[CHAPTER 17 - Roses Are Red]
[DEVON'S POV]
"Goodmorning Pika!! Muaaah!!" hinug ko si pikachu then kiniss ko sya sa lips. Maganda ang gising ko ngayon kaya patay sakin ang magtatangkang sirain ang araw ko.
Bumaba ako sa kama ko at lumabas ng kwarto.
"Goodmorning" bati ko sakanila. Halos lahat sila kumakain na at yung mga maid nasa gilid lang incase na may hingiin sila.
"Goodmorning" sagot ni dad na hindi man lang tumingin sakin. OKEY PAYN!
"Devon may pasok kaba ngayon?" tanong sakin ni mom.
"Actually wala po kasi Tourism day ngayon bale magkakaron lang po ng program sa Southville U. pero aattend po ako" sagot ko. Umupo ako sa tabi ni Erol at nagsandok ng sarili kong pagkain.
"Kamusta naman ang lolo mo?"
"Hmm, ok naman po kaso minsan ko lang po sya makita kasi madalas sya sa office nya atsaka minsan nasa Southville High po sya" kinuha ko yung bacon na nakahain at kinagatan.
"Sa saturday may family vacation tayo" sabat ni dad. Mga 3 seconds ding nagkaron ng katahimikan at halos lahat kami napahinto sa pagnguya. Kami naman ni Erol nagkatinginan lang then sinipa nya yung paa ko sa ilalim ng mesa.
"Ahm, sige po daddy papasok na po pala kami ni ate" tumayo si Erol at hinila ako patayo kaso biglang nagsalita si daddy.
"Whether you like it or not, Devon sasama ka" hindi ko na pinansin yung mga sumunod pang sinabi ni dad. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nag ready para sa pagpasok.
•SOUTHVILLE HIGH•
[EROL'S POV]
On the way to Southville High, YEHEY! Papasok na naman ako, kahit medyo nakakabadtrip kailangan to, hihihi. Hindi na nga pala ko sumabay kay Ms. Gorgeous kasi may sarili naman akong kotse baka isipin pa nun may sira yung kotse ko atsaka hindi nya ipapagamit sakin yung sasakyan nya sakali mang hiramin ko yun, saksakan kaya ng damot nun.
Pagdating ko ng Southville High, bumukas yung napakalaking gate nito then sumaludo ako dun sa guard. Kahit na grandson ako ng may ari neto kailangan ko parin igalang at sundin yung mga nagtatrabaho dito, YES EROL IKAW NA!
Pinark ko yung sasakyan ko dun sa parking station then bumaba na ko dala yung bag pack ko. Nakita kong palapit sakin yung tatlong barkada ko, sila Andrei, Matty and Dylan.
"Hanep Erol ikaw ba yan?? Welcome back dude!" nakipag apir sakin si Andrei sabay nakipag banggaan ng dibdib. Ganyan kami lagi sa tuwing magkikita kami, nung una medyo masakit pero habang tumatagal nawawala na din siguro dahil sanay na ko.
"Namiss ka namin bro!!" niyakap ako ni Dylan sabay hinalikan ako sa pisngi kaya tinulak ko sya. Ganyan talaga yung lalaking yan, mahilig manghalik minsan nga natatakot na ko jan pero sabi naman nya solid na lalaki sya. Well di ako sure.