Chapter 1 - The Evil Queen

37.7K 387 2
                                    

A/N

     Oy! Paalala lang ..Jeje days pa 'to kaya ganito pa sya kapangit. Pagpasensyahan xD

2015 na!



Devon's Pov

"Tignan mo kung anong ginawa mo saken! Hindi mo ba alam na mahal tong damit na to?! And I think hindi mo kayang bayaran to!" nandito ako ngayon sa mall at nasa harapan ko ang isang lalaking dinaig pa ako sa sobrang arte. Hindi ko naman sinasadya na matapunan ko sya ng Coke. Grabe sya kung makasigaw saken kulang nalang ipagsigawan nya sa lahat ng tao na nandito na natapunan ko sya ng Coke. At take note, sinabihan nya kong hindi ko daw kayang bayaran yung damit nya. Excuse me si Devon Lee to, mayaman ako at sa sobrang yaman ko baka pag aralin ko pa sya.

"Arte naman neto parang Coke lang?"

"Parang Coke lang?! Excuse me miss, pero alam mo bang mahal ang pagkakabili ko sa damit na to at isa pa nagmamadali ako ngaun dahil pupuntahan ko ang girlfriend ko pero dahil jan sa ginawa mo do you think mapupuntahan ko pa sya?!" uminom ako ng konti sa incan na hawak ko at tinignan sya.

"Edi magbihis ka, nasa mall kaya tayo" walang gana kong sagot.

"What the hell?! Yan lang ang isasagot mo sakin?!" bakas sa mukha nya yung pagkainis sakin pero anong magagawa ko, eh hindi ko naman talaga sinasadya.

"Eh ano ba dapat?" nag cross arms ako habang hinihintay yung isasagot nya.

"Peste! Hindi pa tayo tapos! Magkikita pa tayo!" tumalikod na sya at naglakad palayo sakin.

"Ok! I'm looking forward" pahabol ko sakanya at saka ako tumawa.

Ako si Devon Lee 18 yrs old. Pero mas kilala ako bilang Dev. Sabi ng bestfriend ko Dev means Devil daw, siguro dahil minsan aminado akong masama ang ugali ko. Well, lumalabas lang naman ang evil side ko sa mga taong tinatapakan ako. Meron akong kapatid na lalaki, si Erol Lee 16 yrs old.  Sobrang gwapo pero ewan ko ba kung bakit hindi ko makasundo. Minsan nga nagsasawa na sila mom at dad kakaawat samin sa tuwing mag-aaway kami. May mga bagay lang talaga na gusto ko at ayaw nya.

Pagkatapos nung nangyaring kaartehan sa mall nagdecide na kong umuwi. Medyo napagod na ko, ikaw ba naman magshopping ng 5 hours ay nako ewan ko lang kung hindi rin mangawit yang binti mo.

Pag uwi ko ng bahay dirediretso akong pumasok. Paglagpas ko sa sala, alam kong may ibang tao, may bisita na naman sya -_____- pero di ko na pinansin kaya aakyat na sana ako sa hagdan nang may biglang nagsalita. Ugh.

"Anyways guys I want you to meet my sister. My super gorgeous sister" nilingon ko sya and my middle finger salute him.

"Where have you been ...Ms gorgeous?"

"Araw araw nalang ba kailangan mong itanong sakin yan? Why, is it a gate pass?" tanong ko. Tumayo sya sa pagkakaupo nya sa sofa at lumapit sakin.

"Kanina ka pa hinahanap ni Dad and I think yari ka" sabi nya habang nakangiti.

"Oh my god I'm so scared" I said in a sarcastic tone. Iniwan ko na sya dun at umakyat na ko sa kwarto ko.

"Hello Pika I miss you!!" kinuha ko yung human size na pikachu stuff toy ko at niyakap.

"Pinakelaman ka na naman ba ni Erol? Tell me Pika and I'm gonna kick his ass"

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon