San ju go; SAIGO (End)

182 2 0
                                    

Pagkakagising ko tuwing umaga, dinadalaw ko kaagad si Hoshi, o kung minsan naman ay halos doon na ako natutulog kasama ang mga nagbabantay sa kanya at ang Papa niya. Maging si Tita Harley na hindi nakadating sa kasal namin dahil may sakit, ay halos magdamag din sa chapel upang bantayan si Hoshi. Hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin, marahil ay dahil alam niya ang dahilan kung bakit nawala ang itinuring niyang anak, at na ako ang dahilan. Ilapit ko man ang sarili ko sa kanya, mukhang wala akong magagawa.

 

"Bakit ba nandito ka pa? Bakit hindi ka na lang umuwi sa inyo?" Aniya habang nakaharap sa kabaong ni Hoshi, kung kaya't hindi ako makalapit.

"Hindi ko po pwedeng iwanan ang asawa ko. Tungkulin ko po bilang asawa niya na bantayan siya hanggang sa huli."

"Asawa? Hanggang ngayon ba naman ang kapal pa rin ng mukha mong tawagin ang sarili mo bilang asawa ng anak ko? Ikaw ang dahilan kung bakit wala na siya, kaya wala kang karapatan."

 

Hindi ko siya pinapatulan sa tuwing sinasabihan niya ako ng mga matatalim niyang mga salita. Naiintindihan ko na nangungulila siya kay Hoshi, pero ako rin naman ah? Pareho lang kaming nawalan. Pareho lang kaming nasasaktan, at mas masakit sa akin, dahil minahal ko siya ng halos kahalating taon ng buhay ko. Nakasama ko siya ng matagal at halos siya na ang naging buhay ko. Gayunman, hindi ko na lang din nilabanan si Tita Harley.

 

"Tita, sana naman po irespeto niyo ako. Kahit 'yun na lang pong katotohanan na buntis ako at dala ko sa sinapupunan ang anak ng anak niyo. Kahit 'yun lang po sana, matanggap niyo."

Hinarap niya ako at matigas niyang sinabi sa aking, "Wala akong pakialam kung ipinagbubuntis mo ang anak ng anak ko. Ikaw pa rin ang kasalanan kung bakit siya nawala. Hindi mapapalitan ng batang 'yan kung anong nawala sa akin."

"Hindi lang po kayo ang nawalan. Hindi lang po kayo ang nahihirapan at nasasaktan. Ako rin po. Kaya po sana, 'wag naman kayong ganyan. 'Yun nga pong tunay niyang ama, hindi ako sinisi ng ganyan."

 

Umalis na lang ako sa halip na masagot ko pa siya at kung ano pang masabi ko. Tuwing wala siya sa chapel, saka na lang ako pumupunta. Ilang araw rin bago inilibing si Hoshi. Nang ika-limang araw, inilibing na rin siya sa tabi ng libingan ng kanyang Mama. Doon siya napiling ipalibing ng Papa niya at pumayag naman ako sa kagustuhan niya.

 

Bumaha ng luha at hinagpis sa lugar kung saan huli kaming magkikita ni Hoshi. Lahat ng nagbigay ng mensahe ay hindi napigilang umiyak at halos magwala, kagaya ko. Sna Hans, Camille, ang iba pa nilang mga kamag-anak, si Tita Harley na nagpalaki sa kanya at si Papa Dansel maging sina Mama at Papa ay hindi rin napigilan ang emosyon. Nang nagkita sina Papa Dansel at Mama, nagbow sila sa isa't isa. Ngayon lang sila ulit nagkaharap at nagkausap, dahil noong araw ng kasal ko ay magkalayo sila. Ngayong araw na 'to, natipon lahat ng mga taong mahahalaga sa buhay ni Hoshi. At isa na ako doon, na huling nagbigay ng huling mensahe.

 

"Hoshi. I will never forget about you. Alam ko, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin nung huli nating pagkikita sa rooftop, pero gusto ko lang ulitin..at kahit habangbuhay handa akong ulit-uliting sabihin na mahal na mahal kita, at na mas mahal kita kaysa pagmamahal mo sa akin. Salamat sa lahat, Hoshi. Hindi ko makakalimutan ang mga nangyari sa buhay natin simula nang nagkakilala tayo." Nagpahid ako ng luha at nagpatuloy sa pagsasalita kahit parang 'di ko na kaya. "Ikaw ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako hanggang ngayon. At nangako ako sa 'yo na aalagaan ko ang magiging anak natin, at tutuparin ko 'yun. Aalagaan ko siya hangga't kaya ko pa at nabubuhay pa ako. Salamat sa pagligtas sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik sa 'yo ang lahat ng ibinigay mong pagmamahal at sakripisyo, pero hayaan mo na lang ako na tuparin ang hiling mo at pangako ko, at hayaan mo lang ako na mahalin ka kahit hanggang sa kabilang buhay."

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon