A/N: Natatawa ako. Sabi kasi nung isa kong kaklase, pambihira raw ako. Ang dami ko raw inuupdate. Pagpasensyahan niyo na po. Sige na. Tatapusin ko muna 'to bago 'yung iba. VOTE and COMMENT po ah? :)
...
Kinabukasan, maagang dumating sa opisina si Mizuki para makapag-ayos ng gamit niya. Tuluyan na nga siyang nagresign sapagkat ayaw na niyang magkaroon pa ng anumang ugnayan kay Hoshi. Nagpalit sila ng personal assistant ni Hans at pumayag naman ito dahil type niya si Hoshi.
"Oh my God! I'm so exhausted." Sabi ni Camille na papasok sana sa opisina ni Hoshi nang nakita niya si Mizuki. "Excuse me?"
Matamlay siyang hinarap ni Mizuki at sinabing, "Yes ma'am? May ipagagawa po ba kayo?"
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa saka sumagot ng, "Wala. May itatanong lang sana ako sa 'yo."
"Ano po 'yun ma'am?" Naiilang man siyang makipag-usap sa karibal niya, trabaho muna ang inisip niya. Kailangan niyang maging propesyunal dahil kaharap niya ang future wife ng boss ng kumpanya nila.
"Kilala mo ba kung sino ang lumalandi kay Hoshi? Nakakairita eh. Naglasing si Hoshi kagabi, tapos basta. Alam kong babae ang dahilan eh." Ako 'yun, at para sabihin ko sa 'yo, siya ang lumalandi sa akin. Ani Mizuki sa kanyang isip.
"Naku ma'am, kahit po ako ang naging personal assistant noon ni Sir, parang wala naman po akong naririnig sa kanya na kalandian niya. Sabagay po, trabaho lang po kasi ang inaatupag niya kapag ako po ang kasama niya."
"Ah ganun ba. Oh sige. Ganito na lang. Kapag may nalaman ka, sabihin mo kaagad sa akin, maliwanag ba?" Tumango si Mizuki saka nagpaalam para umalis.
Habang naglalakad siya, lutang na lutang ang isip niya, kaya hindi na niya namalayan na kasalubong na pala niya ang lalaking iniiwasan niya. Tumigil si Hoshi para kausapin si Mizuki, pero inunahan na siya nito.
"Inaalam po ng fiancee niyo kung sinong lumalandi sa inyo. Kapag nalaman niyang ako po 'yun, baka magresign na po ako sa trabaho ko dito. Good morning sir. Excuse me po."
Hinawakan ni Hoshi ang braso niya pero pumalag si Mizuki. "Hindi niya malalaman."
"Mabuti naman po sir. Kaya po layuan niyo na rin po ako bago pa po niya tayo mahuli."
Mahirap man sa kanya ang kanyang ginagawa, hindi niya mapigilang kausapin si Hoshi. At nang nakarating na siya sa opisina ni Hans, kaagad naman siyang sinalubong nito.
"Kamusta ka na? Okay ka na ba? Start na ng klase ko mamaya sa TBU. Magkaklase na tayo."
"Oo nga pala po sir, ano. Hindi ko na po namalayan." Gustong-gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niya ang kanyang mga mata.
"Ano ka ba naman. Tayo lang dalawa ang nandito sa office ko, 'wag mo na akong irespeto. Ayos lang sa akin. Pangako."
Huminga ng malalim si Mizuki at sinabing, "Salamat ha? Hans. Hindi ko alam, pero noon akala ko ikaw talaga 'yung dapat katakutan o layuan eh. Pero ngayon, ikaw pa 'tong nilalapitan ko."
"Wala 'yun. Hindi naman ako umaasa na magugustuhan ako ng lahat ng tao, pero gusto kong sabihin sa 'yo, na iba ang pakikitungo ko sa 'yo kaysa sa iba."
Hindi napansin ni Mizuki ang sinabi ni Hans at patuloy lang ito sa pag-aayos ng gamit niya sa table. Tinulungan pa siya ni Hans na masayang-masaya habang tumutulong sa kanya. Totoo ang sinabi niya na iba ang pakikitungo niya kay Mizuki kaysa sa iba. Kapag siya ang kaharap ni Hans, gentleman siya, maaalalahanin, matulungin, pero pagdating sa ibang empleyado, halos hindi niya pansinin.
"Hanggang ngayon ba eh siya pa rin ang iniisip mo?" Hindi sumagot si Mizuki sa tanong ni Hans, pero mukahang hindi na niya kailangang sumagot pa. "Alam mo kasi, ganyan talaga sa LOVE. Kahit 'di mo ipakita mo aminin, mahahalata ng iba na nasasaktan ka pa rin."
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...