Nang nakauwi ako ng bahay, heto na naman ang mga mata ko sa pag-iyak. Hindi na matapos-tapos. Nakakaasar. Hindi na ako nakamove on. Gusto ko na talagang makalimot.
Mama calling..
"Hello Ma?" Inayos ko ang boses ko para hindi niya mahalata na umiiyak ako.
"Oh bakit parang bingot ka? Anong nangyari sa boses mo?"
"W-Wala po. Ang lamig kasi kanina doon sa office nung nag-interview sa akin."
"Kamusta nga pala ang interview mo? Positive ba?"
"Mukha pong okay. Sana nga matanggap ako dun." Bigla ko namang naalala 'yung lalaking nakasalubong ko kanina.
"Buti naman. Medyo malelate ako ng uwi ngayon. Nagkita kasi kami ng Tita Harley mo."
"Po? Magkasama ba kayo ngayon?"
Si Tita Harley ang Mama ni Patrick. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong gawin. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o magtatanong kay Mama. Naramdaman ko na lang na pinindot ko 'yung End Call at wala na sa linya si Mama. Ni hindi ko man lang narinig ang sagot niya o kung sumagot ba siya. Nawala ako lalo sa sarili ko.
NagFacebook na lang ako at inaliw ang sarili ko. Buti pa 'yung mga ka-edad ko at schoolmate ko nung college may boyfriend na. 'Yung iba naman, 'yung mga boyfriends at girlfriends nila eh high school pa, sila na talaga. Kami naman ni Patrick nung 3rd year college na kami saka naging kami. 1st year college kami nung nagkakilala kami. Magkaiba kami ng kurso pero nasa iisang school kami kaya palagi pa rin kaming nagkakasama. Ang tagal din bago kami nagkadevelopan, tapos sa isang iglap, bigla na lang niya akong iniwan.
Naaalala ko pa 'yung conversation namin nung naghiwalay kami.
"If I say good bye, please don't ask me why."
"What?" Sabi niya kasi 'wag WHY eh.
"Good bye."
"Wh-" Hindi ko na itinuloy.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin talaga kung bakit. Nakakita na kaya siya ng mas maganda at mas karapatdapat para sa kanya? Hindi pa ba ako sapat? Sa tingin ko naman, okay naman kami noon eh. Pero noon lang siguro 'yun at hanggang dun na lang talaga kami.
Mika Ceferina Salvador and 7 other friends like The Brokenhearteds' University page.
Ano na naman ba 'tong page na 'to? Bakit kailangan ipamukha pa sa akin ng Facebook na brokenhearted ako? Pero curious ako kaya ni-click ko. Hindi naman siguro virus 'to. Ni-like ko na rin tutal hindi ko naman ikamamatay kung hindi ko ila-like 'to.
Mika Ceferina Salvador:
Uy. Haha. Bakit mo ni-like 'yung page?
Me:
Masama? Haha. What a silly page.
Mika Ceferina Salvador:What a silly page ka diyan, eh ni-like mo rin naman. Haha. :p
Me:
Stop it. Haha. Anong klaseng page ba 'yun?
Mika Ceferina Salvador:
Balita ko, page ng isang bagong uniiversity.
Me:
Seriously? University?
Mika Ceferina Salvador:
Oo. Basahin mo kaya 'yung about.
Hindi ko alam pero sinunod ko na lang 'yung sabi sa akin ni Mika. Siya nga pala ang isa sa mga college bestfriends ko na kasalukuyang hindi ko nakikita dahil nagbabakasyon habang ako naman ay naghahanap na kaagad ng trabaho. I have no time to relax. Kailangan kong magpakabusy para makapagmove on. That's rule number one daw kasi kung gusto mong magmove on - MAKE YOURSELF BUSY. Eh di sinunod ko.
About:
The Brokenhearteds' University is an institution built to help brokenhearted people to move on and find themselves again. Enrollment is now ongoing. No tuition free. It's all for free! Be a part of our university, where the brokenhearted people can be happy. For inquiries contact: 723-1432 loc 5254.
This is effin' interesting. Should I enroll now? Paano ang work ko? Siguro naman pwedeng ipaayos ang schedule. Why not try? Sige. Susubukan ko 'to. Kailangan kong mag-enroll dito. Malay ko ba kung makakatulong talaga. Pero sana, sana talaga, ito na ang susi.
"Hello? Is this Brokenhearteds' University?"
"Yes ma'am. Hoow may I help you?"
"Where is your school located?"
At nang nalaman ko ang address ay kaagad akong nagpunta sa location nila. Ang daming nakapila. Ang daming nagbabalak pumasok dito. Ganito na ba karami ang brokenhearted ngayon sa mundo?
"Excuse me. Are you all brokenhearted people?" What a dumb question.
"Yes." Lahat nung nakapila sumagot sa akin na labis kong ikinawindang. This is awesome.
'Yung iba sa kanila mukhang hindi magkakakilala pero nag-uusap na. This is so interesting. Nagsimula na rin akong makipag-usap sa kanila at nalaman kong karamihan sa kanila ay tapos na rin ng pag-aaral kaya okay lang din na nag-enroll sila ngayon dito. Ay iba naman ay kasalukuyang college at ang iba naman ay high school pa lamang. Grabe. Ang dami talagang nag-enroll. Sana nga effective 'tong university na 'to.
"Ikaw? Anong story ng latest heartbreak mo?" Tanung nung isang babaeng nasa harapan ko. Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin.
"Iniwan ako ng boyfriend ko at ayaw niyang itanong ko ang dahilan."
"Grabe naman."
"Oo nga. Ang saklap." At lahat sila ay nagreact.
Ganoon na ba talaga kalala ang nangyari sa akin? Sabagay. Ang hirap maiwan ng hindi mo alam ang dahilan. 'Yun bang tipong kaya mong ipaglaban pero hindi mo alam kung ano bang dapat mong ipaglaban. Haaay. Brokenhearteds' University. PLEASE HELP ME.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...