Chapter 12 - Wanted Boyfriend

7.4K 156 1
                                    

Nexus

Nagising ako dahil kanina pa ring ng ring yung cellphone ko si dad kasi nagtxt. At nakalagay dun sa txt nya na kailangan ko daw sumunod dun sa Resto na pinuntahan nya hindi ko alam kung bakit pero nagbihis na ko at nagdrive papunta sa Resto na yun.

•FIRST CLASS RESTO•

Pagpasok ko sinalubong ako nung receptionist.

"Sir ikaw po ba si Mr. Nexus Devereux?" tanong sakin nung receptionist.

"Yeah"

"Sir dito po tayo" hinatid nya ko dun sa table ni dad. Nakita kong may kasama si daddy na isang lalaki at isang babae. Wait! parang may kamukha yung babae! O_________O

Tumayo si dad pagkakita nya sakin at hinarap ako dun sa dalawang kasama nya.

"I want you to meet my son ND" sabi ni dad. Ngumiti lang sila sakin kaya umupo na ko sa tabi ni dad.

"You have a very good looking ND" sabi sakin nung babae.

"Thank you po" sagot ko.

"Sayang nga lang at hindi namin kasama ang dalaga namin" narinig kong sabi nung lalaki.

"Ah ok lang po" humarap ako kay daddy.

"Bakit nyo po ba ako pinasunod dito?" tanong ko sakanya.

"Iho inaayos kasi namin ang kasal nyo ng anak naming babae kaya nandito tayo ngayon para pag usapan ang magiging kasal nyo" sabat nung babae. Teka teka! Nagpunta lang ako dito tapos bigla na kong ikakasal?? Ano to?? No way! Ni hindi ko pa nga nakikita yung anak nila tapos ipagkakasundo na nila kami. WTH?

"Pero bakit po?" tanong ko.

"Para mas tumatag ang pagsasamahan namin ng daddy mo at para mas lalong tumibay ang business namin kaylangan nyo mag isa ni Devon" huwaaaat??? Devon??? Ayoko! Nagka trauma na ko sa pangalan na yan! Baka mamaya sya yung mataba na nameet ko sa party ni Trix. Ayokooo !!!

"H-hindi ayoko po" tumayo ako at patakbong lumabas ng Resto.

"ND!" narinig kong sigaw ni dad. Grabe sila, ayoko pa mag asawa! Bakit ikakasal nila ako sa tabachoy na yun. Kadiri!

•LEE RESIDENCE•

Devon

"Ms Gorgeous pano ba yan naka arrange marriage kana pala" nakaupo ako ngayon sa sofa kasama si Erol. Pag alis kasi ng parents namin tumambay na kami dito sa may sala.

"No Erol, hindi ako papayag. Malay ko ba kung manyakis pala yung ND na yun" sagot ko sakanya.

"So anong gagawin mo para hindi matuloy yung mga plano nila?" nag isip ako saglit.

"Hindi ko nga alam eh" natahimik ako.

"Wag ka mag alala Ms. Gorgeous ihahanap kita ng boyfie mo" binatukan ko sya, lokong to balak pa ko ibugaw.

"Totoo nga! Bukas pupunta ako ng Southville University dadalawin ko si lolo tapos magmamasid ako dun para makahanap ako ng magiging boyfie mo" seryoso nyang sabi.

"Osige na nga! Ihanap mo ko yung matino ah! Kundi patay ka sakin" sabi ko sakanya.

•THE NEXT DAY•

"Huy Ms. Gorgeous gising na ..." nagising ako dahil niyugyog ako ni Erol.

"Ano ba ..inaantok pa ko eh" nagtakip ako ng kumot.

"Hindi kaba papasok ngayon? Tara na sabay na tayo dali, magdiditch ako" napabangon ako sa sinabi nya.

"Anong magdiditch? Gusto mong kutusan kita!" inambahan ko sya.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon