Chapter 10 - Overnight

7.5K 140 0
                                    

Devon

Aww sobrang sakit ng ulo ko ayokong idilat yung mga mata ko at parang tinatamad pa ko bumangon sa kama ko. Anong oras na kaya ako nakauwi? Sino kaya naghatid sakin? Siguro si Trix.

Umusog ako ng konti at niyakap si pikachu. Ang sarap talaga ng tulog ko kapag yakap yakap ko si pikachu.

♪You are the only exception, you are the only exception, you are the only exception♪

Haay naku sure ako si Mr. Goddess na naman yan. Hindi na ko nag effort na tumayo at kapain yung cellphone ko. Masyado pa kong inaantok kaya ignore ko muna sya. Para kasing nag iba si Pikachu, ang sarap nya kayakap ngayon.

Habang yakap ko si pikachu may naramdaman akong kakaiba sa kama ko. Feeling ko may ibang tao. May kamay na gumapang sa bewang ko at hinila ako palapit. Naramdaman ko rin yung paghinga nya. Wait! Naging tao ba si Pikachu?? Kailangan ko sya tignan! Pero didilat palang sana ako nung my gumalaw ulit kaya pumikit muna ako.

Yung kamay, nagsimulang gumapang sa likod ko pagtapos niyakap na naman ako ng mahigpit at ramdam ko na yung dibdib ko nakadikit sa dibdib nya.

Dahan dahan kong kinapa yung katawan na nakadikit sakin. Wow may abs! Shit may abs si pikachu! OMG *________*

Dinilat ko na yung mata ko. Napansin kong wala ako sa kwarto ko at ang masaklap bumulaga sakin ang isang mukha na 1 inch lang ang layo sa mukha ko. What the hell?! Sino tong lalaki na to?! Tinitigan kong maigi yung mukha nya, yung mapula nyang labi konting konti nalang didikit na sa labi ko. At ang tangos ng ilong nya. After 5 seconds nakilala ko na kung sino sya.

O____________O

SI COOOOOKKKEEE !!!!

Napabalikwas ako at agad akong kumalas sa yakap nya. Kinuha ko yung unan ko at pinaghahampas sya sa mukha kaya nagising sya.

"Bastoooosss !!! Get out!!!"

"Aray!! Inaano ba kita?!" umusog sya palayo sakin at sa kamamadali nya, nalaglag pa sya sa kama.

"Bakit nandito ka sa kama ko?!! Bakit mo ko niyakap?!! Bakit 1 inch nalang yung distansya ng mukha mo sa mukha ko?!!! Bakeeeett ?!?!!!" nagsimula na kong maghisterical sa loob ng kwarto.

"Hindi ko alam! Wala akong ginagawa! Maniwala ka!" todo ilag sya dahil lahat ng mahawakan ko binabato ko sakanya. Nung nahawakan ko yung lamp shade tinignan nya ko at tinaas yung dalawa nyang kamay.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon