1 year na ang lumipas nung ikinasal kami ni Nexus. 19 years old na rin ako kaya sabi ni mom pwede na daw kaming gumawa ng baby pero tumanggi muna si Nexus dahil masyado pa daw maaga. Kinwento na rin nila sakin yung ginawa nilang paglilihim sa totoong nangyari. Tinuruan nya rin ako kung pano magsalita ng French ng sa ganun daw naiintindihan ko yung mga pinagsasabi nya minsan. Nung una naiinis ako habang tinuturuan nya ko, pano ba naman kasi ang hirap bigkasin pero natutunan ko rin naman sya.
Hindi naman ako nagalit sakanila instead nagpasalamat ako dahil bago kami ikinasal ni ND nakilala ko muna sya as Nexus Devereux.
“Nous nous sommes levés parce que j'avais faim!!” tinanggal ko yung binti nya na nakadantay sakin at bumangon ako.
(Bumangon na tayo nagugutom na ko!!)
“Plus tard parce que je suis encore endormi”
(Mamaya na inaantok pa ko)
“Survenir parce que vous vous souciez j'ose juste manger seul!” bumaba ako ng kama. Palabas na sana ako nung biglang sumama yung pakiramdam ko. Feeling ko nasusuka ako kaya tumakbo ako sa CR at dun sumuka.
(Bumangon kana kasi! Bahala ka jan kakain nalang ako mag-isa!)
“Baby are you alright?” narinig kong tanong nya. Tumayo sya at sinundan ako sa CR. Hinihimas nya yung likod ko at pilit akong pinakakalma.
“Gusto mo ba pumunta tayo ng ospital? Ano tatawagan ko naba sila mom and dad?” umiling ako. Nung medyo ayos na yung pakiramdam ko, nagmumog ako ng tubig at lumabas ng CR.
“I hate you Nexus! I hate you!”
“Hala baby wala akong ginagawa” tinaas nya yung dalawang nyang kamay.
“Nakakainis ka naman sinasabi ko na nga ba eh!”
“Qu'est-ce que c'est?” tanong nya na may halong pagtataka.
(Ano ba yun?)
“Je suis enceinte deux mois!” nanlaki yung mga mata nya pagkasabi ko nun then bigla nya ko binuhat at inikot ikot.
(I'm 2 months pregnant!)
“I love you baby! I love you! I'm sure made in France yan!” natawa ako sa sinabi nya. Sa France kasi nangyari yung huling bagay na yun.
“I think so” ibinaba na nya ko at nagbihis sya.
“Pupunta tayo kila mom and dad at ibabalita natin sa kanila na magkakababy na tayo”
“Sandali nga!” natahimik sya.
“W-why? Ayaw mo ba?”
“Naisip ko lang, after ng ilang months magbabago na yung katawan ko tapos paglabas ni baby mukha na talaga akong mommy, mamahalin mo pa ba ako nun?” tumawa sya.
“Oo naman noh! Ano kaba lika nga dito” hinila nya ko at niyakap.
Nagbihis na kami at nagpunta sa bahay nila mom and dad. Pagdating namin dun sinalubong kami ni Erol.
“Welcome bac—” hindi nya natapos yung sasabihin nya dahil binatukan ko sya.
“Aray naman!” napahawak sya sa part na binatukan ko.
“Bakit gaano ba ko katagal nawala?!” nag pout sya.
“Buti nga winiwelcome ka eh ...” bulong nya. Pumasok na kami sa loob habang magkaholding hands kami ni Nexus.
Naabutan naming nasa sala sila mom and dad. Sila lang yung nandito dahil wala si daddy Adam, nagpunta kasi sya ng France para bisitahin si mommy Desiree.
“What brings you here?” tanong ni dad.
“Daddy may iaannounce po kami” nakangiting sabi ni Nexus. Napatayo si mom at ngumiti ng nakakaloko.
“Sinasabi ko na nga ba Nexus hindi mo kayang pigilan yung sarili mo, so ano? Ilang months na ang apo namin?”
“2 months po” sabay naming sabi.
“Ohmygod Ms. Gorgeous! Don't tell me na magkakaron na ng baby sa bahay na to? At magiging tito na ko?? Uwaaahh hindi na ko makapaghintay na mayakap sya” nag puppy eyes si Erol. Nagtawanan kami sa naging reaksyon ni nya.
Nagstay kami dun ng buong araw. Dun na kasi kami pinag lunch at dinner nila mom and dad. Gusto daw kasi nila na makasabay kaming kumain pati ang baby namin.
Habang nagsasaya silang lahat hindi ko naiwasang balikan yung mga pinagdaanan namin ni Nexus. Hindi ko akalain na kami parin pala ang para sa isa't isa. At hindi rin ako makapaniwala na magiging Mrs. Devon Lee-Devereux ako. Sobrang saya ko dahil nasa akin yung taong pinakamamahal ko at hindi lang yun dahil madadagdagan na kami. Sisikapin kong palakihin ang batang nasa sinapupunan ko na mabait, masunurin at mapagmahal.
-Devon Lee-Devereux
===========================END==========================
