[CHAPTER 23 - BOYFRIEND KO!]
[DEVON'S POV]
8:30 AM nagising ako at nag almusal, nagtxt kasi si Trix na agahan ko naman daw dahil baka bumagsak na ko ngayong sem. Astig concern din pala sya sakin kahit papano.
"Wow good morning aga natin ah, anong meron?" tanong sakin ni Erol pagpasok nya ng dining room.
"Wala naman, maganda lang gising ko" tinap nya yung balikat ko.
"Gusto mo sirain ko?" napastop ako sa pagkain.
"Subukan mo lang patay ka sakin" tumawa sya.
"Niloloko lang kita ikaw naman" kinuha nya yung sandwich ko at kinagatan.
"Sarap! Thank you ha?" nag nod lang ako. Ibang klase hindi man lang nagpaalam.
"Anyway papasok kaba ngayon?" tumango ako.
"After dismissal daan ka naman sa Mall bili mo kong wax"
"Kaninong pera?" tanong ko.
"Sayo, hehe babayaran ko nalang" nagpeace sign sya tapos umalis na.
Nung natapos na ko kumain nag ayos na rin ako ng sarili ko then nagdrive na ko papuntang Southville U.
•SOUTHVILLE UNIVERSITY•
"Hi girl! Akala ko hindi ka talaga papasok ng maaga eh" sinalubong ako ni Trix pagpasok ko sa may lobby.
"Gaga! Syempre papasok ako!" tumawa sya ng mahina.
"Syanga pala, anyare sayo kahapon bakit hindi ka pumasok? Alam mo bang namiss ka agad ng madlang pipol?"
"Masama lang pakiramdam ko" sagot ko. Umupo muna kami para magpalipas ng oras.
"Ano ng balita?" napatingin ako sakanya.
"Balita saan?" tanong ko.
"Balita sa inyo ni Ex, ok naba kayo? Huy alam mo ang tagal nya kayang naghintay dito kahapon, di ka man lang naawa sakanya worry nga sya sayo eh" kinuha nya yung phone nya at nagpipindot dun.
"I know, ang dami nya ngang text message sakin eh atsaka tinadtad nya rin ako ng tawag" sagot ko.
"May sinagot ka naman ba kahit isa?" umiling ako.
"Kita mo na ang bad mo talaga" inisnaban nya ko. Siraulo to ah! Hindi porket medyo mabait na ko iisnaban nya nalang ako ng basta basta.
"Hay naku hayaan mo na nga sya, change topi--" naputol yung sasabihin ko dahil may biglang nagtakip ng mata ko. Maya maya narinig ko nalang na tumili si Trix. Eto talagang babae na to akala mo laging naiipitan ng ano eh!
