Roku.

357 4 0
                                    

Habang tumatagal, mas humihirap ang trabaho. Second day ko pa lang pero feeling ko mahahaggard na ako. Buti na lang at kahati ko 'yung mga ka-Department ko sa ginagawa ko dito sa opisina. Idagdag pa ang katotohanang naaalala ko 'yung tanong sa akin ni Hoshi kahapon. Haaay. Never mind. Kailangan kong magfocus sa trabaho.

"Ms. Mizuki, tawag po kayo ni Sir B." Sabi nung assistant ni Sir B.

"Okay sige. Thank you." Tumayo na ako at inayos ko muna ang sarili ko bago ako umakyat.

Nakasakay na ako nun sa elevator nang may sumakay mula sa third floor. Nagulat naman ako kasi akala ko si Hoshi. Nakadamit din siya pang-office, matangkad, gwapo, maputi, at mukhang karespe-respeto rin.

"May dumi ba ako sa mukha?" Ang sungit naman nito.

"Wala po. Pasensya na. Nagulat lang po ako."

"Multo ba ako para kagulatan mo?" Eh bakit ba ang sungit nito?! Ano ba gusto nito? Away o gulo? Tss.

"Pasensya na po talaga."

Buti na lang at dumating na ako sa floor ni Sir B. Sabay pa kaming bumaba. Pambihira. Ibig sabihin iisa lang ang pupuntahan namin? Grrr! Makakapatay ata ako ng wala sa oras. Calm Down, Mizuki. Kailangan mong magpagood shot sa lahat. Second day mo pa lang, remember?

"Good morning Sir B. Ipinapatawag niyo raw po ako?"

"Oh yes. Have a seat." Umupo naman ako. Si Sungit naman, sa kabilang office pala pumunta. Buti na lang. Baka kasi sa sobrang kainitan ng atmosphere eh magkasunog pa dito.

"You see. Aalisin na kita sa department na pinaglagyan ko sa 'yo." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sir B, bakit po? Hindi po ba kayo kontento sa pagtatrabaho ko? I can be better. Promise. Sorry po kung hindi niyo nagustuhan ang pagwowork ko. First time po kasi. Please give me another chance, sir." Napapaiyak ako. Ano ba kasing nagawa ko?

"No no. You work hard, hija. Pero kasi naisip ko na mukhang ikaw ang babagay sa posisyon ni Hermie." Sino 'yun? "She was Hoshi's assistant, pero nagresign siya kasi may problema sa family niya, so kinailangan niyang umalis. Since bago ka pa naman, pwede bang ikaw na lang ang maging personal assistant ng anak ko?"

Oh no. This would be hell. Bakit ako pa? Ang dami pa naman diyang iba ah. Pero hindi ako makaangal. Bibihira lang ang pinagkakatiwalaan ng ganito. Ngumiti naman ako at nagbow ako bilang pagpayag sa alok niya. Ngumiti naman siya at pumalakpak.

"My son is a pain in the head. Masyado siyang mareklamo and perfectionist." Para para siyang si Patrick. May mga pagkakataon na gusto niya maayos talaga ang lahat. "Sana makayanan mo ang ugali ng anak ko. I trust you hija. Kita ko sa personality mo na matutulungan mo siya."

"Thank you for the trust, Sir B. I'll do my best. When do I start?"

Ngayon na rin pala ako magsisimula. Naglipat na ako kaagad ng mga gamit ko sa opisina ni Hoshi. Nasa loob kami ng iisang opisina at kami lang ang nandito. Kahit na sobrang lamig kanina, nang nakita ko siyang nakatingin sa akin, parang mas lalong lumamig ang kapaligiran. I'm frozen.

"Welcome. Ikaw pala ang new personal assistant ko." Seryoso pero nakangiti ang kanyang mukha. Iba pala siya sa trabaho.

"Thank you sir." Nagbow ako sa kanya bilang respeto. Iba ang atmosphere ngayon dahil pareho kaming nasa trabaho ngayon.

"I'll tell you what to do." Ipinaliwanag niya sa akin ang mga kailangan kong gawin. Di rin daw magtatagal at siya na ang mamamahala ng kumpanya kaya kailangan kong matutunan kaagad ang mga gawain ng isang personal assistant.

Hindi naman ako nahirapang umintindi dahil hindi naman gaanong kahirap ang kailangan kong gawin. Kapag may meeting siya, kailangan kasama niya ako; kapag kailangan niya ng kape magtitimpla ako; kapag may ipapagawa siya, malamang kailangang kong gawin 'yun, at sa pinakamabilis na oras na kaya ko. One rule: Bawal magreklamo sa trabaho. 'Yan lang ang mga itinuro at ipinaalala niya sa akin. Magaling naman akong sumunod sa mga rules and regulations ng boss ko kaya mukhang hindi ako mahihirapang maging personal assistant niya.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon