Chapter 20 - Secret Revealed

5.7K 120 0
                                    

[CHAPTER 20 - Secret Revealed]

[EROL'S POV]

Maaga ako nagising para icheck kung nasave ko yung mga picture nila Ms. Gorgeous at Nexus. Hahaha! Kala nila ha! Gising pa ko nung mga gabing yun! At nandun ako sa may rooftop nagpapahangin. Eto flashback.

[FLASHBACK]

Haay nakakainis aircondition naman dito sa kwarto ko pero bakit parang init na init ako at isa pa hindi ako dalawin ng antok. Halos 2 hours na nga akong nagcocomputer pero hindi parin ako inaantok. Humiga ako sa kama ko at tinandayan yung isang unan.

KREEEEKK

Napabalikwas ako dahil may narinig akong ingay. Naramdaman ko rin na parang may naglalakad pababa sa hagdan kaya dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ko para silipin kung sino yun.

Nakita kong pababa ng hagdan si Ms. Gorgeous. Teka san pupunta yun? Alas dyes na ah, lalabas paba yun? Binuksan nya yung pinto tapos lumabas sya ng bahay. Medyo nacurious ako kaya umakyat ako sa rooftop para tignan kung anong meron sa labas.

Pag akyat ko nakita kong may nakaparadang kotse sa may tapat ng bahay at nakatayo dun si Nexus. Wow astig! Close na pala sila? Pinanuod ko bawat gawin nila. Nakita ko rin na binatukan sya ni Ms. Gorgeous tapos maya maya lang hinila sya ni Nexus sabay niyakap. Wait! Kailangan ko makuhaan yung scene na yun! Kinuha ko yung phone ko sabay pinicture-an ko sila. Medyo matagal din silang nagyakapan at nag usap then after nun hinila na naman sya ni Nexus tapos maya maya lang din pumasok na ng bahay si Ms. Gorgeous at si Nexus naman umalis na rin.

[END OF FLASHBACK]

WAHAHAH !!! Subaybayan ko talaga yung lovelife ni Ms. Gorgeous. Sure ako may feelings na yan para kay Nexus. Lumabas ako ng kwarto ko at nagpunta sa may sala, 6:30 am palang kaya sure ako tulog pa si Ms. Gorgeous.

"As soon as possible kailangan magkita na si Devon at ND" narinig kong may nag uusap sa may kusina at feeling ko boses ni dad yun. Tumayo ako at dahan dahan nag punta sa gilid ng pinto ng kusina para pakinggan yung mga pinagsasabi nya.

"Pero Eron sigurado kana ba jan sa pasya mo?" narinig kong tanong ni mom.

"Oo naman! Malapit ng bumagsak ang kompanya natin at tanging si Devon lang ang makapag sasalba nito kaya kailangan maikasal na sya kay ND" napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko akalain na yun pala ang rason kung bakit ipinagkasundo nila si Ms. Gorgeous.

"Baka naman pwede kang humingi ng tulong sa daddy mo?"

"No! Hindi ako hihingi ng tulong sakanya! Kaya kong ipakita sakanya na maiaahon ko ang kompanya ng hindi humihingi ng anomang tulong mula sakanya" sa mga narinig kong yun balak ko na sana umalis kaya lang may pahabol pang sinabi si dad.

"Mamaya tatawagan ko si Mr. Devereux at magseset ako ng meeting" Devereux, Devereux, Devereux! Pamilyar ako sa apelyido na yan, parang narinig ko na sya noon kaso hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.

Nagdecide na kong bumalik sa kwarto ko before pa ko mahuli ni dad na nakikinig sa usapan nila ni mom. Ayokong mag away kami ni dad pero kailangan kong gawin to, kailangan kong malaman kung sino yung ND na yun.

•8AM•

Lahat kami nasa may dining room na at kumakain ng breakfast pero si Ms. Gorgeous tulog pa yata. Hindi ako masyadong makapag focus sa kinakain ko dahil panay ang ring ng cellphone ni dad, may time na lalabas sya ng dining room para sagutin yung mga incoming calls pagtapos nun babalik ulit sya sa table para kumain.

After 15 minutes dumating si Ms. Gorgeous at nagserve ng sarili nyang pagkain. Pagkaupo nya siniko nya ko kaya napatingin ako sakanya.

"Aalis na ko" tumayo na si dad at nagpunta sa may sala para kunin yung gamit nya then nag punta na sya sa garage at inistart yung engine ng sasakyan nya. Hinintay ko munang makaalis sya bago ako tumayo. Nung feeling ko nakaalis na sya, tumayo na ko.

"Hey Erol san ka pupunta?" tanong sakin ni Ms. Gorgeous. Hindi ko pinansin yung tanong nya instead lumabas na ko at kinuha yung susi ng kotse ko.

•FIRST CLASS RESTO•

Dito ako napadpad nung sinundan ko si dad. Buti na nga lang hindi nya ko nahalata kung hindi patay ako. Bago ako pumasok ng Resto, sinuot ko muna yung wig at eye glasses ko para magsilbing disguise.

Nung una umoorder lang muna si dad ng kape habang hindi pa dumadating yung kakatagpuin nya. Mga 20 minutes din akong naghintay, halos naiinip na nga ako eh pero hindi ako pwedeng sumuko dahil kailangan ko makita yung ND yun.

Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko yung entrance at exit kaya alam ko kung sino yung mga pumapasok at lumalabas. Pero nagulat ako nung may dalawang costumer na pumasok. Kilala ko yung isa dahil si Nexus yun pero yung kasama nya, hindi ako masyadong pamilyar. Foreigner sya na naka black coat. Naglakad sila papunta sa may direksyon ng table ni dad at sabay silang umupo sa bakanteng seat na nasa tabi ni dad.

Naisip ko lang, bakit nandito si Nexus? Anong ginagawa nya dito? Atsaka teka! Yung foreigner na yun! Hindi kaya sya si Mr. Devereux?? Pero wait! Aha! Alam ko na, naaalala ko na! Devereux din yung apelyido ni Nexus. Natatandaan ko yun dahil sinabi nya sakin ng buo yung pangalan nya nung in-offer ko sakanya na magpanggap syang boyfriend ni Ms. Gorgeous.

Litong lito ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi kaya si Nexus Devereux si ND? Lumabas na ko ng Resto at nag drive pauwi.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon