Nang nakarating sa bahay si Mizuki, kaagad siyang pumasok sa kanyang kwarto at napansin naman ng kanyang Mama na tila ba sumasakit na naman ang ulo niya. Dinalhan siya nito ng gamot at tubig at kasunod na rin ng Mama niya ang kanyang Papa na nag-aalala sa kanya.
"Talaga bang ayos ka lang anak? 'Di ba sabi ko naman sa 'yo, itigil mo na ang pagpasok diyan sa TBU na 'yan at magpahinga ka na lang. Nakita mo na ba ang nangyari sa 'yo? You almost got yourself killed."
"Papa, last na 'tong week na 'to. Promise. Magpapahinga na ako after this. Please." Pagmamakaawa ni Mizuki sa kanyang Papa.
"Okay fine. At nga pala, nasaan si Hans? 'Di ba I told him to check on you kapag nasa TBU ka?"
"Ahmm." Kaagad siyang umisip ng dahilan. "May sakit siya Papa. Hindi rin siya nakapasok kanina. Must've been tired dahil binantayan niya ako last week kahit na may work pa siya. It's not his fault, okay?"
Kaagad siyang pinagpahinga ng kanyang Mama at Papa nang medyo maayos na ang kanyang pakiramdam. Hindi siya kaagad nakatulog kakaisip sa mga nakita niya kanina. Hindi siya makapaniwala na isinasakripisyo niya ang kaligayahan na dapat ay sa kanya lang. Am I being selfish to myself? Tanong niya sa sarili. Bumangon siya at nagtungo sa veranda ng kanyang kwarto para magpahangin at pagmasdan ang mga bituin.
"Hindi rin magtatagal at makakasama ko na rin kayo." Gumuhit siya ng puso sa mga bituin gamit ang kanyang hintuturo.
Umupo siya sa veranda ng kanyang kwarto upang doon muna magpahangin hanggang sa siya ay dalawin ng antok. Kinuha niya rin ang unan at kumot niya para mas magaan ang kanyang pakiramdam habang pinagmamasdan niya ang mga bituin at ang new moon. Bigla niyang naalala ang kanyang pangalan na ang ibig sabihin ay moon. Napangiti siya at naisip na gusto rin niyang maging moon para makita ang lahat ng bagay sa kanyang paligid mula sa itaas. Ang kanyang Mama at Papa, mga kaibigan, si Camille, Hans, at si Hoshi.
"Sana, kapag nawala na ako, maging moon na lang ako para kahit nasaan kayo, makikita ko pa rin kayong lahat." Bulong niya at humikab dala ng antok.
Sa labas na siya nakatulog. Nagulat naman ang kanyang Mama nang nakitang wala siya sa kanyang kama. Nang nakita niyang nasa veranda si Mizuki, natakot siya ng bahagya at inakalang may masama ng nangyari sa kanya.
"Anak. Ano ka ba naman. Bakit sa labas ka natulog? Halika na. Doon ka sa kama mo."
"Hehe. Napasarap po kasi ang pagmamasid ko sa mga stars at sa mga moon. Ehem ehem." Sumunod siya sa kanyang Mama patungo sa kanyang kama.
Nagpaalam ang kanyang Papa na pupunta muna sa kanyang kaibigang doktor. Gusto sanang sumama ni Mizuki, pero hindi siya pinayagan ng kanyang Mama at sinabing, "Hindi ka pwedeng mapagod. Hindi ka pwede sa malayuang byahe. 'Di ba, anak?"
Pinagmasdan ni Mizuki ang kanyang ina at hinila ito papalapit sa kanya. Umupo ang kanyang Mama sa kanyang tabi hawak ang kanyang kamay. Hinaplos nito ang kanyang buhok at 'di napigilang umiyak. Niyakap niya ang namumutlang anak at hinalikan ito sa noo habang umiiyak.
"Mama. 'Wag naman po kayong ganyan. Pinapaiyak niyo naman po ako eh."
"Ikaw naman kasi eh." Mas humigpit ang yakap nito sa kanya na para bang hindi na siya makakahinga. "Mamimiss ko ang pagyakap sa 'yo, anak."
"Ma, 'di po ba, sabi ko sa inyo, 'wag na nating pag-usapan 'yan sa ngayon? Let's just be happy. Please Mama?" Inistretch nito ang labi ng kanyang Mama para mapangiti ito. "Gusto ko palagi kang nakasmile. Gusto ko Mama, maging masaya po kayo ni Papa palagi."
"How? Hindi namin kayang maging masaya nang wala ka." Sa sinabing 'yun ng Mama niya, napaiyak na rin siya.
"Magiging masaya naman ako Mama, kaya maging masaya rin po kayo para sa akin. Please?"
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...