Ni ju shi.

161 2 0
                                    

Unti-unti ko ring natanggap ang pagkawala ni Hoshi dahil sa kapalit na buhay na dumating sa akin, si Hoshiko. Oo, 'yun ang ipapangalan ko sa magiging anak namin ni Hoshi na ang ibig sabihin ng Hoshi ay "star" at ng Ko "child" dahil siya ang kaisa-isang anak ng lalaking minahal ko ng lubusan at totoo, kaya isusunod ko sa kanya ang pangalan ng magiging anak namin.

 

"Anak. Saan ka ba nanggaling? Bakit mukhang napagod 'tong sina Hans kakahanap sa 'yo?" Tanong ni Mama na kaagad akong pinahiga sa kama.

"Sa rooftop lang po, Mama." Nakangiti kong sagot sa kanya habang hinahaplos ang tiyan ko. "Ma, buntis ako."

 

Nagulat ang lahat ng nasa loob ng room ko at kaagad nila akong nilapitan. Itinanong nila sa akin kung paano ko raw nalaman. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila, pero sinabi ko na lang na maniwala na lang sila. Para makasigurado, ipinacheck-up nila ako sa doktor at nalaman nilang totoo nga na may heartbeat sa loob ng tiyan ko. Masayang-masaya silang lahat, kahit na kanina lang ay nagdurusa ako sa pagkawala ng lalaking mahal ko.

 

"Alam mo anak, akala namin hindi ka na magigising." Ani Papa na may konting dugo pa sa damit at tila hindi pa talaga nakakapagpalit. "Himala na bumalik ka sa amin."

"Papa. Do you believe in God?" Tumango si papa sa akin kung kaya't ikinuwento ko sa kanilang lahat ang nangyari sa akin. "I was already there..in heaven. Alam niyo, Papa, nakita ko si San Pedro. Ang bait bait niya at nababasa niya ang nasa isip ko."

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at ngumiti siya sa akin. Sana hindi niya iniisip na nababaliw na ako. "Anong sinabi niya sa 'yo?"

"Na hindi ko pa raw po oras. Tapos Mama, nakita ko si Hoshi doon, kaya nagmadali akong bumalik sa katawan ko. Kinabahan kasi ako na baka may nangyaring masama sa kanya. Tapos nalaman ko na.." Huminga ako ng malalim at pinigilan ang luha ko. "Na totoo nga, na wala na siya."

"Anak. Hindi rin kami makapaniwala. Hindi rin naman kaagad nasabi sa 'yo dahil umalis ka dito at alam namin na mahahanap mo rin siya. Sorry anak, kung hindi namin kaagad sinabi sa 'yo." Hinawakan ko rin ang kamay ni Mama na nakahawak sa isa kong kamay.

"Ayos lang Mama. Sa totoo lang, siya ang dahilan kung paano ko nalaman na may bata pala sa aking sinapupunan. Believe it or not, Mama, nakita ko siya kanina. Doon sa rooftop. Noong una, gusto ko na magpakamatay na lang at sundan siya, pero pinigilan niya ako, Mama."

 

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Niyakap ako nina Mama at Papa, maging ni Hans na sobra ring nag-alala. Nagpaalam naman muna sina Aya, Grace, at Rhizza na uuwi muna sila sa kanila at na dadalaw na lang ulit sila bukas. Nagpasalamat ako sa kanila at humingi ng tawad sa naidulot kong abala sa kanila.

 

"Ano ka ba naman. Hindi ka abala. Basta, we'll be back. Bibisitahin ka namin dito. Okay? It's too late na lang kasi at hindi alam sa amin na nandito kami." Ani Grace na humawak pa sa kamay ko.

"Mag-iingat ka, okay? Babalik kami nina Aya. Magdadala kami ng fruits." Ani Rhizza na nakipagbeso naman sa akin.

"Oo nga. Magdadala kami ng mga favorites mo." Sa sinabi ni Aya, naalala ko tuloy 'yung araw na nalaman kong iisa pala sina Hoshi at Patrick. Hindi ko rin 'yun makakalimutan.

 

Nang kami na lang nina Mama at Papa dahil umuwi rin muna sa kanila si Hans, sinabi ko sa kanila na ipinakita sa akin ni Hoshi ang magiging itsura ng magiging anak namin at tuwang-tuwa sila. Naexcite raw sila lalo na makita ang kaisa-isa nilang apo. Sinabi ko rin sa kanila na sinabi sa akin ni Hoshi na na-extend ang buhay ko. Noong una, nagtitinginan sila at tila ba ayaw maniwala, pero 'di rin nagtagal at nakumbinsi ko sila.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon