Chapter 31 - Fucking Kidnappers

6K 122 0
                                    

[CHAPTER 31 - Fucking Kidnappers]

[DEVON'S POV]

Pagkagising ko dumiretso na ko sa dinning room para mag almusal. Halos lahat sila nandun na, so ako nalang pala yung wala. Umupo ako sa tabi ni Erol, hindi nya ko pinansin.

"Sino yung lalaking kasama mo kagabi?" tanong sakin ni dad. Parang nakuryente ako sa sinabi nya, hindi ako makagalaw at wala ding salita na lumalabas sa bibig ko. Does it mean nakita ni dad na hinalikan ako ni Nexus??

"B-boyfriend ko po" sagot ko.

"Sinabi ko naman sayo Devon, hiwalayan mo na yung lalaking yun" sabat ni mom.

"Hindi kayo bagay ni Nexus" sabat din ni Erol.

"Ano bang problema nyo?! Lahat nalang ba ng nagpapasaya sakin gusto nyong mawala?! Napaka selfish nyo!" tumayo ako pero tumayo din si dad.

"Whether you like it or not makikipag hiwalay ka sa lalaking yun!"

"No dad! Pagbigyan nyo naman ako gusto kong ma enjoy yung pagiging dalaga ko habang hindi pa kami kinakasal ng ND na yun, please dad intindihin nyo naman ako" pumatak na naman yung luha ko.

"Nagpadala pala kahapon ng bulaklak si ND pero anong ginawa mo? Ipinatapon mo sa basurahan? Devon do you think tama yung ginawa mo?"

"Daddy hindi ko naman po talaga sya gusto! Ayoko ko po sakanya! Maawa naman po kayo sakin .." tinignan ko si mom.

"Mommy babae ka din, siguro naman alam mo yung nararamdaman ko ngayon, mommy please wag nyo po ako ipakasal sakanya, mahal ko po si Nexus" nilapitan ko si dad at lumuhod ako sa harapan nya.

"Daddy nagmamakaawa po ako, ipa cancel nyo na po yung kasal" tuloy tuloy sa pag agos yung luha ko. Hindi ko na sila kayang kontrolin. Masyado na ring sumisikip yung dibdib ko.

"Hindi na pwedeng ipa cancel yun, kung anong desisyon ko syang gagawin mo" naglakad palayo sakin si daddy. Tinignan ko si mommy, iniwas nya yung tingin nya sakin. Tinignan ko si Erol pero ganun din yung ginawa nya. Iniwan nila ako dun habang nakaupo sa sahig. Nilapitan ako nung dalawang maid at pilit akong itinatayo.

"Ma'am Devon wag na po kayo umiyak"

"Hindi ko na po kaya" yun lang yung nasabi ko. Itinayo nila ako at hinatid sa kwarto ko.

[NEXUS' POV]

Nandito kami ngayon ni Trix sa lobby ng Southville U. Kinwento ko na sakanya lahat ng nangyayari. Sinabi ko narin sakanya na ako si ND at ako yung nakatakdang pakasalan ni Devon.

"Ohmygash Ex! Dapat sabihin na natin to sakanya para hindi na sya umayaw sa kasal!"

"Ayaw pa ng parents nya" sagot ko.

"Hay naku Ex sure ako namomroblema yan si Dev kasi paghihiwalayin kayo"

"Gusto ko na nga rin sabihin sakanya naaawa na kasi ako sa tuwing umiiyak sya at sasabihin nya sakin na ayaw nyang pakasalan si ND"

"Pero ikaw din naman si ND diba?"

"Hindi naman nya alam yung tungkol dun" nagbuntong hininga si Trix.

"Alam mo Ex sa sobrang daldal ko ewan ko lang talaga kung maitago ko yun kay Devon"

"Huy Trixcie umayos ka ah! Sige bahala ka sabihin mo, tamo yari ka talaga kila Mr. and Mrs. Lee" napakamot sya ng ulo nya.

"Eh kasi naman sinabi mo pa sakin alam mo namang walang preno yung bibig ko eh"

"Bahala ka jan" tumayo ako at iniwan sya dun.

•ROOM 306•

Pagpasok ko ng room nakita kong nakaupo na dun si Steven, magkatabi kasi kami ng upuan.

"Hi Nexus" bati sakin ni Mich.

"Hello"

"Nexus free kaba mamaya?" nginitian nya ko, yung ngiti na parang nangseseduce.

"Why?"

"Gusto ko sana kumain kasama ka" lumapit sya sakin at hinila yung  collar ng polo ko.

"Busog ako" hinawi ko sya at nilagpasan pero hinila nya yung braso ko.

"Mamaya pa namang dismissal eh"

"Busog ako mamaya" sagot ko. Nagpunta na ko sa upuan ko at umupo.

"Brad musta na kayo ni Devon?" tanong sakin ni Steven pag upo ko.

"Ayos lang naman, habang tumatagal mas lalo ko ng minamahal" napangiti ako sa sinabi ko. Tinap nya yung balikat ko.

"Yan tayo brad eh, sakin mo talaga naman yang kagwapuhan mo" siniko ko sya.

"Siraulo! Di ka gwapo noh!" natawa sya.

"Ulol mas gwapo ako sayo! Kung hindi lang ako nireject ni Devon noon sure ako kasal na kami ngayon"

"Ang sabihin mo hindi ka ganun ka attractive tulad ko" nagtawanan kami sa room.

Nung dumating yung instructor namin nanahimik na kami. Nagstart na sya mag discuss ng lesson kaya nakinig na kami.

[DEVON'S POV]

Hindi na ko nakapasok dahil nagkulong lang ako sa kwarto ko. 12pm na nung lumabas ako. Nagbihis ako dahil balak kong magpunta ng Southville U para hinatayin si Nexus.

Lumabas ako ng bahay at nagdrive papuntang Southville pero hindi pa ko nakakarating dun nung may humarang na tinted na van sa dadaanan ko kaya napa stop ako. May bumabang tatlong lalaki na naka mask at tinutukan ako ng baril.

"Baba jan!"

"Sino kayo?!" tanong ko. Tinutok nila yung baril nila sa kotse ko at pinagbabaril yun, binasag din nila yung salamin nito kaya yumuko ako dahil natakot ako na baka matamaan ako ng bala.

"Baba!" binuksan ko yung pinto ng sasakyan at hinila nila ko palabas tapos isinakay nila ako sa tinted na van.

Pagpasok ko dun nilagyan nila ng duct tape yung bibig ko at pinosasan nila ako. May tumabi sakin na babaeng naka shades.

"Hi dear long time no see" hinubad nya yung shades nya kaya nakilala ko sya. Sya yung ex girlfriend ni Nexus na sumugod sa Southville U nung nakaraan.

"Umm !!! Umm !!!" pilit akong sumisigaw pero hindi ako makapagsalita dahil may tape sa bibig ko.

PAK !

Sinampal nya ko ng napakalakas at hinawakan nya ng madiin yung mukha ko.

"Akala mo siguro tapos na tayo noh? You're wrong! Dahil nagsisimula palang tayo! Hindi mapupunta sayo si Nexus dahil akin lang sya! Naiintindihan mo ba?!" again sinampal nya na naman ako. Hindi ako makalaban sakanya dahil nakaposas ako. Maya maya lang may inispray silang liquid sakin. Bigla akong nahilo, pakiramdam ko umiikot yung paningin ko hanggang sa pumikit na ko.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon