San.

367 6 0
                                    

Kindly VOTE and COMMENT po para malaman ko ang nilalaman ng isip niyo towards my story. :)) Thank you!

...

Pagkatapos kong mag-enrol, kinuha ko ang cellphone ko para itext si Mama at magsorry kung late na akong makakauwi. Nang buksan ko ang phone ko, kusa akong dinala ng mga daliri ko sa Inbox kung nasaan ang mga texts sa akin ni Patrick. Isa-isa ko 'yung binasa habang inaalala ang itsura ko kapag katext ko siya. Nakakapanghinayang 'yung relasyon namin. Ilang buwan na lang mula ngayon at tatlong taon na sana kami. Ayaw ko na siyang alalahanin pero talagang dinadala ako ng tadhana sa nakaraan.

"Excuse me miss?" Tanong nung katabi ko dito sa bus stop.

"Yes?" Nakatingin pa rin ako sa phone ko habang kinakausap 'yung katabi ko.

"Wala naman. I just want to offer my hanky. Mukha kasing umiiyak ka na."

Nakita ko na lang na may luhang tumulo sa screen ng phone ko. Ito na naman ako. Umiiyak. Pinilit kong ngumiti at tinanggap ko ang panyong inialok sa akin ni Mr. Bus Stop. Hindi ko pa rin siya nililingon. Nahihiya kasi ako sa kanya. Nakayuko akong sumakay sa bus at kasunod ko pala siya. Iisa siguro ang way namin. Puno na ang bus na nasakyan ko kaya nakatayo na ako. I hate this feeling. Kaya nga ayaw ko ng malate ng pag-uwi.

"Miss. Okay ka lang ba talaga?"

"Oo. Okay lang ako. Thank you sa concern."

"Yang form na nasa envelope mo. Nag-enrol ka rin ba sa TBU?" Napansin pala niya. Nakalimutan kong transparent nga pala 'yung envelope ko.

"Oo. Ikaw rin ba?" Nakaringin lang ako sa labas ng bus habang kinakausap siya.

"Hmmm. Kanina lang din. Kaya pala pamilyar ang muka mo sa akin." Ayaw ko siyang tingnan. Ayaw ko kasing makita niya ang horrible look ko.

Hindi na siya nagsalita ulit. Nang dumating na ako sa tapat ng subdivision namin, pinara ko na 'yung bus. Bago naman ako bumaba, narinig kong nagsalita si Mr. Bus Stop. 'Yan ang tawag ko sa kanya kasi ayaw kong magmukhang interesado sa kanya.

"Yung panyo ko. Isoli mo na lang sa akin kapag nagkita tayo sa university."

"Sige. Salamat." Oo. Sinagot ko siya nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. Nahihiya kasi talaga ako. Una sa lahat, nakita niya akong umiiyak. That's humiliating.

"Ingat ka. Wag ka ng umiyak ha?"

Nagkaroon ako ng pagkakataong lingunin siya. Nagulat ako nang nakilala ko ang mukha niya. Siya? Siya pala.

"Miss. Bababa ka pa ba?" Tanong ni Manong Drayber. Napahiya na ako kaya bumaba na rin ako.

"Pasensya na po." Sabi ko bago sumara ang pintuan ng bus na sinakyan ko.

Nakita kong kumaway sa akin 'yung lalaking may ari ng panyong hawak ko ngayon. Parang nagslow mo ang kapaligiran at automatic na nagkaroon ng background song sa isip ko - Hello, Goodbye na isa sa mga OSTs ng My Love from the Star. Hindi ko alam, pero ngayon ko lang 'to naramdaman. Dahil ba, kamukha niya si Patrick? Ano kayang pangalan niya?

"Anak. Sa wakas naman nakauwi ka na rin. Dito na kita inabangan sa labas. Okay ka lang ba?"

"O-Okay lang po ako." Nakatingin pa rin ako doon sa bus na sinakyan ko na unti-unti ng nawawala sa paningin ko.

"Anak. Tara na. Gabi na oh. San ka ba nanggaling?"

Tulala akong umuwi sa bahay at hindi ko na nasagot ang tanong sa akin ni Mama. Imposible. Imposibleng siya si Patrick. Magkaiba sila ng style at kulay ng buhok, pero pareho silang gentleman at ang sitwasyon kung paano kami nagkakilala. Shit. Magkikita kami sa university. Paano ako makakamove on kung makakakita ako ng carbon copy ni Patrick?

"Anak. Tulala ka na naman. Si Patrick na naman ba?" Nagising ako sa tanong ni Mama.

"Ma. 'Di ba kasama mo kanina si Tita Harley? Kamusta na raw si Patrick?"

"Hindi niya nabanggit eh. Ayaw ko rin namang magtanong. Pero mukhang malungkot ang Tita Harley mo kanina. Hindi ko alam kung bakit."

Hindi kaya may nangyari kay Patrick? Nasaan kaya siya? Gusto ko sanang alamin pero nag-enrol ako sa TBU para makalimot, at pananagutan ko 'tong desisyon ko. Iniwan niya ako, at siguro naman nasa matinong pag-iisip siya nang gawin niya 'yun.

"Kumain ka na. Lalamig 'yang pagkain mo, sige ka. Mamaya hindi na 'yan masarap."

"Sorry Mama." Nagsimula na akong kumain pero lipad pa rin ang isip ko. Naalala ko tuloy si Mr. Bus Stop. Ano kayang pangalan niya?

Hindi ako umiyak ngayong gabi, hindi kagaya ng mga nakaraang gabi ng buhay ko. Naiisip ko kasi 'yung si Mr. Bus Stop. At para makatulog ako, nagsimula na ulit akogn magsoundtrip. Nakinig na akong muli ng playlist kong puro Korean songs. Pinakapaborito ko 'yung My Destiny na OST ng My love from the star. Hindi ko alam, pero parang mas nafeel ko 'yung kanta ngayon.

Mr. Bus Stop, are you my destiny?

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon