Devon
Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay nila Trix dahil masyado na kong naboboring dun sa garden. Ang ingay ingay kasi, yung matabang MC hindi pa rin tapos sa pagkuda, masyado ng marami yung sinasabi nya, kung may dala lang akong duct tape nilagyan ko na yung jambonganga nya.
"Ma'am eto na po yung tequilla" nilapag nung maid nila yung tequilla sa mini table na nasa harap ko.
"Thanks" sagot ko sakanya.
"Ma'am hindi po ba kayo magpapakuha ng pwede nyong kainin dito?"
"Ahm hindi na, salamat nalang" mahinahon kong sagot.
"Sige po ma'am aalis na po ako" umalis na yung maid at iniwan ako dun. Nagulat ba kayo kasi hindi ko sya tinarayan? Well medyo close ko kasi yan, matagal na syang maid nila Trix kaya kilala ko na sya.
"Tara na kasi, wag kana mahiya akong bahala sayo" may narinig akong nagsasalita. Feeling ko si Trixcie yun, ano na naman kayang ginagawa nung babaeng yun.
"Ayoko Trix magkaaway kami" sagot nung kausap nya. Teka! Pamilyar yun ah! Parang boses ni Coke yun ah!
"Hindi yan, tara na kasi!"
"Haay bahala ka nga" bumukas yung pinto nung terrace at pumasok si Trix kasama si Coke.
"Hi girl, oh ayan dinala ko dito si Ex para may kasama kang uminom" nakangiti nyang sabi.
"Bobita ka talaga! Sabi ko ikaw ang gusto kong kainuman hindi yan!" inisnaban ko silang dalawa at binaling ko yung atensyon ko sa garden na tanaw hanggang dito.
"Bakit, feeling mo gusto rin kitang kainuman? Tss" sagot nya. Aba! walanghiyang to sinasagot ako! Eh kung sikmuraan ko to ngayon, wag nyang sabihin na lalaki sya.
"Pwede ba, lumayas ka nga sa harapan ko hindi ka kaakit akit"
"Bakit ikaw, maganda ka lang pero ..." tinignan ko sya. Nakita kong tinitignan nya ko mula ulo hanggang paa. Ang sexy ko kasi kaya namagnet yung mata nya sa mga hita ko.
"Pero ano?!" mataray kong tanong.
"Wala lang, maganda ka lang! Pero di kita type noh!" binelatan nya ko. Loko to ah! Mamaya ka lang talaga sakin tamo!
"Ano ba guys tama na nga yan quiet na please" umupo si Trix sa tabi ko at si Coke naman sa harapan ko.
Nagstart na maglagay ng wine si Trix sa mga baso namin.
"Cheers?" tanong ni Trix.
"Ayoko nga!" sagot ko.