[CHAPTER 24 - Unexpected School Visitor]
[NEXUS' POV]
Paglabas ko ng 401 naglakad na ko papunta sa room ko pero hindi pa ko nakakapasok nung may estudyanteng lumapit sakin.
"Kuya diba ikaw po si Nexus?"
"Yes why?"
"Ikaw po yata yung hinahanap nung babaeng nagwawala dun sa gate nitong Southville" nabigla ako sa sinabi nya. Sinong babae naman yun?
"May nagwawala sa labas?" tanong ko.
"Opo kanina ka po sya dun puntahan nyo na po bago pa sya makita ni Ms. Devon"
"Ok" nagmamadali akong sumakay ng elevator papuntang ground floor.
Pagdating ko dun maraming nagkukumpulang estudyante, nung nakita nila ko nagbulungan sila then nag give way sila.
"Nexus lumabas ka jan!!!" narinig kong sigaw nung babae. Pamilyar ako sa boses na yun dahil boses ni Belle yun. Nilapitan ko sya at nung nakita nya ko bigla nya kong sinunggaban ng yakap.
"What are you doing here Belle?" tanong ko sakanya habang yakap nya ko ng mahigpit.
"Nexus bumalik kana please, hindi ko kayang wala ka" nakita kong umaagos na yung mga luha nya kaya pinunasan ko to.
"Hindi na pwede Belle, nasabi ko naman sayo diba? Naka arrange marriage ako" umiling sya.
"No! Please wag kang pumayag! Sumama ka nalang sakin aalis tayo, magtatago tayo dun sa rest house namin" kumalas ako sa pagkakayakap nya at tinignan sya ng direkta sa mata.
"Ayoko, hindi ako sasama. Belle marami pang iba jan, makakahanap kapa" umagos na naman yung luha nya. Nilingon ko yung mga tao sa paligid namin, dumadami na sila.
"Sige na umuwi kana, magpahinga ka" binitawan ko yung kamay nya pero imbes na maglakad sya palayo may binunot sya sa bulsa nya at itinutok yun sakin.
"Mamili ka Nexus, sasama ka o babarilin kita?" nagsimula ng magpanic yung mga estudyante sa paligid namin. Nagsidatingan na rin yung mga guard para pigilan sya sa gagawin nya.
"Belle please ibaba mo yan" tinaas ko yung dalawa kong kamay para pigilan sya pero pilit syang lumalayo sakin.
"Hindi ko to ibababa hangga't hindi ka sumasama sakin!" tinignan nya yung mga tao sa paligid namin at nagsalita ulit.
"Nasan si Devon?! Ilabas nyo si Devon! Gusto kong makita nya kung paano mawala sakanya si Nexus!" nagtakbuhan papasok ng Southville U yung ibang estudyante.
"Belle sige na ibaba mo na yan"
"Ayoko! Tutal ayaw mo rin naman sumama sakin edi mas mabuti pang mamatay kana!"
"Hindi mo alam kung ano yang sinasabi mo! Kapag ipinutok mo yan, pwede kang makulong alam mo ba yun?!" tumawa sya.
"Ayos lang atleast kahit isa man lang sa inyo ni Devon mapatay ko"
"Belle nagmamakaawa ako sayo ibigay mo na sakin yang baril mo sige na babalik na ko sayo, ngayon mismo makikipag hiwalay ako kay Devon" binaba nya ng konti yung baril nya at tumulo na naman yung luha nya.
"At sino namang nagsabi sayo na papayag akong hiwalayan mo ko?" sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Devon.
"Hi dear?" nginitian ni Belle si Devon habang naglalakad to palapit samin.
"No Devon jan ka lang wag kang lalapit dito" sabat ko.
"Sinong siraulo ang nagpapasok sayo sa University na to? Ituro mo sakin ngayon mismo tatanggalin ko!"
"Walang nagpapasok sakin! Kusa akong nagpilit na pumasok dito para makita ka!" tumango tango si Devon.
"Bakit namiss mo ko? Sana naman noon palang sinabi mo na sakin na lesbian ka para naman hindi na nag effort si Nexus na ligawan ako" nagtawanan yung mga tao sa paligid namin.
"Kapal ng mukha mo! Ikaw mamimiss ko? Hell no!" sagot ni Belle.
"Bakit, feeling mo gusto kong mamiss mo ko? Tss how pathetic, tapos ang lakas pa ng loob mo na makipag balikan kay Nexus? Jusko naman, eh mukha ngang hindi kapa naliligo eh, tignan mo nga yang hitsura mo"
"Ah talaga? Gusto mong pasabugin ko ngayon yang ulo mo?"
"Sure" ngumiti si Devon tapos naglakad sya palapit kay Belle at sya mismo yung nagtutok ng baril sa noo nya.
"Devon ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko.
"Relax baby kaya ko to" sagot nya.
"Oh I'm here na, iputok mo na!" sabi nya kay Belle. Si Belle naman hindi makapaniwala sa ginawa nya. Halos lahat kami naghihintay ng sunod na mangyayari. Tinanggal na ni Devon yung noo nya sa tapat ng baril at dahan dahan nya tong kinuha sa kamay ni Belle.
"Sa susunod kasi, kapag nagdala ka ng baril siguraduhin mong may magasin" binato ni Devon yung baril sa mga guard at naglakad na to papasok ng Southville U.
[DEVON'S POV]
Hay naku panira ng araw. Impaktang babae yun, pinatawag pa talaga ako para ipakita yung eksena nya sa labas. Sa totoo lang wala naman talaga akong balak lapitan sya kanina dahil alam kong may baril sya. Pero nung nakita kong wala naman pala tong magasin, dun na ko naglakas loob na lapitan sya at itutok sa noo ko yung baril nya.
Kung hindi ko pa sinabi na walang magasin yung baril na yun aakalain pa siguro nung mga tao dun na feeling ko ako si Darna dahil ang tapang tapang ko na sinugod yung bruhang yun.
"Devon!" naglalakad ako papuntang 401 nung may biglang humila ng braso ko kaya nilingon ko to.
"Bakit?" bigla nya kong niyakap ng mahigpit.
"Pinakaba mo ko kanina, akala ko magpapakamatay kana talaga eh" kumalas ako sa yakap nya at binatukan sya.
"Siraulo! Anong tingin mo sa buhay ko patapon?!" hinimas nya yung part na binatukan ko.
"Eh kasi naman bigla bigla ka nalang lumalapit kay Belle, pano kung may bala pala yung baril nun edi wala kana"
"Kung may bala man yung baril nya Nexus, hindi ako tanga para lapitan sya" tinalikuran ko sya at naglakad na ko.
"I know pero alam ko namang hindi mo ko iiwan diba?" huminto ako sa paglalakad.
"Talaga lang ha?" ngumiti sya then bumalik na ko sa 401.
•LEE RESIDENCE•
[EROL'S POV]
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakaharap sa laptop. Tutal hindi naman ako pumasok kaya this time magpapaka imbestigador muna ako. Gusto ko kasing lubos na makilala si Nexus Devereux bago sila ikasal ni Ms. Gorgeous, malay mo kasi may itinatago sya.
Sinearch ko yung facebook account nya para tignan yung mga information na nandun. Nung nakita ko na yung profile nya clinick ko agad yun at vinew yung info.
Half Filipino and half French pala sya at isinilang sa Paris, France pero hindi sya dun lumaki. Date of birth, February 15, 1995. Nag iisang anak lang sya nina Adam and Desiree Devereux. Hmm astig pala tong si Nexus, only child lang. Vinew ko din yung mga pictures nya, may isa dun na nakakuha ng atensyon ko, may picture kasi sya na may kasama syang babae na medyo maputi at nakayakap sakanya. Sino naman kaya yun? Sabagay medyo maganda rin naman pero mas maganda si Ms. Gorgeous. May description din na nakalagay dun, "Belle and Nexus on their 1st Monthsarry" wow huh?
Naisip ko lang, may girlfriend pala tong si Nexus pero bakit pumayag sya na gawin yung offer ko sakanya? Haay ewan.
