Chapter 28 - ALONE

5.5K 128 0
                                        

[CHAPTER 28 - ALONE]

[DEVON'S POV]

"Oh! kamusta po anong nangyari?" sinalubong kami ni Erol pagpasok namin ng bahay.

"Hindi nagpakita ang ate mo, yung CR ang kinausap nya" sarcastic na sagot ni mom.

"Eh kasi naman po, ilang beses ko ba uulitin sa inyo na ayoko sa ND na yun! Hindi ako magpapakasal sakanya!" tumakbo ako papasok ng kwarto ko at nagkulong dun.

Kinuha ko yung phone ko at tinxt si Nexus.

To: Nexus

 are you busy? puntahan mo naman ako, please

Wala pang 15 minutes dumating na sya, sinilip ko sya sa bintana at ayun nakita kong umaakyat na sya ng bakod.

[EROL'S POV]

"So do you mean hindi nya po nameet si Nexus?" tanong ko kila mom and dad.

"Ganun na nga, matigas ang ulo ng ate mo, nagpunta ng CR at dun nagpalipas ng oras" sagot ni dad.

"Edi hindi nya parin pala nakilala si ND, sayang naman" umupo si mom sa tabi ko.

Kinuha ko yung phone ko at kinalikot, vinew ko din yung sa cctv and guess what, may nahuli cam ako. Nakita kong umaakyat ng bakod si Nexus papunta sa room ni Ms. Gorgeous.

"Dad baka gusto nyo po panuorin?" inabot ko sakanya yung phone ko. Parehas silang nagulat sa nakita nila at medyo natawa.

"Kung alam lang sana nya kung sino yang lalaki na yan" umiling iling si dad.

"Hayaan mo na Eron, hayaan mong sya mismo ang makadiskubre" dagdag pa ni mom.

[NEXUS' POV]

Pagpasok ko ng kwarto nya niyakap nya ko bigla at nagulat ako sa ginawa nya. Naramdaman ko rin na parang nababasa yung t-shirt ko.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko.

"Sila mom and dad kasi ..." sagot nya.

"Anong ginawa nila? Sinaktan kaba nila?" umiling sya.

"Kanina nagpunta kami ng Resto para makipag meet sa ND na yun pero hindi ako nagpakita, nag stay lang ako sa CR. Nexus ayoko sakanya, ayokong pakasalan sya" nakita kong umagos na yung luha sa gilid ng mata nya. Ayaw nya talaga kay ND, awts ang sakit nun.

"Ssh tama na" pinilit ko syang pakalmahin.

"Habang tumatagal mas lalong bumibilis yung araw parang feeling ko one day paggising ko kasal ko na" paliwanag nya. Inangat nya yung mukha nya at tinignan ako.

"Ayokong dumating yung araw na yun, please tulungan mo ko" tumulo na naman yung luha nya. Ayokong nakikita na umiiyak sya, kung pwede lang sana na ngayon mismo sabihin ko na sakanya na ako si ND for sure kanina ko pa ginawa.

"Hindi naman siguro masamang tao yung ND na yun eh"

"Kahit na ayoko sya! Hindi ko sya gusto!" kumalas sya sa pagkakayakap nya sakin at umupo sa dulo ng kama nya.

"Alam mo Devon hindi ganyan yung nararamdaman ko ngayon" nilingon nya ko.

"Ha?"

"Naka arrange marriage din ako sa babaeng noon ayaw ko, pero ngayon? Unti unti ko na syang nakikilala at minamahal, parang ayoko na nga rin mawala sya eh" mas lalo syang umiyak sa sinabi ko.

"So ano pala ako sayo?! So ibig sabihin hindi mo naman pala ako mahal?! Ganun ba Nexus?! Sana noon palang sinabi mo na para hindi ako umaasa!" nilapitan ko sya at umupo ako sa harapan nya.

"Hindi naman ganun, hindi mo kasi naiintindihan" pinunasan ko yung luha nya.

"Naiintindihan ko Nexus! Alam mo bang wala na kong kakampi sa bahay na to?! Si Erol, gusto nya narin sa ND na yun! Tapos ikaw? Ayaw mo sakin ..." tuloy tuloy yung pag agos ng luha nya. Tumayo sya at pinunasan yung luha nya.

"Sige na umalis kana" natahimik ako sa sinabi nya.

"Umalis kana! Ano hindi kapa ba lalabas?!" nilapitan ko sya at hinigit sa bewang.

"Devon ..."

"Bitiwan mo ko Nexus ...sige na umalis kana" awang awa na ko sakanya. Hindi nya alam kung ano yung mga nangyayari.

"We need to talk"

"Wala na tayong dapat pag usapan, umalis kana" pilit nya kong tinutulak pero mas lalo akong lumapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Lagi mong tandaan, mahal na mahal kita at kapag kinasal na tayo ..." tinignan ko sya habang hawak ko yung magkabilang pisngi nya.

"Sisiguraduhin kong akin kana at hindi kana iiyak" pagtapos ko sabihin yung mga salitang yun, lumabas na ko ng kwarto nya at tumalon sa bakod. Nagdrive na ko pauwi habang hawak yung cellphone ko na ang wallpaper ay picture nya.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon