Ni ju shi.

183 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng Biyernes. Dalawang subjects na lang at matatapos na ang pagpasok nila sa TBU. Masayang masaya si Mizuki dahil makakapagpahinga na siya, at malungkot naman si Hans dahil magkakahiwalay na sila ni Mizuki, kahit na maaari naman silang magsama kahit hindi sa TBU. Iba pa rin sa kanya na araw-araw silang nagkikita.

 

"Shit. Kinakabahan ako sa exam sa MOVE ON. Sa totoo lang hindi ako nakapagreview. Sana essay lang din ano?" Ani Aya kay Grace.

Huminga ng malalim si Grace at hinarap si Aya. "Sana nga."

Lumapit si Rhizza kayy Grace at tinitigan ito. "Hmmm. Napapansin ko lang. May gusto ka ba kay Hans? Palagi ka kasing nakatingin sa kanya eh."

"Ah. Halata ba?" Napakamot sa ulo si Grace at tiningnan si Hans na nakaharap kay Mizuki. "Kaso iba naman ang gusto niya eh."

"Tss. Napakalandi talaga ng Mizuki na 'yan. Noong una, si Hoshi na may fiancee na naman pala. Tapos ngayon, si Hans naman. Ang landi ah." Ani Rhizza.

"Pero napansin mo ba na palagi niya kayong pinaglalapit ni Hans?" Ani Aya kay Grace.

Napangiti ito at sumagot ng, "Oo. Napansin ko nga. Kaya hindi ko siya masisi. Kaya hindi ko siya kagalitan kasi parang gumagawa naman siya ng paraan para makalapit ako kay Hans."

"Hay naku. Doble kara 'yang babaeng 'yan."

 

Tumahimik sila ng dumating na ang prof nila sa MOVE ON. Nagdiwang naman ang lahat nang nalaman nilang essay lang din ang exam nila sa subject na 'yun. Excited naman nilang kinuha ang test paper at napanganga ng nakita ang mga tanong sa kanilang exam.

 

"Oh my God." Bulong ng ibang mga babae habang pinagmamasdan ang test paper.

 

Ang unang tanong kasi ay, Nakalimot ka na ba talaga ng tuluyan?

 

"Okay class. So you have to be honest sa mga magiging sagot niyo. Kung hindi pa, then isulat niyong hindi pa sa Number 1, okay? 'Wag kayong magsinungaling sa sarili niyo. We'll work on that kung hindi pa talaga. You can take extra classes." Sabi ng prof nila nang napansing natulala ang ilan sa mga estudyante.

 

"Good thing nakalimutan ko na 'yung ex ko." Ani Rhizza. "Si Hoshi na ang new love interest ko. Hihihi."

"Lower down your voice, Ms. Rhizza." Sabi ng prof nila ng narinig ang pagnanasa ni Rhizza kay Hoshi. "Okay class, start now. I will give you two hours to think clearly. Be honest with your answers. Okay? Proceed."

 

Tahimik ang lahat sa pagsasagot hindi gaya ng ibang mga araw na dumaan. Sa subject kasing ito nila malalaman ng lubusan kung tuluyan na talaga silang nakalimot at naka-move on. Kung hindi pa, maaari pa ulit silang umulit sa pagpasok sa TBU kung kinakailangan at kung gustuhin man nila.

 

"Okay ka lang ba? Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" Pabulong na tanong ni Hans kay Mizuki.

"Oo okay lang ako. Sige na. Magsagot ka na." Nakangiting sagot nito kay Hans habang nag-iisip ng isasagot sa number one.

 

Ilang minuto bago niya nasagot ang tanong sa Number 1. At ang kanyang sagot ay:

 

1. Nakalimot ka na ba ng tuluyan?

Hindi pa. Sa tingin ko hindi pa ako nakakalimot ng 100% dahil naiisip ko pa rin siya kung minsan. Hinahanap ko pa rin ang presence niya kapag mag-isa ako. Kapag nakikita ko siya, tumitibok pa rin ng mabilis ang puso ko at hindi pa rin ako mapakali. Kapag may kasama siya, nasasaktan pa rin ako. Kaya sa tingin ko, hindi ko pa siya nakakalimutan.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon