A/N: Para sa mga Camzylicious ang chapter na ito. Para po sa FB account ni Camille, search - Camz Dela Cruz :)
...
Camille's POV
Noon, hindi ako naniniwala sa Love, siguro dahil bata pa lang ako, business na kaagad ang kaharap ko dahil ng mga magulang ko. At nang nakatapos na ako ng pag-aaral, wala akong ibang inatupag kundi pag-aaral sa business ng mga magulang ko.. Sa ngayon, ako na lang ang namamahala ng iniwang business nina Mama at Papa. Hindi naging ganun kadali ang lahat para sa akin dahil nasanay ako na sila ang palagi kong kasama kapag may mga meeting. Tinuturuan nila ako nung bago pa lang ako sa Bareilles Company. Pero ang pagmamahal ko sa business ay nagbago nang nakilala ko si Hoshi - ang anak ni Tito Dansel, Chairman of the Board ng BC. Noong una, ayaw na ayaw ko sa kanya dahil parang wala siyang interest sa business, pero nang ipinakilala na siya ng tuluyan sa kumpanya, nakita kong may potensyal pala siya at na konektado sa business ang kursong kinuha niya. At doon nagsimula ang pagkakagusto ko sa kanya.
"Tito Dansel, may girlfriend ba si Hoshi?" Sinadya ko talaga si Tito sa opisina niya para malaman ang tungkol sa status ng lovelife niya. Malay ko ba kung may pag-asa.
"Sa pagkakaalam ko Camille, wala naman. Tinanong ko rin siya tungkol diyan, at ang alam ko, nakipagbreak siya sa girlfriend niya just before I introduced him dito sa Bareilles. Bakit mo naitanong? Interested ka ba sa kanya?"
"Tito, I'm just asking. Kayo talaga. Hihi." Mabuti na lang at close ako kay Tito Dansel. Mukhang magiging madali ang lahat.
"Okay lang naman sa akin kung ikaw ang makakatuluyan ng anak ko. I've known you for so long pati ang mga magulang mo. Halos dito ka na nga lumaki, 'di ba? Saka, you have love for business. You two would be perfect for each other."
Sa sinabi niyang 'yun ay mas lumakas ang loob ko na lapitan at kausapin si Hoshi. Mailap siya, medyo suplado at mukhang walang masyadong interes sa mga babae. Ayos lang, matiyaga naman ako eh. Business nga nakakaya kong i-handle, siya pa kaya?
"Hi Hoshi. I'm Camille. It's nice meeting you. Welcome to the company." Naglahad ako ng kamay para makipagshakehands sa kanya pero hindi niya 'yun pinansin.
Ngumiti siya sa akin ng pilit at sinabing, "Salamat." At pagkasabi niya nun? Iniwan lang naman niya akong parang estatwa na nalkalahad pa rin ang kamay. No way.
"Oh, ang kamay mo. Baka mangalay ka." Ibinaba ni Hanagata ang kamay ko nang dumaan siya sa harapan ko. "Nabasted ka kaagad kay Hoshi? Pambihira Camz. Hahaha."
Sa kumpanyang ito, si Hanagata ang pinakakaclose ko, dahil bata pa lang din siya nang namulat siya sa business at stockholder din ang Papa niya. Siya dapat ang magmamana at susunod sa yapak ni Tito Dansel, kaso, nakita na nga niya si Hoshi kaya hindi na si Hanagata ang magiging sunod na head ng Bareilles.
"Tss. Ang suplado niya. Hindi siya pwedeng mamahala ng Bareilles. The company would be a mess kapag siya ang nanguna. Tss. It should be me."
"Ah, so kakumpetensya mo pala siya sa posisyon? Hmmm." Mukhang tama nga ang hinala ko sa pananalita ni Hanagata.
"Sadya namang ganito sa business hindi ba? Besides, ako naman talaga dapat ang papalit sa Papa niya kung hindi siya dumating. We have the second largest number of stocks, just to remind you."
"I know. I know. Pero nakita mo naman na siguro na wala ka ngang pag-asa 'di ba?"
"Hindi natin masasabi, Camz. Malay mo, magbago ang takbo ng mundo. I just have to get rid of him."
Totoo nga ang sinabi ni Hanagata. Ginawa nga niya ang lahat. Sa tuwing nagmemeeting, pinupuna niya ang proposals at presentations ni Hoshi, pero hindi siya magtagumpay. Magaling sumagot si Hoshi at hindi niya inexpect 'yun. Inakala kasi ni Hanagata na walang talent si Hoshi sa business, pero nagkamali siya.
"Do you like that jerk?" Tanong sa akin ni Hanagata pagkatapos ng meeting namin.
"Hmm. What if yes?" Natawa siya sa sagot ko. "What's funny? I like him. Ang gwapo niya, tapos business-minded pa. Tss. 'Wag mo akong tawanan Hanagata."
Tawa lang siya ng tawa kahit na kanina lang ay halos umusok ang ilong niya sa pagupuna kay Hoshi. "Nakakatuwa ka kasi. Hindi bagay sa mukha mo ang mainlove. I've known you since mga bata pa lang tayo. Mukhang business na nga ang mukha mo, medyo magulo kakaasikaso, tapos ngayon? Nagbblush ka na. Hahahaha!"
Hinampas ko siya ng mahina at sinabing, "We'll see. Makukuha ko rin siya. Haha. Kaya 'wag mo akong tawanan. Baka mamaya mapanganga ka na lang kapag nakuha ko na siya."
"Use clean ways, Camz. Baka naman mamaya gamitin mo ang number of stocks niyo ha? Hahaha."
"How did you know that? Beast ka talaga. Hahaha."
Kilalang-kilala na nga ako ni Hanagata. Alam na niya kasi ang mga bagay na tungkol sa akin, ang ugali ko, pero talagang hindi kami magkagustuhan. Matagal na kaming magkakilala, pero mas nagustuhan ko pa si Hoshi kaysa sa kanya kahit na bago pa lang siya sa kumpanya. Hay naku. Siguro nga, hindi 'yun sa tagal ng pinagsamahan.
When we're in a meeting, he's always up to nothing but business. Business here, business there, business everywhere. May time pa kaya siyang mamasyal o magsaya man lang?
"Si Hoshi 'yun 'di ba?" Itinuro ni Hanagata sa akin si Hoshi na papasakay sa kotse niya at mukhang may kasama. "May kasama siya. Nakita mo ba?"
"Ya. Napansin ko nga. Sino naman kaya 'yun? At saan siya pupunta?" Hindi kaya may girlfriend na siya?
"Don't stress yourself Camz. Ako ang bahala. Susundan ko siya. Babalitaan kita. Umuwi ka na muna. Okay?"
"Sige. Tinatamad din akong magspy sa ngayon. Call me kapag may nabalitaan ka na. Okay?"
Ginawa nga ni Hanagata ang pangako niya sa akin na susundan niya si Hoshi kapag may time siya. There's one time pa nga na tumawag niya sa akin at sinabi niyang nakita niya si Hoshi na may kasama sa isang cafe.
"Yes hello? What's new? Nalaman mo na ba kung sinong kasama ni Hoshi?"
"Ya. Actually, medyo nahalata ko na sila noon pa man. Nakausap ko siya kanina nung nagkita kaming dalawa."
"Then, who's the girl?" Nakakainip naman kasing magbalita 'tong si Hanagata. Pambihira.
"I can't tell you. Hahaha." Halos ibato ko ang phone ko sa sobrang inis. "Hmmm. 'Wag kang mag-alala. Hoshi told me na hindi niya type 'yung girl, so there's nothing to stress yourself about. Okay? Let me handle this."
"Why can't you tell me the name of the girl? Are you afraid of me, having the power to send her off the company?"
"Yes. And..I think I like the girl. And I'll try my best to get her. Mukhang hindi rin naman siya interesado kay Hoshi. Sabay lang sila kapag hapon kasi pumapasok sila sa isang silly school. Haha."
"School? Hindi ba graduate na si Hoshi? How come na pumapasok pa siya?"
Tumawa ng saglit si Hanagata bago ulit sumagot sa akin. "Sa TBU sila pumapasok. You've heard about that school 'di ba?"
Oh my God. The Brokenhearteds' University? "Hahahaha. Stop it, Hanagata. It's not time to make a joke."
"It's not a joke, Camz. Totoo. Pumapasok silang dalawa doon. Hahaha. Would you believe it? Hoshi is actually enrolled in that university. Hahaha! May pagkakorni rin pala siya ano?"
Hindi ko akalain na ganun pala kababaw si Hoshi. It's a major turn-off, pero ewan ko ba. Hindi ako tinablan. I still like him. It's silly that he's actually up to things like that. This means something. He's serious about love. Mukhang hindi naman siya hard to get. And he shouldn't be.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...