Nexus
3days ago nung nakidnap si Devon. Hanggang ngayon hindi parin namin natetrace yung location nila. Ilang pulis na yung muntik namin mabugbog ni Mr. Lee dahil sa tagal ng update. Masyado na kong nag aalala para kay Devon.
"Kamusta na po? Wala parin po bang pagbabago?" tanong ko sakanila pagpasok ko sa bahay nila.
"Wala parin" sagot ni Erol.
"What?! 3 days ng nawawala si Devon! Hanggang ngayon hindi parin nila nakikita?! How stupid! Sigurado ba kayong ginagawa nila ng tama yung trabaho nila?!"
"Ganyan na ganyan din yung sinabi ni dad kanina"
"Erol 3 days na eh ...3 days ng nawawala si Devon. Nag aalala na ko sakanya baka kung ano ng pagpapahirap yung ginagawa sakanya" hindi ko na napigilan yung sarili ko at naiyak na ko.
"ND wag ka mag alala gagawa tayo ng paraan para maibalik si Devon" sabat ni Mrs. Lee
"Tita hindi ko na po kaya, sana kasi noon palang na nandito sya sinet nyo na yung araw ng kasal namin para naprotektahan ko na sya!"
"Wala namang may gusto na mangyari to ND" sabi ni Mrs. Lee
"Hijo makinig ka sakin, one of this days makikita na rin nila si Devon" dagdag pa nya. tinap nya yung balikat ko.
Lumabas ako ng bahay nila at nagdrive papunta sa kung saan saan. Pinuntahan ko bawat sulok ng lugar. Pinasok ko lahat ng abandon na bahay or building. Nagbabakasakali ako na isa sa mga yun ang kinaroroonan ni Devon. Pero nabigo ako dahil hindi ko sya nakita kahit anino nya.
Devon
3Days na kong nakakulong sa kwarto na to. Hindi ko alam kung hinahanap paba nila ako o hindi na. Mahal pa ba ko ni Nexus? Kung oo bakit hindi ko nararamdaman yun.
"Oh ayan kumain kana!" tinapon nya sa sahig yung pagkain na hindi ko malaman kung pano niluto.
"Ayoko!"
"Ok fine ikaw naman mamamatay sa gutom nyan eh, at kapag nangyari yun siguro ang saya saya ko" tumawa sya.
"Kahit kelan hindi ka magiging masaya" sagot ko.
"Really? How did you say that? Ngayon pa nga lang halos magpaparty na ko eh, 3 days ka ng nawawala Devon at kahit isa sa pamilya mo hindi kapa nagawang hanapin"
"Hindi ako naniniwala sayo! Alam kong hinahanap nila ako! At kapag nakita nila ko sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!"
"Talaga lang ha? Well let's see" lumabas sya ng kwarto at iniwan ako dun.
Habang mag isa ako sa loob ng kwarto iniisip ko kung paano ako makakatakas. Nung may nakita akong gunting sa ibabaw ng lamesa pinilit kong abutin yun kaso hindi ko nagawa. Sinipa ko yung paa nung lamesa para malaglag sya. At nung nalaglag na sya iniisip ko naman kung paano ko makukuha yun.
Sinadya kong itumba yung upuan kung saan ako nakatali. Pinilit kong gumapang hanggang sa maabot ko yung gunting. Nung nahawakan ko na to, walang sawa kong hiniwa yung lubid na nasa kamay ko.
Nung natanggal ko na yung lubid, sinunod ko naman yung nasa paa ko. Hindi ako nabigo dahil lahat ng yun nagawa ko. Hinanap ko din yung phone ko at nung nakita ko yun tnxt ko agad sila mom and dad. Pagtapos inakyat ko yung bintana at dun ako lumabas.
Nexus
Pagbalik ko sa bahay ng mga Lee sinalubong ako ni Erol at hinila papasok ng bahay nila.
"Bakit anong balita?" tanong ko.
"Nakapag txt si Devon" sagot ni Mr. Lee.
"T-talaga? Anong sinabi nya? Nasan daw sya?" sunod sunod kong tanong.