. Nang mag-isa na lang siya, nagsimula na naman siyang umiyak. I know. Alam kong ikaw ang nagdala sa akin dito, Hoshi. Pero bakit? Sana hinayaan mo na lang ako. Pagod na pagod na rin naman ako. Aniya habang pinupunasan ang tumutulong mga luha.

 

"Kaya ko ba talagang makita kang ikinakasal sa iba? Bakit nangako pa ako sa 'yo na darating ako sa araw na alam kong hindi ko makakayanang makita? Ang tanga ko. Grabe." Aniya habnag pinupukpok ang kanyang ulo na unti-unti na namang sumasakit.

 

Pinilit niyang tumahan ngunit hindi niya mapigilan. Tumawag si Hans pero hindi niya pinansin. Kumakatok ang kanyang Mama pero hindi niya pinagbuksan. Lumabas lang siya patungo sa veranda ng kanyang kwarto at nagpahangin para gumaan kahit paano ang kanyang pakiramdam. Nang napatingin siya sa kalangitan, walang ni isang bituin. Maging ang buwan ay nagtatago rin. At habang pinagmamasdan niya ang kapaligiran ay bumuhos ang malakas na ulan na tila ba nakikiayon sa kanyang nararamdaman. Pumasok na siya sa kanyang kwarto at humiga na sa kanyang kama habang iniisip ang sinabi sa kanya ni Hoshi kanina. Hindi niya lubos maisip na siya ang dahilan kung bakit matutuloy ang kasalan.

 

"Ang martir mo, Mizuki. Na lahat ng nagmamahal sa 'yo, itinataboy mo sa ibang tao." Bulong niya sa sarili.

 

Kinabukasan, nang magising siya, kagaya ng mga nakaraang araw, nagsuka na naman siya at nahilo. Kinuha niya kaagad ang kanyang gamot at nagpahinga saglit bago bumaba para kumain. Habang tinatahak niya ang hagdanan, lumalabo ang kanyang paningin na nagdahilan upang mahulog siya sa hagdanan.

 

"Anak! Anak! Anong nangyari sa 'yo?!" Nagmamadaling lumapit sa kanya ang kanyang ina at ibinangon siya. Mabuti na lang at nasa ikalawang hakbang na siya bago makarating sa baba kung kaya't hindi gaanong malakas ang impact.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon