[CHAPTER 22 - Apologise]
Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kanina. Imbes na ako yung kampihan nya, yung pesteng babae pa na yun yung pinili nya. Sabagay bakit nya nga ba ko kakampihan samantalang nagpapanggap lang naman sya na boyfriend ko. Kung iisipin mo lahat ng ginagawa nya hindi totoo, lahat ng yun pagpapanggap lang.
TOK TOK TOK
"Come in" bumukas yung pinto at pumasok si Erol.
"Bakit umiiyak ka?"
"Ha?" hinawakan ko yung pisngi ko at dun ko lang nalaman na maraming luha na pala yung pumatak galing sa mata ko.
"Ahm ..nagbasa kasi ako ng sad stories" pinilit kong ngumiti.
"Sus, hindi ka nagbabasa ng mga ganun, diba sabi mo noon corny yun" umupo si Erol sa dulo ng kama ko.
"Oo nga, pero kanina tinry ko magbasa, hindi naman pala lahat corny" nag fake smile ako.
"Tayong dalawa lang yung nandito sige na sabihin mo sakin kung anong nangyari" yumuko ako saglit at pag angat ng mukha ko, dirediretso na namang pumatak yung mga luha ko.
"Si Nexus kasi eh ..." nagtakip ako ng mukha ko dahil alam kong umaagos na yung luha ko.
"Bakit ano bang ginawa nya?" mahinahon nyang tanong.
"Imbes na ako yung kampihan nya kanina, yung babaeng yun pa yung pinili nya, kasi daw ex girlfriend nya yun" sa buong buhay ko ngayon lang ako umiyak ng ganito. Sa mga oras na to pakiramdam ko ang sikip ng dibdib ko.
"Intindihin mo nalang sya malay mo may feelings pa sya for her"
"Hindi pwede! Dapat na sakin lang yung atensyon nya dahil may trabaho syang kailangan gawin!" narinig kong tumawa sya ng mahina.
"Ate gusto ko lang ipaalala sayo, si Nexus nirentahan natin para magpanggap hindi para tumayo bilang totoo mong boyfriend, sige na tahan na matulog kana" tinap nya ko sa balikat pagtapos nun lumabas na sya ng kwarto ko.
Matagal ko rin pinag isipan yung sinabing yun sakin ni Erol. May point sya, hindi ko dapat iniiyakan ng ganun si Nexus dahil hindi ko naman talaga sya boyfried.
[THE NEXT DAY]
"Bakit namamaga yang mata mo? Umiyak kaba kagabi?" kanina pa nila ako tinatanong kung anong nangyari sakin kagabi pero ni isa sa mga tanong nila wala pa kong sinasagot.
"Hindi po mommy, nagpuyat kasi kami ni ate kagabi naglaro po kasi kami ng chess" sabat ni Erol.
"Chess? Eh bakit mukhang hindi ka naman yata napuyat? Tignan mo yung mata mo walang eyebags compare sa mata ng ate mo"
"After po kasi namin maglaro natulog na ko pero sya ewan ko kung ano pang ginawa nya" sagot nya.
"Ganun ba? Ikaw Devon papasok kaba ngayon?" tinignan ko lang si mom at umiling.
"Bakit wala ba kayong pasok ngayon?"
"Ahm mommy wala po yata silang pasok ngayon kasi nasabi rin po sakin nung barkada ko na may program daw po sa Southville U at kasali dun yung ate nya" tumango tango si mommy.
"Teka nga Erol, bakit ba ikaw ang sagot ng sagot sa mga tanong ko?" tanong ni mom.
"Ako po kasi spokesperson ni ate" nag wink si Erol kay mom kaya nagtawanan sila. Ako naman nananahimik lang. Ni hindi ko nga nginunguya yung kinakain ko gusto ko na kasi bumalik sa kwarto ko kaya lunok nalang ako ng lunok.
Nung naubos ko na yung pagkain ko bumalik na ko sa kwarto ko pero sinundan ako ni Erol at hinila nya yung braso ko.
"Ok ka lang ba?" nag nod ako.