[CHAPTER 19 - Admirer]
[DEVON'S POV]
10:30 PM. AAAHHHHH !!! Hindi parin ako makatulog!!! Ano bang nangyayari sakin??? Lord please naman patulugin nyo na po ako! Simula pa kaninang pag uwi hindi na maalis sa isip ko yung mga nangyari kanina. Simula dun sa mga red rose hanggang dun sa ginawa nyang pagkanta sa mini stage. Coke bat kaba ganyan?? I hate you!
♪You are the only exception, you are the only excepyion, you are the only exception♪
Nagmadali akong bumaba sa kama ko para kunin yung cellphone ko na nakapatong sa may study table ko.
From: +63909416****
hi goddess kamusta naman? Gising ka paba? Yung teddy bear ba tinabi mo sa higaan mo?
Nabigla ako sa nabasa ko. S-si Mr. Goddess at si Coke ay iisa?? So ibig sabihin sya yung laging nagtetext sakin. No Way! Nagtype ako ng message at sinend yun sakanya.
To: +63909416****
Coke?
Yun lang yung nasabi ko then after 2 minutes nagreply sya.
From: +63909416****
Hahaha ..Yes ako nga yung gwapong lalaki na tinapunan mo ng Coke sa Mall, namiss kita agad :)
Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko, siguro dahil sinabi nyang namiss nya ko agad?? Pero bakit??
To: +63909416****
Che! Hindi kita miss noh! Alam mo bang gusto na kita sipain dahil dun sa ginawa mo sakin kanina?! Sabi ko wag mo kong dadalhin sa stage pero anong ginawa mo, ang kulit mo!
Ugh. Hindi ko parin talaga maiwasang magtaray, pero anong gagawin ko? Kesa naman isipin nya na bumabait na ko sakanya atsaka ayoko syang replyan na namiss ko din sya, nakakahiya yun noh!
From: +63909416****
Oh ayan ka na naman nagtataray ka na naman, later mo nalang ako pagalitan labas ka muna dali ...
Wait a minute! Anu daw sabi nya? Labas ako? At bakit naman ako lalabas? Ayoko nga sa ganda kong to baka marape ako jan noh. Naglakad nalang ako papunta dun sa window at sumilip sa labas. Pagtingin ko may nakapark na kotse dun sa may tapat ng bahay namin at nakatayo sya dun habang may hawak na boquet.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko, tulog na kasi silang lahat at kapag nalaman nila na may lalaking naghihintay sa akin sa labas, siguradong patay ako kay dad. Paglabas ko ng gate dirediretso akong naglakad papunta sakanya.
"Siraulo ka anong ginagawa mo dito?! Pano mo nalaman tong bahay namin?! Stalker kita noh?!"
"Baby hindi mo ko stalker, admirer mo ko" ngumiti sya ng nakakaloko tapos tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Pakshet! Nakalimutan ko nga pala magshort!!! Naka underwear lang ako pero naka big shirt naman ako kaya sure akong hindi kita yun.
"Anong tinitingin tingin mo jan?!"
"Ang sexy mo ngay--" binatukan ko sya bago nya pa matapos yung sasabihin nya.
"Aray ko naman! Ang hilig mong mambatok, nakakainis kana ha! Kapag ako nabanas sayo!"
"Oh ano?! Anong gagawin mo sakin?!"
"Baka hindi ako makapag pigil halikan kita jan!" natameme ako sa sinabi nya. WTF.
"Oh bat natahimik ka jan?" tanong nya sakin. Hindi ko alam, bakit nga ba ako natahimik? Bakit nitong mga huling araw madalas akong matameme sa mga sinasabi nya? Hindi lang yun, nagagawa nya rin pabilisin yung tibok ng puso ko.
"Ahm ..sige papasok na ko" tinalikuran ko na sya at hahakbang na sana ako palayo nung bigla nyang hinila yung braso ko kaya napaharap ako sakanya.
"Dito ka lang wag mo ko iwan .." seryoso nyang sabi sakin. Tinignan ko sya ng direkta sa mata, feeling ko anytime malulusaw ako sa kinatatayuan ko.
"Ahm ..inaantok kana ba? Ah sige kung gusto mo matulog kana. Pasensya na naabala pa kita hindi kasi ako makatulog eh kaya naisipan kong kunin kay Trix yung address mo anyway please take this" inabot nya sakin yung boquet na kanina nya pa hawak. Base sa mga paliwanag nya, naisip ko lang same lang pala kami. Parehas kaming hindi makatulog dahil dun sa mga nangyari. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, para kasing kakaiba.
"Ah hindi sige ok lang sasamahan nalang muna kita dito hindi rin kasi ako makatulog eh" sagot ko. Ngumiti sya at hinawakan nya yung mga kamay ko.
"Alam mo sa totoo lang simula nung natapunan mo ko ng Coke hindi kana naalis sa isip ko, hindi ko alam kung bakit pero lagi nalang ikaw yung laman nito ..." tinuro nya yung ulo nya.
"Pwede ba wag ka ngang ganyan, mamaya ma fall ka sakin eh masisira yung plano" walang gana kong sagot. Iniwas ko sakanya yung paningin ko pero bigla nya ko niyakap, yung yakap na napaka higpit. Feeling ko sinaniban na naman ako dahil hindi ako makagalaw dun sa ginawa nya. Mga 3 minutes din kaming nagstay sa ganung posisyon. Parehas kaming tahimik, parehas kaming nakikiramdam sa isa't isa.
Kumalas na sya sa pagkakayakap nya sakin at nginitian ako.
"Sorry ha, hindi ko sinasadya"
"Hindi sinasadya ang sabihin mo may gusto kana sakin" natawa sya sa sinabi ko.
"Hindi malayong mangyari, ang ganda mo kaya!" nilagay nya yung dalawang kamay nya sa waist ko at hinigit ako ng konti.
"Tulog kana baby, ayokong magka eyebags ka" pagtapos nun binitawan na nya ko. Nag bye na rin ako sakanya then pumasok na ko sa loob ng bahay. Nung nasa kwarto na ko narinig ko yung pag start ng engine ng sasakyan nya tapos nawala na yun, siguro nakaalis na sya.