Ni ju hachi.

181 2 0
                                    

A/N: Malapit na po siyang matapos. Keep on reading and voting and don't forget to follow me. Thank you.

...

Mizuki's POV

 

Habang papalapit ng papalapit ang araw na pinakahihintay ko, pahirap din ng pahirap ang nararamdaman ko. Unti-unti ng nawawala ang paningin ko kaya hindi na ako makalabas ng bahay, o kung gustuhin ko man ay kasama ko sina Mama at Papa o kaya naman ay sina Hans at Grace. Kinausap ko na rin si Grace tungkol sa sitwasyon ko na labis naman niyang ikinagulat. Handa ko na sanang ipaubaya na ng tuluyan si Hans, pero tumanggi siya, hindi dahil alam niyang tila ba wala siyang pag-asa, pero dahil..

 

"I'm pregnant, Mizuki." Nagulat ako sa sinabi niya na halos iluwa ko na ang mga mata ko na nanlalabo na rin naman.

"Who's the father, Grace?" Nang una ay akala ko si Hans ang ama ng magiging anak niya. Syempre. Malay ko ba sa nangyayari sa kanila. "Si Hans ba?"

"No. Hindi siya. 'Yung..last boyfriend ko. 'Yung dahilan kung bakit ako pumasok dito sa TBU. 'Yung huling karelasyon ko, si Jax."

"So, anong plano mo ngayon? Mahal mo pa ba siya?"

"Inaamin ko, akala ko nahulog na talaga ako kay Hans, pero nung nagkasama kami sa bar at nakita ko na naglasing si Jax nang dahil sa akin, saka ko narealize na, mahal na mahal ko pa rin siya."

 

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi ko ipinaubaya si Hans sa kanya dahil may iba pa palang mahal si Grace o malulungkot dahil bigo ako sa pagiging kupida ko. Sabagay. Mahirap pilitin ang dalawang taong may ibang minamahal. Siguro, tadhana na rin ang nagdala sa kanila sa kung nasaan sila ngayon. Siguro nga, nakatadhana na hayaan ko na lang si Hans sa tabi ko habang nabubuhay pa ako.

 

"Nga pala. Imibitado ka ba sa wedding nina Hoshi at Camille?" Tanong ko kay Grace.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, "Oo. Pati kasi 'yung iba nating classmates imbitado rin. Ikaw ba?" Nakita ko na napahawak siya sa kanyang bibig at humingi siya ng pasensya. "Sorry. I forgot."

"No. It's alright." Ngumiti ako sa kanya kahit na medyo nasasaktan ako sa katotohanan. "Pupunta ako. Nangako ako kay Hoshi eh. Saka kay Camille. And besides, ako ang humiling na ituloy nila ang kasal nila. How could I decline their invitation 'di ba? Si Hoshi na rin mismo ang nag-imbita sa akin."

"Are you happy for them?" Gusto ko sanang sabihin na masaya ako para kay Camille, pero hindi ko alam kung masaya ba ako para sa sarili ko.

"I am happy for them." Nakangiti kong sagot sa kanya kahit na deep inside, gusto kong umiyak.

 

Ilang araw na lang at kasal na nina Hoshi at Camille. Nakahanda na ang isusuot ko at ang isusuot ni Grace. Sabay kaming pupunta doon. Masaya ako na bago ako mawala, naging bestfriend ko si Grace. Sayang nga lang at hindi na ako pwedeng maging ninang ng magiging anak niya. Kung pwede nga lang siguro na palabasin na kaagad 'yung baby niya para maabutan ko siya, gagawin ko eh. Kaso, hindi. Ni ako nga, wala ng pag-asa na magkaroon ng sariling anak eh. Saklap ano? Pero ganito talaga ang buhay ko.

 

"Mizuki. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nagulat ako nang padabog na pumasok ng pintuan ng kwarto ko si Hans.

Tumayo ako at sinalubong siya. "Alin? Alin ang hindi ko sinabi sa 'yo?"

"Na malapit na ang birthday mo. Na..sa araw pa ng kasal nina Camille."

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon