Devon
"Erooool !!! Nakakainis ka talagaaa !!!" kanina ko pa hinahabol si Erol dito sa may sala. Nakakaines kasi, kinain nya yung Ferrero na binili ko.
"Mommy !!! Daddy !!! Si Ms. Gorgeous hinahabol akooo !!" paikot ikot kami sa may sala. Bwiset na lalaki to, kapag nahawakan ko talaga to patay sakin to.
"Iluwa mo yung Ferrero kooo !!!"
"Sorry naaa !!! Papalitan ko nalanggg !!" at sa wakas nahawakan ko sya sa damit. Tinulak ko sya sa may sofa kaya napahiga sya pagtapos nun hinawakan ko sya sa magkabilang braso.
"Sigurado ka papalitan mo?!" pasigaw kong tanong sakanya.
"Oo na papalitan ko promise cross my heart" ngumiti sya ng nakakaloko. Yang mga ngiti na yan wala akong tiwala jan.
"Umayos ka Erol kapag hindi mo pinalitan yung Ferrero ko ilalabas ko yung video mo" nagsalubong yung kilay nya at parang nacurious sya sa sinabi ko.
"Anong video?"
"Yung video mo habang hinaharang mo yung babae dun sa Southville High. Kapag pinakita ko yun kay mom at dad siguradong pagagalitan ka at babawasan yang allowance mo kaya umayos ka Erol"
"Ms. Gorgeous naman, papalitan ko naman yung Ferrero wag mo na ipakita yun please?" nagbeautiful eyes pa sya. Tss akala naman nya maaawa ako sakanya, no way!
"Ayus ayusin mo lang Erol ha!" iniwan ko na sya dun at umakyat nalang ako sa kwarto ko.
♪You are the only exception, you are the only exception, you are the only exception♪
Kinuha ko yung phone ko na kanina lang hinagis ko sa kama. Ganyan talaga ako hindi ko pinahahalagahan yung mga gadget ko dahil anytime kaya kong palitan yan.
From: +63909416****
hi goddess how are you? It's me Nexus :)
Psh kung hindi ako nagkakamali sya yung nagtext sakin kaninang umaga.
To: +63909416****
Ano bang kailangan mo? Bakit txt ka ng txt? Pwede ba stop bothering me!
Sinend ko yun sakanya then after 2 minutes nagreply sya.
From: +63909416****
Sungit naman ;( gusto ko lang naman maging friends tayo eh ..
Wow! Friends? Gusto nyang maging friends kami? Samantalang ni hindi ko nga sya kilala at hindi ko rin alam kung saang impyerno nya nakuha yung cellphone number ko.
To: +63909416****
stop texting me bitch!
after ko isend yun hindi na sya nagreply.
~*~
Nexus
Oh c'mon ang sungit naman ng babaeng to, ako na nga tong naglalaan ng oras para itxt sya tapos nagtataray pa sya. Kung alam nya lang kung gaano ako kagwapo sure ako manghihinayang yan at baka nga lumuhod pa sya sa harapan ko para lang itxt sya ulit. Pero I won't give up. Someday maiinlove din sakin yan ^_^
"Bonsoir" napalingon ako sa nagsalita. Si daddy kalalabas lang ng kwarto nya.
"Bonsoir" sagot ko.
[A/N: Bonsoir = goodevening]
"Comment allez-vous?" umupo si daddy sa tabi ko.
"Tres bien, daddy naman, para naman pong hindi tayo nagkikita araw araw" natawa sya sa sinabi ko pagtapos ginulo nya yung buhok ko.
[A/N: Comment allez-vous = How are you, Tres bien = Fine, very well]
"Kamusta pasok mo?" natawa ako sakanya dahil medyo slang yung pagbigkas nya. Sabagay hindi naman talaga nagtatagalog si daddy wala syang ibang alam na salita kundi french and english lang pero nakakaintindi rin naman sya ng tagalog. Buti nga kahit papaano naiintindihan ko sya kapag nagsasalita ng french, yung way kasi ng pagbigkas nila parang kinakain nila yung bawat word.
"Ok naman po, madami akong nakakasalubong na chiks" sabay kindat ko sakanya.
"Hahaha Monsieur study well" tumayo sya at lumabas ng bahay. Tatambay na naman siguro sya sa garden.
[A/N: Monsieur = Mister]