Sa sobrang tagal ng pag-uusap nina Hoshi at ng Papa niya, napagdesisyunan kong bumaba muna para makapagpamalamig sa mini coffee shop sa baba ng building. Walang masyadong tao ngayon dito dahil lahat ay nasa trabaho. Nagtext na lang ako kay Hoshi na itext ako kapag tapos na ang pag-uusap nila ng kanyang Papa.
"Yes. Nandito ako sa Patio cafe. I'll wait you here." Napalingon ako sa babaeng nagsalita at nakita kong si Ms. Camille pala 'yun. Sino kayang hinihintay niya?
Ilang minuto lang din at narinig kong may kausap na siya. Nasa likod ko siya, so bale magkatalikuran kaming dalawa kaya hindi niya ako makikita. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang nagsalita ang kasama niya at alam kong siya 'yun. Sabi niya, "Sorry for keeping you waiting."
"It's alright. So, ano? Napag-isipan mo na ba ang offer sa 'yo ng Papa mo?"
"Are you serious about giving all of your shares para lang pakasalan kita?"
Parang tinusok ang puso ko. Silang dalawa, ikakasal? Hindi ito maaari. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera, sinwitch ko sa front cam at itinapat sa likuran ko para macheck kung si Hoshi nga ba ang kausap ni Camille. Hindi ako nagkamali. Maging ang camera ng phone ko ay hindi nagkamali. Sila nga ang magkausap.
"Why are you doing this?" Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Hoshi at alam kong naiinis siya.
"I like you, Hoshi." sagot naman ni Camille. "Nung dumating ka pa lang dito sa company, nagustuhan na kita kaagad. And besides, sabi ni Mommy, kapag nakita na raw tagapagmana ng Bareilles, siya lang ang dapat kong pakasalan. I should end up with you just like what Mom wants me to do."
"But your Mom is dead, and I don't like you." Tumayo siya at akmang aalis na pero naramdaman kong pinigilan siya ni Camille.
"Maybe your cousin's right. You're insane. Siguro nga iba ang type mo, at hindi 'yung kauri mo. Oh please, Hoshi. It's now or never. Marry me or you'll lose our shares which is almost half of your company."
She's threatening him. Please, Hoshi 'wag kang pumayag para sa akin. Please Hoshi. Hindi ka pwedeng pumayag sa kagustuhan niya. You can earn those shares sa ibang stockholders. Please tumanggi ka.
"Fine. Offer accepted. But I can't marry you know. Wait for a month."
"It's okay. Can we announce our engagement then? This coming Monday would be great for that announcement."
"Fine. For the sake of Bareilles Company."
Bakit ganun? Kahit na alam kong para sa kumpanya, nasaktan pa rin ako? Pwede naman kasi siyang tumaggi 'di ba? Pero bakit? Bakit kailangan pa nilang magpakasal? Bakit sa kanya pa? Paano na ako?
"Are you okay?" Hindi ko siya kinausap nang nasa byahe na kami papuntang Alabang. May driver siya kung kaya't pareho kaming nasa likuran.
"Sir. Traffic po. Sa ibang daan na lang po tayo." Sabi ng driver niya.
"Sige. Basta hindi tayo malelate." Sagot naman ni Hoshi at humarap na ulit siya sa akin. "What's wrong na naman?"
"Nothing, sir. Exhausted lang po." Nakatingin ako sa kawalan at pinagmamasdan ang usok ng mga sasakyan. Ganun kadilim ang nararamdaman ko ngayon.
"Don't call me sir. Wala tayo sa opisina."
"Pero trabaho po ang pupuntahan natin. Secretary niyo po ako sa oras na 'to. Sorry, sir."
Hindi na siya ulit nagsalita hanggang sa dumating kami sa meeting niya. Diniscuss din doon ang pagtatangka ni Camille na ipull lahat ng investments and shares ng Mommy niya. Wala silang binanggit na engagement o wedding man, pero sinabi na lang ni Hoshi na naayos na niya. Ayos ang kumpanya, pero ako hindi. Ang unfair ng mundo.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...