Ju ichi.

239 9 0
                                    

Don't forget to vote :( Thank you.

...

Medyo nalate ang professor namin sa test. Natuwa naman kami, kasi mukha siyang mabait. Ang subject naman niya is more on pagtetest ng sarili kung talagang nakamove on. Binigyan niya kami ng sample tests na maaari naming gamitin para masubukan kung umeepekto ba ang aming pag-aaral dito sa TBU.

"First, mention his or her name and see if you can still feel the pain."

"Ma'am, hindi po ba mas lalo kaming mahihirapan? We're trying to forget. Pero paano kami makakalimot kung gagawin namin 'yan?" May point 'yung kaklase ko.

"Kaya nga itetest mo 'di ba? I'm not telling you to do this agad agad. You can do this after 3 months. I know you know about the three-month rule."

"Sorry ma'am. Just curious."

"It's alright." Mabait nga siya. "Next is, do not avoid him or her. Kung nakita mo man siya, harapin mo. Tingnan mo kung may mararamdaman ka pa rin."

Medyo mahirap ata 'yun. Minsan kasi akala mo nakalimutan mo na ang isang tao, pero kapag nakita o nakasama mo na siya, 'yun pala, hindi pa talaga. Pero sabi nga ni ma'am, kaya nga gagawin 'to is to test kung may something pa nga ba talaga o kung wala na.

"One more, kausapin mo siya. Throught this, malalaman mo kung maaapektuhan ka pa rin ba sa mga salita niya at sa mga galaw niya. Just always remember, these things are just examples and ways to see if enrolling in this university is really helpful. If it's not, then try again. You don't need to hurry, guys. Kung talagang hindi niyo pa sila nakakalimutan, try and try. Hindi naman ibig sabihin nafeel niyo na meron pa at nagfail 'yung test niyo, eh bigo na talaga kayo. Hindi talaga ganun kadali ang makalimot. Tiis tiis lang. Best things come when we wait. Patience ang kailangan niyo. And also, the willingness to get over a person. Understood?"

"Yes ma'am." Sagot ng mga kaklase ko. Nagsimula naman silang magchikahan at magtanungan ng KAYA MO BA?At kami naman ni Hoshi, nakikinig lang sa sinasabi ng prof.

Ngayon ko lang talagang ineenjoy ang pagiging TBU student. Ang saya palang makita na willing talaga 'yung mga kaklase mo na matuto at na talagang determinado silang makalimot. Pati tuloy ako, mas lalong napupush na gawin ang lahat para makalimutan si Patrick.

"Okay na ba tayo?" Tanong sa akin ng nakapout na si Hoshi.

"Okay naman tayo." Nginitian ko siya. It was a fake smile. Naiisip ko na naman kasi ang sitwasyon naming dalawa.

"Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin ha? Handa akong makinig."

Huminga ako ng malalim at hinarap ulit siya. "Salamat."

Tinuruan din kami ng prof namin kung paano malalaman kung may feelings pa ba sa amin ang mga ex namin. Ito. Ito ang interesting, kaya naman mas lalong nakinig ang lahat sa kanya.

"Alam niyo kasi, hindi lahat ng nakikipagbreak ay wala ng feelings. Minsan may sarili o personal silang dahilan." Ibig sabihin, posibleng mahal pa rin ako ni Patrick? "At para malaman niyo kung may feelings pa ba sa inyo 'yung ex niyo, here are some of the signs.." May inilabas siyang manila paper na may nakasulat na signs tapos idinikit niya 'yun sa board.

1. Kung medyo naiilang siyang kausap ka. 'Yung tipong hindi siya makatingin o makangiti ng kaharap ka o kapag nagkakatama ang inyong mga mata.

2. Kung naririnig mo sa iba na binabanggit ka pa rin niya sa kanila. 'Yun bang nagkukwento pa rin siya ng tungkol sa 'yo o kahit ng tungkol sa nakaraan niyo. Kung talagang hindi na siya interesado sa 'yo, hindi na siya mag-aaksaya ng laway na magbanggit ng tungkol sa 'yo o kahit ng pangalan mo.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon