[CHAPTER 18 - Song For You]
•DEVON'S POV•
Pagbaba ko ng elevator nagmadali akong magpunta sa room 401 kaso bago ako makapasok na hila na nya yung braso ko.
"Ano ba bitiwan mo nga ko!" pilit kong hinihila yung braso ko kaso mahigpit yung pagkakahawak nya.
"Magpapakipot kapa ba sakin? Pahihirapan mo pa ba ko?!"
"Eh pake mo ba?!"
"Magpapanggap lang naman tayo eh bakit kailangan mo pa ko pahirapan ng ganito?!" natahimik ako saglit. Oo nga pala, hindi nga pala to totoo.
"Oh ano natauhan kana?" binitawan nya yung kamay ko habang hingal na hingal at pawis na pawis.
"Ok fine!"
"Nakakainis ka, tignan mo na naman ginawa mo sakin oh!" tinignan ko sya ng seryoso.
"Bakit sinabi ko bang habulin mo ko?" inisnaban ko sya.
"Sinabi ko rin bang takbuhan mo ko? Para kang hindi babae, ang bilis mo tumakbo" hinampas ko sya sa braso.
"Aray! Nananakit ka na naman eh! Sumosobra kana ah, iipunin ko lahat ng ginagawa mo sakin kala mo at someday pagbabayaran mo yan, simula dun sa Coke" kinuha nya yung hanky nya para magpunas pero agad ko inagaw yun.
"Ako na, para naman mabawasan kasalanan ko" pinunasan ko yung noo nya pati yung mukha nya pagtapos binato ko yun sa mukha nya.
"Oh counted yun ha!"
"Mukha mo!" binuksan ko na yung pinto ng 401 para pumasok sana kaso hinigit nya na naman yung kamay ko.
"Ano na naman ba?!"
"Boyfriend mo ko kaya ihahatid kita sa loob"
"Ayoko nga! Ang kapal neto!" tinulak ko sya kaso bigla nyang hinila yung bag ko kaya nabitawan ko yun.
"Oh ano tara na?" Argggh MY CHOICE IS NO CHOICE!
Binuksan nya yung pinto at hinawakan yung kamay ko pagtapos hinatid nya ko sa upuan ko. Napansin kong halos lahat ng kaklase ko nakatingin samin pati na rin si Paolo, mukhang gulat na gulat sila.
"Sige na labas!" inagaw ko sakanya yung bag ko tapos tinulak ko sya palayo sakin kaso bigla nya ko hinila at binulungan.
"Maging sweet ka naman sa boyfriend mo ..." nag fake smile ako tapos inayos ko yung polo nya.
"Sige na baby ok na ko makakalabas kana" mahinahon kong sabi habang naka ngiti ng napaka ganda.
"Ok baby dadaanan nalang kita mamayang dismissal ha?"
"Ok babye" nag wave ako sakanya habang mukhang tangang nakangiti. Naglakad na sya palayo sakin kaso pagdating sa harapan bigla sya nag stop at bumalik sakin.
"Oh ano na naman?!" mahina kong tanong. Umubo ubo sya saglit at pilit pinalakas yung boses nya.
"Baby yung kiss ko nga pala?" ngumuso sya tapos nilapit nya yung mukha nya sakin pero bigla ko syang sinampal bago pa sya makalapit sakin ng husto.
"Kapal ng mukha mo! Halikan mo mukha mo! Labas na!" wala na syang nagawa kaya lumabas na sya ng room.
[NEXUS' POV]
Hmp! Akala mo kung sino! Ako na nga tong nagpapanggap na boyfriend nya sya pa tong nananakit buti nga tumutulong ako eh, pero teka! bakit ko nga ba kailangan pang magpanggap samantalang ako rin naman yung pakakasalan nya. Haay ewan, hayaan mo na nga, sakin din naman sya babagsak eh.
