Chapter 35 - UNEXPECTED GROOM

10K 165 1
                                        

Nagising kami ng 1pm then nag yaya na syang magpunta sa beach. Ayoko sanang sumama pero dahil sa mapilit sya, napapayag nya ko.

5Hours kaming nagtampisaw sa dagat. Naghabulan kami, nagbasaan, nangolekta ng shells at kung ano ano pa. Pinatikim nya rin sakit lahat ng masasarap na pagkain sa lugar na yun.

Pagsapit ng 7pm dinala nya ko sa rooftop ng hotel. Nabigla ako sa nakita ko dahil may table dun at may 2 candles. May romantic na music din na naka play. Sa ginawa nyang to naiyak na naman ako. Pilit nya kasi akong pinasasaya kahit na alam nyang imposibleng mangyari. Bukas uuwi na kami at pagtapos nun ikakasal na ko.

Inalalayan nya ko palapit sa table then pinaupo nya ko. Ayokong sayangin ang gabing to. Gusto ko bago ako maikasal kahit papaano naging masaya naman ako sa piling ni Nexus.

Sabay kami na nagdinner. After nun isinayaw nya din ako. Hindi ko na naman naiwasang maging emotional. Hinihiling ko na sana hindi na matapos ang gabing to.

At exactly 9 pm pumasok na kami ng kwarto para magpahinga. Sa totoo lang ayoko pa matulog. Gusto ko muna pagmasdan yung mukha nya bago matapos yung gabing to.

"Devon?" tinignan ko sya habang palapit sya sakin. Umupo sya sa tabi ko at tinitigan ako.

"I love you ..." mahina nyang sabi.

"I love you too Nexus" niyakap nya ko ng mahigpit at nung kumalas sya hinalikan nya ko. Hindi ko pinalampas yung pagkakataon na yun. Bawat halik nya ay tinutugon ko. Gusto kong sakanya ko lang ibigay lahat ng first ko. At kahit na nakakahiya man sa magiging asawa ko, handa kong ibigay kay Nexus ang dapat na maging kanya.

Nakita ko nalang yung sarili ko na nakahubad habang patuloy akong hinahalikan ni Nexus. Sa mga nangyayaring to, sinisiguro kong hindi ko pagsisisihan to.

Nung natapos na namin gawin yun, nakabalot kami parehas ng kumot habang nakayakap sa isa't isa.

"I love you ..." seryoso kong sabi sakanya. Hinalikan nya yung noo ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Lahat ng mga ipinangako ko sayo noon sisiguraduhin kong matutupad ko" pagtapos nya sabihin yun, ipinikit ko na ang mga mata ko.

--THE NEXT DAY--

8AM nagising na kami para ayusin yung mga gamit namin. Nilinis rin namin yung kwarto bago namin iwan then nagdrive na kami pauwi sa bahay.

•LEE RESIDENCE•

Pagdating namin dun sinalubong nila kami.

"Devon ngayon kana susukatan ng wedding gown mo kaya halika na pumasok na tayo sa loob" kusa akong bumitaw sa pagkakahawak ni Nexus at dirediretsong pumasok sa loob.

Sinukatan nila ako ng gown, tinanong ng kung ano ano. Nakitang kong masaya ang buong pamilya ko kaya pinilit ko nalang din na maging masaya.

Pinauwi ko narin si Nexus dahil alam kong pagod sya. At isa pa hindi ko rin gusto na makita nya kong sinusukatan ng gown.

Nung natapos na yun, umalis na yung mga staff na nagsukat sakin. Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko at nagkulong. Isang buong araw akong hindi lumabas. Hindi rin ako kumain dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom. Pagdating ng 8pm natulog na lang ako. Hindi ko na rin sinubukang tawagan o itxt man lang si Nexus dahil alam kong papatak na naman yung luha ko. Siguro kailangan ko nalang talaga tanggapin na hindi talaga kami yung para sa isa't isa.

--THE BIG DAY--

Nagising ako ng 7am para ihanda yung sarili ko. Naligo na ko at nag ayos then lumabas na ko ng kwarto ko. Sinalubong ako nila mom at nung make up artist na mag aayos sakin.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon