[CHAPTER 21 - Ex Girlfriend EXISTS]
"Huy girl magkwento ka naman sakin, anong nangyari kagabi?" pagdating ko palang dito sa Southville U., kinukulit na ko ni Trix. Ano naman ang ikkwento ko sakanya, wala namang nangyari maliban dun sa niyakap ako ni Coke.
"Wala! Walang nangyari ..."
"Sus, dali na kasi girl bestfriend mo ko kaya kailangan open ka sakin"
"Wala ngang nangyari! Nagkwentuhan lang kami yun lang atsaka teka nga, sinong nagsabi sayo na ibigay mo sakanya yung address ko?" tanong ko sakanya. Nag peace sign lang sya tapos ngumiti.
"Eh kasi ang kulit nya eh, pinilit nya lang ako kagabi kasi daw na miss ka nya agad" paliwanag nya. Naramdaman kong bumilis na naman yung tibok ng puso ko at this time bigla akong pinagpawisan.
"G-ganun ba? O sige t-tara na nga!" sumakay na kami ng elevator papuntang 4th floor. Pagdating dun naghiwalay na kami.
•ROOM 401•
Pagpasok ko ng room as usual nakatingin sila lahat sakin. Wala akong balak pansinin sila ngayon kaya malaya silang titigan ako. Hanggang sa makaupo ako nakikita ko sa peripheral eye ko na tinitignan parin nila ako.
"Huy Devon boyfriend mo ba yung kahapon?" tanong sakin ni Anjeli.
"Uhm y-yes b-bakit?" sagot ko. Ngumiti sya tapos tumabi sya sakin.
"Grabe ang gwapo ng boyfriend mo, anong year na sya?"
"3rd year" tumango tango sya.
"Alam mo Devon wag mo na pakakawalan yan, ang swerte mo kaya sakanya kasi sobrang sweet nya" sabat naman ni Janiella.
"Oo nga alam mo bang kasama kami sa mga inutusan nyang pumunta sa 7th floor kahapon? Kaya nga nawitness namin yung surprise nya sayo eh tapos hinatid kapa nya dito sa room, you're so lucky Devon" sabi ni Bernadeth.
"T-thanks" I smiled at them then bumalik na sila sa upuan nila.
Nung dumating na yung instructor namin nagstart na sya magdiscuss. Sa totoo lang hindi ako makapag focus dahil kung ano anong tumatakbo sa isip ko.
•LOBBY•
After nung dismissal dumiretso na ko dito sa lobby para hintayin si Trix, pano ba naman kasi gutom na gutom na ko.
♪You are the only exception, you are the only exception, you are the only exception♪
From: Nexus
hi baby pasensya na hindi ako nakapasok ngayon nakipag meet kasi kami ni dad sa business partner nya pero if ever na makauwi ako ngayon don't worry dadaanan kita :)
