Chapter 30 - Knight in a Shining Armor

6K 132 0
                                    

[CHAPTER 30 - Knight in a Shining Armor]

[DEVON'S POV]

7AM umalis na ko ng bahay para pumasok sa Southville U. Lunes ngayon kaya natural may pasok ako. Pagdating ko dun, pinark ko yung kotse ko sa parking station at pumasok na ko.

Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Problema nila? Nakita ko si Trixcie na palapit sakin kaya sinalibong ko sya.

"Girl what happened?" sumimangot sya.

"Wala, bakit ano bang meron?" pinilit kong ngumiti.

"Ang weak ng smile mo, fake yan girl"

"Sira! Halika na akyat na tayo" nagelevator na kami then naglakad na ko papuntang 401.

•ROOM 401•

Pagpasok ko ng room halos lahat ng kaklase ko nakatingin sakin. Hindi ko alam kung ano bang problema ng mga to eh. May dumi ba sa mukha ko o sobrang ganda ko na naman kay tinitignan nila ako.

"Morning" bati ko sakanila.

"Ang aga mo yata?" tanong ni Janiella.

"Pakelam mo ba? Ngayon ka lang ba nakakita ng estudyanteng pumasok ng alas syete?" natahimik sya.

"Wag nyo na kasi batiin, nakita nyo ng broken hearted eh" sabat ni Anjeli.

"What did you say?" tanong ko sakanya.

"Hmm ..I think broken hearted ka or yung boyfriend mo?"

"It's none of your business bitch!" umupo na ko at hinintay dumating yung instructor namin.

Buong araw na yun wala ako sa mood. Hindi rin ako nakikinig sa mga lectures, wala naman kasing pumapasok sa utak ko. Nung mga time na yun dinaig ko pa ang naka drugs dahil lutang na lutang yung isip ko.

Nung nag dismiss na sinabihan ko si Trix na gusto ko muna magsolo kaya nagpunta ako sa Mall at gumala dun ng mag isa. Bumili ako ng pagkain sa Jollibee at pina take out yun. Bumili din ako ng incan na soft drinks.

•MALL•

Habang naglalakad ako sa loob ng Mall hawak ko sa kanang kamay ko yung incan then sa left ko yung pagkain na pina take out ko.

SPLASH !!!!

"Oh my! Miss tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" nasa harapan ko ngayon yung lalaking natapunan ko ng Coke. Ganitong ganito yung nangyari sa unang araw na pagkikita namin ni Nexus.

"I'm sorry hindi ko sinasadya" wala sa isip ko na magsungit ngayon dahil wala ako sa mood.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon