Chapter 7 - Mr. Goddess

8.6K 152 2
                                    

Devon

Maaga ako nagising ngayon mga 8am para pumunta sa Southville, natural may pasok ngayon.

"Goodmorning gorgeous ang aga mo ngayon ah, may sakit ka?" tanong sakin ni Erol. Loko to ah, baka nakakalimutan nya may hawak akong alas na pwede kong ipang blockmail sakanya. Nginitian ko sya ng napaka gandang ngiti sabay kinuha ko yung phone ko at ibinalandra sa mukha nya. Nanlaki yung mata nya tapos tinapik nya ko sa balikat.

"Eto naman, wala naman akong balak sirain yung araw mo, kaya nga nag goodmorning ako sayo diba?" nag fake smile sya.

"Alam mo, kahit naman hindi mo ko batiin ng good morning maganda ang araw ko" mataray kong sagot sakanya. Lumabas na ko ng bahay at nagdrive papuntang Southville.

•SOUTHVILLE UNIVERSITY•

Hindi ko kasabay si Trix ngayon dahil hindi nya ko hinintay, lecheng babae yan porket birthday hindi ako sinabayan. Makikita nya hindi ko sya reregaluhan.

♪You are the only exception, you are the only exception, you are the only exception♪

Sino na naman kaya tong nagtetext. Kinuha ko yung phone ko sa loob ng pangmayaman kong bag.

From: +63909416****

 

 hi goddess, goodmorning  :)

Haay naku hindi ba sya nagsasawa sa goddess thingy na yan? Alam kong super ganda ko pero sana naman wag nya ng ipangalandakan. Nakakasawa din kaya na sa tuwing magtetext sya puro goddess nalang yung nababasa ko.

In-off ko yung cell phone ko at ibinalik yun sa loob ng bag ko. Oops nasa 4th floor na pala ako, so ayun bumaba na ako ng elevator at naglakad na papuntang 401.

•ROOM 401•

As usual pagpasok ko ng room halos lahat ng classmate ko nakatingin sakin. Maganda kasi ako kaya araw araw tinitignan at inaabangan nila ako.

"Goodmorning Ms. Devon Lee" bati sakin ni Paolo bago ako umupo. Kita nyo na? binati nya ko kasi maganda ako.

"Morning" tipid kong sagot.

"It's 30 minutes past to 8, alam mo bang katatapos lang ng first subject?" hinarap ko sya tinignan ng direkta sa mata.

"I know wag mo ko gawing tanga" pagtapos ko sabihin yun umupo na ko sa upuan ko na nasa may bandang likuran. Dito ko piniling umupo dahil ayokong na eexpose yung ganda ko.

"Pinapasabi nga pala ni Sir Fuentes na isang absent mo nalang drop kana sa subject nya"

"Agad agad? Ok fine bukas aagahan ko mga 7:30 lang nandito na ko, asahan nyo yan" sagot ko habang inaayos yung bag ko.

"7:30?! Are you stupid?! 7am ang pasok naten tapos 7:30 ka dadating dito? Are you out of your mind?!" t@ng in@! sumosobra na tong lalaki na to ah! Sino ba sya para sermonan ako?!

"Sino kaba para sermonan ako?! Boyfriend ba kita?! Hindi naman diba?! So bakit tuwing umaga nalang pinapagalitan mo ko?! I hate you Paolo! I hate you!" tumakbo ako palabas ng 401 at dumiretso sa may hagdan papuntang 5th floor.

Hindi ko alam kung anong dahilan pero bigla akong naiyak sa nangyari. Shit! Ngayon lang ako umiyak ng ganito, at sa harap pa ng maraming tao. Ano nalang sasabihin nila sakin, na mahina ako? Na pagdating kay Paolo wala akong binatbat? No way! Hindi ako papayag!

Pinunasan ko yung luha ko at bumalik sa 401 para bawian si Paolo dahil sa ginawa nyang pamamahiya sakin.

Pagpasok ko dirediretso akong umupo sa upuan ko. Lahat na naman sila nakatingin sakin kaya tumayo ako.

"Alam kong maganda ako at lahat kayo naiinggit sakin kaya hindi nyo na ko kailangan titigan. At ikaw" tinuro ko si Paolo.

"May autograph ka saken later" nag smile ako pagtapos umupo na ko.

Nung dumating na yung instructor namin at ng start mag lecture hindi ko hinayaang makapag salita si Paolo. Todo recite ako sa room dahil gusto ko sya ipahiya. Kadalasan kasi sya lang lagi yung nag rerecite at ako naman nag sasoundtrip lang. Bawat sinasabi nya kinokontra ko at bawat paliwanag nya pilit kong minamali at itinatama.

•DISMISSAL•

"Wow Devon ibang iba ka kanina ang galing mo"

"Oo nga Devon sobrang talino mo pa, akalain mo yun nasapawan mo pa si Paolo"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong papuri ng mga classmate ko kaya naman tuwang tuwa ako. BWAHAHAH Mission Complete!  Sa nangyaring to magpapaparty talaga ako ng bonggang bongga.

Pero wait! Nasan na naman kaya si Trix? -_____- So ayun after ng klase nag decide na kong dumiretso sa lobby para hintayin si Trixcie.

•LOBBY•

15 minutes na kong naghihintay dito pero wala paring Trixcie na nagpapakita, bruha yun sasabunutan ko talaga yun mamaya. Kinuha ko nalang yung phone ko para itxt sya kaso pagbukas ko 5 miscalls and 10 messages ang bumungad sakin. Tss kanino naman kaya galing yun. Kinalikot ko na yung phone ko and finally nasagot ko na yung tanong ko. Si Mr. Goddess na naman. -______-

From: +63909416****

 

 hello goddess txtmate naman tayo :)

 

From: +63909416****

 huy goddess reply ka naman wala akong kausap

Haay naku kung sino man tong lalaki na to sumalangit nawa ang malandi nyang kaluluwa. Ang lakas ng loob na tadtarin ako ng text, eh kung tadtarin ko kaya sya in person. Psh pinapasakit nya yung ulo ko.

Nagdecide akong wag ng basahin yung ibang message dahil puro lang naman "goddess" ang mababasa ko dun kaya dinelete ko nalang lahat.

~*~

To be continued ..

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon