Abangan niyo po ang magiging Part II nito. Thankyou. Read my other stories na rin. Saka ko itutuloy kapag natapos ko na 'to.
...
And now, we are finally off to giving messages to each other. I still wonder how everything happened just like that. I could really say that I am the happiest of all, today. Oh dear, sana nga lang at pwede kong kontrolin ang oras at habangbuhay na lang sa tabi niya sa harap ng altar na 'to. But I just couldn't. One month to go before saying good bye.
"Ahm. Teka lang. Baka maiyak ako ng sobra." Ani Hoshi habang pinupunasan ang nagbabadya niyang luha. "First of all, thank you for not letting go of your feelings." I already did, but I just can't stop loving you. "Thank you for still loving me after all. Ang dami nating hinarap na problema. Ang daming dumating na hindrances, pero look at us now. We just shared our I DO's!" Sa sinabi niyang 'yun, tila ba kinilig ang lahat. "I will never regret this day, Mizuki. Ikaw na lang ang tanging pangarap ko. Alam kong nandito ka na ngayon, sa tabi ko, at kasal na ako sa 'yo, pero kulang pa. Gusto ko, makasama pa kita habangbuhay. Gusto ko mas tumagal pa tayong dalawa, tumanda kasama ang mga magiging anak natin, masaya at walang problema."
Sa sinabi niyang 'yun, hindi ko na napigilan pa ang mga luha na hindi dulot ng saya, kundi ng sakit ng katotohanang 'di rin magtatagal at iiwan ko na siya. Ang sakit isipin na wala siyang alam sa kung anong nangyayari sa akin ngayon, at na isang buwan na lang ang taning na natitira sa akin para makasama siya. Please, sana maextend ang buhay ko nang makasama ko pa siya.
"Gusto ko makitang pumuti ang buhok mo, kumulubot ang balat mo, habang nananatili sa 'yo 'yung kagandahan na meron ka." Niyakap ko siya mula sa tagiliran habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Nakapikit lang ako habang umiiyak. "Gusto kong makita kang malakas, kasama ko, tapos tuwing anniversar natin, sabay tayong magsisimba kasama ng mga future kids natin. Gusto ko rin na makita mo sila na lumaking mabuti, mabait, magaganda at gwapo kagaya natin." Natawa ako ng konti sa sinabi niya, pero deep inside, masakit pa rin talaga. "Gusto ko habangbuhay, nagmamahalan tayong dalawa."
Sorry, Hoshi. Hindi ko maiibigay ang bagay na gusto mo. Sa mga sinasabi mo tuloy ngayon, pakiramdam ko, hindi ako ang babaeng nararapat para sa 'yo. Pakiramdam ko, hindi ako ang tamang babae na makakasama mo sa pagtanda mo. Hindi ako ang babaeng hinahanap mo. Sorry, Hoshi. Sorry kung hindi ko matutupad ang mga pangarap mo para sa ating dalawa. Hindi ko maiibigay ang future na gusto mo, kagaya ng ginawa mo sa mga pangarap ko. I can't bring you the future right now. I don't know how.
"I love you, Mizuki. Ngayon ko lang ata ulit nasabi ito sa 'yo. Ngayon ko lang ata masasabing mahal na mahal na mahal na mahal kita. Na ikaw lang ang mamahalin ko habangbuhay. Mamahalin kita hangga't kaya ko. Hangga't nabubuhay ka." Pero paano 'yun? Hanggang next month na lang ang buhay ko. So hanggang dun na lang 'yun? "Mamahalin kita, hindi pakakawalan, at aanakan hangga't gusto mo." Natawa ako kahit papaano sa sinabi niya, pero hindi pa rin napapawi ang sakit ng katotohanan.
Iniabot na niya sa akin ang mic at hindi ko kaagad 'yun nakuha dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at kung paano ko tatapusin, pero kinuha ko na rin ang mic ang tinahan ang sarili ko sa pag-iyak. Hindi pa man ako nakakapagsimula, umiyak na kaagad ang mga taong nakakaalam ng sitwasyon ko - sina Mama at Papa, Grace, Rhizza, Aya, at sina Camille at Hans. Nagsisisi ako na hindi ko kaagad sinabi kay Hoshi ang sitwasyon ko. Pero hindi ko naman kasi alam na aabot sa ganito.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomansThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...