[CHAPTER 32 - She's MISSING!]
[NEXUS' POV]
After dismissal inabangan ko si Trix sa may lobby para sabay na kaming pumunta kila Devon. Gusto ko sya makita ngayon dahil namiss ko sya agad. Bawat minuto na wala sya sa tabi ko pakiramdam ko hindi ako kumpleto. Hindi ako sanay na wala sya sa tabi ko.
"Hey Ex let's go na!" sigaw ni Trix habang palapit sakin. Nagnod ako then nagpunta na kami sa parking para kunin yung kotse ko.
Habang nasa biyahe kami, pinatugtog ni Trix yung Miss Independent. Naalala ko tuloy yung araw na sinurprise ko ng mga red rose si Devon.
Nung nasa kalagitnaan na kami ng daan. Napatapak ako ng madiin sa preno. May nakita kasi akong sasakyan sa gitna ng kalsada.
"Aray ko naman Ex muntik na ko mauntog!" bumaba ako ng kotse ko at nilapitan yung sasakyan na nasa kalsada. Sinundan ako ni Trix. Pamilyar sakin yung sasakyan kaya kinabahan ako bigla.
"Ohmygod Ex! No way!" napalingon ako kay Trix. Nabitawan nya yung phone nya.
"Kilala mo ba kung kanino to?" tanong ko. Nagnod sya.
"K-kotse ni Dev yan" bumilis yung tibok ng puso ko. Nakita ko kasi na grabe yung ginawa sa sasakyan nya. Lahat ng salamin nito basag at flat din yung gulong nito. May konting tama din to ng baril.
Bumalik kami sa kotse ko at nagdrive papunta sa kanila. Hinanap ko yung mommy and daddy nya pero sabi ng mga maid nasa office daw to. Wala din dun si Erol. Umalis kami agad then nagdrive ako papuntang office nila.
•LEE GROUP OF COMPANY•
Pagdating namin dun sumakay agad kami ng elevator at nagpunta sa office ni Mr. Lee. Hindi na ko kumatok at basta basta ko nalang binuksan yung pinto kaya napatingin sakin lahat ng tao na nandun pati na rin si daddy.
"Why are you here ND? What's wrong? Bakit ganyan yung hitsura mo?" tanong ni Mr. Lee.
"Mr. Lee si Devon po, I think kinidnap po sya"
"WHAT??! No way! Where's my daughter?!" lumapit sakin si Mr. Lee at niyugyog ako.
"Where is she ND?! Where is Devon?!"
"Tito nakita lang po namin yung kotse nya na nasa gitna ng kalsada tapos basag po yung mga salamin nun saka puro tama din po ng baril" paliwanag ni Trix.
"Let's go we need to find Devon" lumabas kami ng office kasama si dad at si Mrs. Lee. Then nagdrive kami papunta dun sa place kung saan naiwan yung kotse ni Devon.
"Oh my fuckin' god!!! Sinong gumawa nito??! Nasan na ang anak ko?!" pinagsisipa ni Mr. Lee yung kotse ni Devon Si Mrs. Lee naman humahagulgol.
"Eron hanapin mo ang anak natin, hanapin mo si Devon" narinig kong sabi ni Mrs. Lee.
"Mr. Lee saan po natin hahanapin si Devon? Nag aalala po ako para sakanya, para sa magiging asawa ko" hindi ko narin napigilan yung sarili ko at napaiyak na rin ako.
"Mapapatay ko kung sino man ang gumawa nito!" sabi ni Mr. Lee
Tumawag na kami ng mga pulis para imbestigahan yung nangyari. Sakanila na namin ipinaubaya yung kaso pero hindi ibig sabihin nun hindi ako gagawa ng paraan para makita si Devon.
•LEE RESIDENCE•
8PM na pero nandito parin kami sa bahay nila. Inaabangan kasi namin kung may update about kay Devon. Sa mga oras na to nandito na rin si Erol at tulad namin nag alala rin sya para sa ate nya.