Chapter 26 - First KISS

6K 129 0
                                    

[CHAPTER 26 - First KISS]

[DEVON'S POV]

Nagtimpla ako ng coffee at ininom ko yun habang nakatayo ako sa tapat ng bintana. Daily routine ko na ang pag inom ng kape every night.

"Hindi kaba naboboring dito kapag mag isa ka lang?" tanong nya. Humarap ako sakanya at umiling.

"Kwarto ko to kaya hindi ako maboboring dito atsaka nanjan naman si Pika para yakapin ko"

" Ang swerte naman ni Pika" natawa ako sa sinabi nya.

"Buti pa sya nayayakap mo before ka matulog sa gabi" dagdag pa nya.

"Ofcourse! I love Pika" sagot ko.

"Ako kaya, kelan mo ko makakatabing matulog?" tinawanan ko lang yung sinabi nya. Tumayo sya mula sa pagkakaupo nya sa kama at lumapit sakin. Hinarang nya yung mga braso nya sa magkabilang side ko at tinignan ako ng direkta sa mata.

"Ang ganda mo sa malapitan" pinisil nya yung ilong ko.

"Alam ko" sagot ko.

"Mas maganda ka kesa kay Belle"

"Mas lalong alam ko"

"Mas sweet ka kesa kay Belle"

"I dont think so" tipid kong sagot.

"Mas mahal kita kesa kay Belle" natahimik ako sa sinabi nya. Ramdam ko na biglang bumilis yung tibok ng puso ko lalo na ngayong hindi nya inaalis yung tingin nya sa mga mata ko. Iniwas ko yung paningin ko sakanya at tumalikod ako.

"P-pano mo naman nasabi?" tanong ko. Pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko at niyakap ako habang nakatalikod ako.

"Kasi ..ikaw kasi yung ..pa ..ahm .."

"What?"

"Ahm hindi ko alam, basta mahal kita" simple akong napangiti sa sinabi nya. Humarap ako sakanya at niyakap ko din sya.

"Yakap lang? Hindi mo man lang ba sasabihin na mahal mo rin ako?" hindi ko alam kung ano tong pinagsasabi nya, hindi ko alam kung kasama ba to sa plano o totoo na, masyado akong naguguluhan.

"Devon yung mga sinasabi ko sayo wala sa napag usapan namin ni Erol, kung ano yung mga naririnig mo sakin ngayon totoong nanggaling yun sakin" kumalas ako sa pagkakayakap sakanya.

"Natatakot kasi ako para sayo eh" sagot ko.

"Why?"

"Si dad kasi, masyado syang strict natatakot ako na kapag nalaman nya to baka kung anong magawa nya sayo" paliwanag ko.

"It's ok wag mo isipin yun akong bahala sa dad mo"

"Ha?"

"Nanjan ba sya ngayon? Gusto mo magpakilala na ko?" hinila ko sya sa waist.

"Ano kaba! Siraulo ka talaga! Hindi ngay--" naputol yung sasabihin ko dahil bigla nya kong hinalikan sa labi. Hindi ako makapaniwalang sya yung first kiss ko. Hindi ko narin nagawang tumanggi sakanya dahil mahigpit yung pagkakayakap nya sakin. Wala na kong nagawa kundi tanggapin nalang yung halik nya.

After 2 minutes humiwalay na sya sakin. Shock pa rin ako sa ginawa nya. Hindi ako makapaniwalang sya yung first kiss ko. Sabagay ayos na to kesa naman yung ND na yun ang makakuha ng lahat ng first ko.

"I love you so much Devon Lee, someday magiging Mrs. Devereux ka din" he smiled at me then hinalikan nya na naman ako sa labi pero this time smack nalang.

After nun nagpaalam na sya na uuwi na sya kaya lumabas na sya ng bintana at bumaba sa bakod. Pinagmasdan ko sya habang umaalis sya ng bahay namin. Pagbaba nya, nag flying kiss pa sya then nag wave na sya at sumakay ng kotse nya.

[NEXUS'ES POV]

Woooh!! Shit ang saya saya ko!!! Pwede na ko mamatay!! I love you Devon! I love you!!!

Habang nasa biyahe ako, di ko maiwasang magsisigaw sa loob ng kotse ko. Pano ba naman kasi naka dalawang kiss ako kay Devon. Hindi pa kami ikinakasal pero may advance kiss na.

Pagdating ko sa bahay nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko para mag online, ineexpect ko kasi na mag oonline sya ngayon. Nung naaccess ko na yung facebook ko, hindi ako nagkamali dahil online nga sya kaya ako na mismo yung nag pm sakanya.

NexusDevereux: hi baby :)

DevonLee: hello ;)

NexusDevereux: bukas kiss ulit kita ha?

DevonLee: hahaha sure

Yes! wahahah hindi ako makakatulog neto >__________<

NexusDevereux: Miss kita agad baby :(

DevonLee: I miss you too :*

NexusDevereux: naks may kiss na naman ako xD

DevonLee: it's all yours baby

NexusDevereux: sinabi mo yan ha! So it means anytime pwede kitang halikan

DevonLee: wag mo naman araw arawin!

NexusDevereux: hahaha sure, goodnight baby tulog kana i love you!

Nag sign out na ko at humiga sa kama ko, pero bago ako matulog naisipan ko munang kalikutin yung phone ko. Vinew ko yung gallery neto at nagulat ako sa nakita ko, dahil may isang picture dun na hindi ko malaman kung pano napunta dun. Picture namin yun ni Devon nung magkatabi kami sa kama nila Trix. Remember, nung sabay kaming nagising sa kwarto na hindi naman amin. Idedelete ko sana yung picture kaso nagdalawang isip ako, sayang din kasi kaya wag na nga ^________^

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon