Devon
♪You are the only exception, you are the only exception, you are the only exception♪
Haaay anu ba yan, ang aga aga pa sino naman kaya tong nagtetext sakin. Kinapa ko yung phone ko na nasa tabi ng lamp shade at binasa yung message.
From: +63909416****
hi, goodmorning goddess :)
Ha? Anu daw? Goddess? Leche! Sino na naman kaya to! Nagstart ako magtype ng message.
To: +63909416****
Excuse me, Who are you? Do I know you? Where did you get my number?
Sinend ko yun sakanya pero after 2 minutes nagreply agad sya. Wow ambilis ah.
From: +63909416****
I'm Nexus Devereux, well may nagbigay lang sakin ng number mo and sabi nya sobrang ganda mo medyo masungit nga lang kaya eto tinetext kita :)
Aba! Kung sino man yung malakas na loob na nagkalat ng number ko promise mapapatay ko talaga sya!
To: +63909416****
Ganun ba? Oo masungit talaga ako, ganun talaga kasi maganda ako
Taas noo ko yung sinend sa kung sino mang katext ko ngayon.
From: +63909416****
Wow, ang laki ng tiwala mo sa sarili mo
After ko basahin yun, narealize kong nagsasayang lang ako ng oras sa walang kwentang to kaya di ko na sya nireplyan at nag ayos nalang ako ng sarili ko then bumaba para mag breakfast.
"Goodmorning gorgeous, how's your sleep?" tanong sakin ni Erol. Pesteng lalaki to balak na naman yata sirain ang umaga ko.
"Pake mo?" umupo ako sa bakanteng seat at nagsandok ng pagkain ko.
"You know Devon, napansin ko lang habang tumatagal mas lalo kang sumusungit ano bang problema?" tanong ni dad.
"Si Erol po" seryoso kong sagot.
"Me?" sabat naman ni Erol na tinuro pa ang sarili nya.
"Why sweetie? What's wrong with him?"
"Ayoko pong nakikita yung mukha nya, I don't know why pero sobra po talaga akong naiimbyerna sa tuwing makikita ko si Erol" hindi ko na kinain yung pagkain na sinandok ko instead dinampot ko nalang yung sandwich na nasa mesa at tumayo na ko then bumalik sa kwarto ko para mag ayos.
•SOUTHVILLE UNIVERSITY•
"Alam mo ba tinanong pa talaga nila ako kung bakit ako nagsusungit hindi ba nila napansin na sobrang naiinis ako kay Erol!" nandito kami ngayon sa elevator papunta sa room ko. Sosyal ako kaya naka elevator ako, ayokong maghagdan pang masipag lang yun.
"Hayaan mo na sila girl, mas bata sayo yun kaya be patient" tinap ni Trixcie yung likod ko.
"Miss excuse me lang po pero hindi lang po kayo ang tao dito sa elevator so please konting katahimikan lang po" napalingon ako sa lalaking nagsalita. Aba teka! So sinasaway nya ko ganon? Mabigyan nga ng isa to.
"Alam mo, hindi ako bulag para hindi mapansin na madami tayo dito. Kung para sayo walang sense yung mga sinasabi ko, well manong mawalang galang na pero makakalabas kana sa elevator na to" inisnaban ko sya at nginitian ko si Trixcie.
"I'm sorry" mahina nyang sabi. Natawa lang si Trixcie sa ginawa ko. Kilala nya naman ako, ayoko ng pinagsasabihan ako.
•ROOM 401•
Pagbaba namin ng elevator, naghiwalay na kami ni Trixcie dahil hindi naman kami magkaklase. Pagpasok ko ng room halos lahat ng kaklase ko nakatingin sakin.
"Tingin kayo? Ganda ko noh?" malakas kong sabi, pagtapos nun umupo na ko. Si Paolo naman tumayo at pumunta sa harapan.
"Okay guys so kumpleto naba tayo?" tanong nya.
"I think so" sagot ni Anjeli sabay tingin sakin. Teka! anong meaning nun? Bakit sya tumingin sakin?
"Ms. Devon Lee 7 am ang pasok naten" sabi ni Paolo.
"I know, tingin mo sakin mahirap walang relo …" sagot ko.
"Oo na alam naman nating lahat na mayaman ka, pero diba sabi ni Sir Fuentes kahapon at exactly 7 am kailangan nandito na tayo, look oh 7:50 na" tumayo ako at tinitigan sya.
"Alam mo Paolo, hindi porket maraming nagsasabi na hearthrob ka, magagawa mo na kong ipahiya sa harap ng maraming tao. Tandaan mo kahit kelan hindi mo mapapantayan ang level ko. Anytime pwede kitang patalsikin sa University na to, baka nakakalimutan mo apo ako ng may ari neto" natahimik sya sa sinabi ko.
"Ano bang meron ngayon?!" tanong ko sa lahat ng kaklase ko.
"Mag aannounce daw si Sir Fuentes ng mga pangalan ng pasado" sagot ni Janiella, isa sa mga pumapantasya kay Paolo.
"Ok" tipid kong sagot. Umupo na ko at after 15 minutes dumating na rin si Sir Fuentes.
"Ok class yung mga pangalan na babanggitin ko ay yung mga nakapasa sa subject ko" may kinuha sya na bond paper dun sa folder na dinala nya at isa isang binasa yung mga pangalan na nandun.
"Bernadeth Demalata …" tumayo si Bernadeth at nagpalakpakan sa buong room pagtapos nun umupo na sya.
"Paolo Pineda …" tumayo si Paolo at nag bow sa harapan. Psh napaka yabang talaga ng lalaking to. Hintayin mo lang nanjan din yung pangalan ko.
"Justin Salapang …"
"Thank you po" sagot ni Justin. So kelangan talaga mag thank you? Papansin lang, ganon?
"Anjeli Rafols…"
"Ohmygosh! Hindi ko ineexpect to!" nagtilian sila sa buong room. Argggh sakit sa tenga. Masyadong exaggerated.
"Janiella Adipen ..." tumayo si Janiella at nag wave na akala mo Beauty Contest ang sinalihan.
"That's all, Nakakalungkot isipin na lima lang ang nakapasa" WTF?? Bakit hindi binanggit yung pangalan ko?! Hindi pwede to! Lakas loob akong tumayo at humarap sa professor ko.
"Sir, bakit hindi po nabanggit yung pangalan ko?"
"It means hindi ka nakapasa" huwaaat?? Hindi ako nakapasa?? Hell no!!
"No!"