Chapter 15 - Mr. Pretender

7.3K 146 1
                                    

[CHAPTER 15 - Mr. Pretender]

"Daddy hindi nga sabi ako magpapakasal sa lalaking yun! Hindi ko pa sya nakikita o nakakausap man lang, anong malay natin kung masama syang tao?!" simula kaninang 8am nagpapaliwanag na ko sa harap nila mom and dad. Bakit ba hindi nila naiintindihan yung side ko, may point naman ako diba? Subukan nyong sumagot ng WALA may kalalagyan kayo.

"Hindi masamang tao si ND! Yan kasi ang hirap sayo Devon! Hindi mo pa nakikita yung tao nanghuhusga kana! Paano kung sya talaga yung karapat dapat sayo?! Sige nga!" tumayo si daddy at nagpabalik balik ng lakad sa likuran ko.

"Pero dad may point din naman po si ate, alam nyo po hindi po kasi natin pwedeng diktahan yung puso. Maaatim nyo po ba na habang buhay makikisama si ate sa taong hindi nya gusto? Sa taong ipinagkasundo lang sakanya? At sa tingin ko din po same lang din sila ng nararamdaman nung ND I think parehas nilang hindi gustong matali sa isang tao na hindi naman nila lubusang kilala" BULLSEYE! Ang galing mo Erol! Sige lang GO! Ipagtanggol mo ang maganda mong ate.

"Hindi kita kinakausap Erol wag kang sumabat!" pinandilatan ni daddy si Erol.

"Pero kasi dad hindi nam--"

"SHUT UP!!" pareparehas kaming natahimik nung sumigaw na si dad pero si mom walang kibo.

"Daddy kahit anong gawin nyo hindi si ate magpapakasal sa ND na yun! Kung gusto nyo kayo nalang! Kayong dalawa magpakasal!" hinila ako ni Erol palabas ng bahay. Sa sinabi nyang yun di ko alam kung matatawa ba ko o ano eh. Mongoloid talaga tong si Erol kahit kelan eh XD.

Sumakay kami ng kotse nya at nagdrive sya.

"Huy san tayo pupunta?" tanong ko habang nagddrive sya.

"Dun sa magppretend na maging boyfriend mo" walang gana nyang sagot.

[EROL'S POV]

Papunta kami ngayon sa Mall para i-meet si Nexus Devereux. Yung lalaking nakausap ko sa may CR ng Southville University. Tinawagan nya ko kagabi at sinabi nyang willing syang magpanggap na boyfriend ng ate ko hanggang sa hindi na ipakasal nila dad si ate sa ND na yun.

[FLASHBACK]

Lumabas na ko ng kwarto ni Ms. Gorgeous kasi kanina pa nagbavibrate yung phone ko.

Pagpasok ko ng kwarto ko binasa ko agad yung message.

From: +63909416****

 hi, it's me Nexus Devereux, yung guy na in-offer-an mo na magpretend na boyfriend ng ate mo. Ahm, gusto ko lang sana sabihin na willing ako na gawin yung offer mo.

Bigla akong natuwa nung nabasa ko yung message na yun. Sa wakas, may possibility na na hindi makasal si Ms. Gorgeous sa ND na yun. Dinial ko agad yung number na yun kasi gusto kong mas makausap sya ng mas malinaw.

(Hello?)

"Hi, ahm sure ka na gagawin mo?"

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon