[CHAPTER 25 - Trixcie's Confession]
[NEXUS' POV]
After dismissal dumiretso ako sa room 401 para sunduin si Devon. Pagdating ko dun wala ng masyadong tao, silang dalawa nalang ni Trix yung nandun sa loob. Nung nakita na nila ako, ngumiti ng nakakaloko si Trix sabay siniko nya si Devon.
"Oh girl ayan na prince charming mo!"
"I know" sagot ni Devon. Tinignan nya ako at sinenyasan na lumapit sakanya.
"Yes?" tanong ko pagkalapit ko sakanya.
"Halika nga dito" hinila nya yung polo ko kaya napalapit yung mukha ko sakanya, si Trix naman iniwas yung tingin samin.
"Bakit nagpunta kanina yung babaeng yun?" seryoso nyang tanong sakin.
"Ewan ko nagulat na nga lang ako nung hinarang ako nung isang estudyante dahil may naghahanap daw sakin sa labas" paliwanag ko, tumango tango lang sya at biglang tumayo pero dahil sa nakayuko ako sakanya, muntikan na magmeet yung mga labi namin.
"Tara na" hinagis nya sakin yung bag nya tapos dirediretso syang lumabas ng 401.
•MALL•
Dito kami dumiretso paglabas namin ng Southville U. Ewan ko kung anong gagawin namin dito.
"Girl kakain ba tayo? Treat mo? Yes tamang tama gutom pa naman ako" masayang sabi ni Trix. Ibang klase tong babae na to, akala ko ba aalis to ngayon? Haay. Napansin kong nagbago yung facial expression ni Devon.
"Sinong nagsabi sayo na kakain tayo? O sige kainin mo yung wax ni Erol" natawa ako sa sinabi nya, si Trix naman napangiwi.
"Akala ko pa naman kakain kami ..." bulong ni Trix.
Pumasok kami sa loob ng bench then kinuha nya yung color gray na clay doh at binayaran sa cashier. After nun ako na mismo yung nag yaya na bumili ng makakain. Pina take out nalang namin yung food dahil gusto na daw umuwi ni Devon. Nagdecide nalang kami na dun kainin yung food kila Devon pero naisip ko lang, pano ko makakain yung sakin kung dun kami sa loob ng kwarto nya kakain. I mean si Trixcie pwedeng pumasok sa loob ng bahay nila pero ako? Pwede rin naman kaso hindi pa ito yung right time para makita ako ng parents ni Devon na kasama sya.
•LEE RESIDENCE•
Pagdating namin sa harap ng bahay nila excited na lumabas ng kotse si Trix at kinuha yung pagkain na binili ko.
"Huy Ex mauna na ko ha? Sunod nalang kayo sa loob" nag nod ako pagtapos nun tumakbo na sya papasok sa loob ng bahay nila Devon.
"Hay naku napaka PG talaga akala mo hindi kumaka--" tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nya kaya naudlot yung sasabihin nya. Pero mas maganda sana kung yung bibig ko yung pinangtakip ko sa bibig nya ...hahaha just kidding ^________^
"Enough ..nagsusungit ka na naman eh" mahinahon kong sabi sakanya. Tinanggal nya yung kamay ko sa bibig nya.
"Eh kasi naman akala mo hindi sya kumakain eh, masyadong sabik sa pagkain"
"Ssshh tama na, hayaan mo na sya she's a little bit childish" sagot ko.
"Tara na" hinila nya yung kamay ko para pumasok sa loob pero pinigilan ko sya.
"What's wrong?"
"Nanjan parents mo hindi ako welcome sa loob" nag isip sya saglit pagtapos tinignan nya ko.
"Si spiderman ka naman diba? Dun ka nalang ulit dumaan sa bintana ng kwarto ko" nag nod ako then pumasok na sya sa loob. Ako naman nag umpisa ng akyatin yung bakod nila. Goodluck sakin, sana lang hindi ako matusok ng mga nakausling bakal.
[DEVON'S POV]
Pagpasok ko sa kwarto ko naabutan kong lumalamon si Trixcie.
"Hoy tirhan mo naman kami!" nag peace sign lang sya tapos pinagpatuloy na yung pagkain nya.
"Nashan shi Eksh?" tanong nya habang punong puno ng pagkain yung bibig nya.
"Nanjan sa bintana" sagot ko. Umupo ako sa may dulo ng kama ko at pumikit saglit, masyado kasi akong pagod.
"Sha bintana? Hanong ginagawa nya dun?"
"Umaakyat, bawal sya dumaan sa pinto" sagot ko.
"Ha? Why?" tanong ulit nya.
"Hay naku Trixcie ang daming tanong! Kumain ka na nga lang jan!"
"Okaaay" maya maya nakarinig ako ng pagkatok sa bintana. Oo nga pala, nakasarado nga pala yun. Tumayo ako at naglakad papunta dun. Hinawi ko yung kurtina at binuksan yung salamin ng bintana.
"I'm here! Kiss ko?" ngumuso sya.
"Muka mo! Pasok na ..." nag pout sya tapos pumasok na sya sa loob ng bintana.
"Hello Eksh"
"Mukhang sarap na sarap ka jan ha?"
"Oo nga eh galante kashi yung bumili hindi katulad nung isha jan napaka kuripot" nilingon ko si Trixcie, iniwas nya yung tingin nya sakin. Gagang to nagawa pang magparinig!
"Baby tara na dito" sinenyasan ako ni Nexus na umupo sa tabi nya.
"Homaygash kinikilig na naman akooo!!!"
"Tumigil ka nga Trix! Ang ingay ingay mo! Mamaya nyan umakyat dito sila mom eh"
"Sorry" nagpeace sign sya. Umupo ako dun sa tabi ni Nexus at kinagatan ko yung hawak nyang fried chicken.
"Gusto mo pa?" sumandok sya ng konti dun sa spaghetti na binili nya at sinubo sakin.
"Alam nyo, sana lagi nalang kayong ganyan" sabay kaming napatingin kay Trix.
"Akalain mo yun maganda naman pala yung kalalabasan nung kalokohan na ginawa ko"
"Ha? Anong kalokohan?" sabay naming tanong.
"Eeeehhh girl magpromise ka muna na hindi mo ko sasaktan" nag nod ako.
"Promise" umayos sya sa pagkakaupo nya at humarap samin.
"Ano kasi ...ahm ...yung nag overnight kayo ...ano ...ako yung ano ..."
"Puro ka ano! Diretsuhin mo na nga kami!" sigaw ko.
"O sige na nga! Sinadya kong pagtabihin kayo sa kama!" nabigla ako sa sinabi nya.
"What do you mean sinadya mo?" tanong ni Nexus.
"Ayun na nga, sinadya kong pagsamahin kayo sa iisang kama tapos before ko kayo iwan, in-arrange ko muna kayo I mean yung posisyon nyo paggising nyo" biglang nag init yung ulo ko sa sinabi nya. How dare you Trix?! Nakakainis ka talaga! Argggh papatayin kita!!!
"Ok lang wala yun" sagot ni Nexus. Tinignan ko yung mukha nya, walang bakas ng pagka inis kay Trix. Anong ibig nyang sabihin na wala yun?
"Sure kayo di kayo galit sakin?"
"Anong hin--" naputol yung sasabihin ko dahil biglang sumingit si Nexus.
"Oo naman, wala na yun samin ni Devon atsaka matagal na yun kaya kalimutan na natin yun" napatanga ako sa sinabi nya.
"Yehey ang bait bait mo talaga Ex!!" pumalakpak si Trix.
"Atsaka someday gagawin din naman namin yun sa honeymoon namin" natahimik kaming lahat.
"H-ha?" tanong ko.
"Ahm ..I-I mean K-kung tayo talaga yung magkakatuluyan hehe" napakamot sya sa ulo nya. Pinagpatuloy na namin yung pagkain namin hanggang sa maubos namin to.
At exactly 9 pm umuwi na si Trix kaya kami nalang ni Nexus yung nandito sa kwarto ko. Siniguro kong nakalock yung doorknob para walang makapasok dahil kapag may nakakita kay Nexus siguradong patay kami.
