Kahit may sakit update pa rin. :) Vote and Comment! Thanks.
...
Ang sunod na subject namin ay REVIVAL. Dito naman daw namin matututunan kung paano namin bubuhayin muli ang mga puso namin. Namatay lang ang peg? Pero nakakatuwa kasi interesting 'yung teacher namin kasi nerd talaga 'yung dating niya at mukhang bata pa. No doubt kung bakit siya naging part ng school na 'to. Siguro palagi siyang naloloko.
"Since this is our first meeting, I will let you enjoy the hour, but the next hour will be sharing of your ideas on how you could revive or start again. Ishare niyo sa harap ng classmates niyo 'yung ways na sa tingin niyo ay mas magiging effective para sa inyo. I'm giving you the first hour to prepare, so don't waste your time as much as it is possible. Okay?"
Ang sumunod na mga pangyayari ang binalot ng katahimikan. Pinayagan kami na isulat ang mga sasabihin namin. Ako? Ayaw kong magsulat kasi I'm having a hard time relying on notes. Pakiramdam ko, minsan may bago na lang na idea na bigla na lang papasok, so magugulo ang list ko.
Si Hoshi naman, tahimik lang din at nagsalpak ng headset sa kanyang tenga. Nagssoundtrip siguro siya, malamang. Kinuha ko 'yung nasa kaliwang tenga niya at hindi siya umangal. Puro sad songs pala ang nasa playlist niya. How gay. Pero na-turn on ako sa kanya. Bihira lang kasi ang mga lalaking maka-sad songs. Usually mga rockers sila, pero itong si Hoshi, kakaiba talaga siya. Sa part na 'to, magkaiba sila ni Patrick. Si Patrick ay hindi nakikinig masyado sa music, at kung mangyari man na makinig siya, eh mostly rock songs. Hindi kaya, bakla itong si Hoshi?
"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" Nahuli niya pala akong nakatitig sa kanya.
"I just winder why you love sad songs, kahit na lalaki ka." I smiled.
"Are you thinking that I'm gay? Stop it, Moon." Nagulat ako sa tawag niya sa akin. He called me moon. Alam dn pala niya ang meaning ng pangalan ko. Pero nasaan an 'yung beautiful?
"Bakit walang beautiful? Incomplete tawag mo sa akin. Dapat beautiful moon." Nagsmirk lang siya.
"I just want it that way. Para ako star, ikaw moon. Ang unfair naman kung may adjective 'yung sa 'yo tapos 'yung akin wala. Ano ka sinuswerte?"
Natapos din ang nakabibinging one hour na katahimikan at preparation. This time, sa akin nagsimula ang sharing. Nakinig silang lahat sa ways ko, at mukhang nangopya pa 'yung iba. It doesn't matter daw kung may magkakatulad, basta alam ng bawat isa na kaya nila 'yung ways.
"So for me, these are my ways." Umubo ako ng konti. "One. Make sure that you have already moved on. Kasi 'di ba ang hirap naman magstart again ng may laman pa 'yung puso mo?" Nagnod naman 'yung classmates at prof namin. "Two, make a list on how to start again. Halimbawa, hahanap ako ng bagong boyfriend/girlfriend, o kaya naman eh stay single na lang forever para wlang problema. Things like that. Tapos kailangan isipin mo na kailangan mo 'yung gawin. Lastly, in order to revive again, you must make your past your reason to start again. Kung nasaktan ka man noon, matuto from that thing. Gawin mo 'yung rason para maging masaya naman ngayon."
Nagpakapakan silang lahat sa sagot ko. Ako naman, nagbow lang. Sumunod na sa akin si Hoshi na dadalawa lang daw ang ways niya para maka-revive o makapag-start again. At 'yun ay:
"Make yourself happy and love yourself more. Kasi kung masaya ka, hindi mo hahayaan na masaktan ka pa ulit. At kung mahal mo ang sarili mo kaysa sa iba, hindi mo hahayaang masaktan ka. Ganon naman 'di ba? Ayaw mong masaktan ang mga taong mahal mo. So mahalin mo ang sarili mo."
Nagtilian pa 'yung ibang mga babae sa nakapasimple pero havey niyang sagot, to think na mukhang hindi naman siya naghanda kanina. Mukhang good mood na siya, hindi ko alam kung bakit. Nang matapos naman ang klase namin ay tinupad niya ang pangakong kakain kaming dalawa. Nagpunta kami sa isang resto na malapit sa school since sarado na 'yung canteen nang dumaan kami kanina. Puro mayayamamang couples and narito sa resto na ito. Ito ata 'yung Chianna Leto. Narinig ko na 'to sa isa sa mga kaibigan ko eh. At mukhang masarap nga ang steak nila dito.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...