Devon
Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil bumisita si Nexus kaya naligo ako at nag ayos ng sarili then lumabas na ko ng kwarto ko.
"Ang ganda na ulit ng baby ko" sabi ni Nexus habang palapit ako sakanila. Umupo ako sa tabi ni Erol at tinignan sya, hawak nya parin kasi yung baril barilan na ginamit nya kahapon.
"May silbi din pala to?" tanong nya sa sarili nya. Kinuha ko sa kamay nya yung laruan at tinignan.
"San mo ba nakuha to?" tanong ko.
"Ay shit! Nakalimutan ko ibalik yan dun sa bata na nakasalubong ko! Hala baka kahapon pa yun umiiyak!" binatukan ko sya.
"Bakit kasi nang aagaw ka ng laruan?!"
"Hindi ko yan inagaw! Hiniram ko po yan!"
"San mo ngayon hahanapin yung bata na yun? Bahala ka Erol usigin ka sana ng konsensya mo" sabi ko sakanya. Nagtawanan sila then maya maya nagkaron ng konting katahimikan.
"Devon?"
"Dad?"
"Naka set na yung araw ng kasal nyo ni ND, pasensya kana anak pero hindi na natin kailangan patagalin pa yung kasal" yumuko si dad. Pinilit kong ngumiti kahit na hindi ko gusto yung mga narinig ko.
"Kung yun naman po yung gusto nyo susundin ko nalang po" sagot ko habang may namumuong luha sa gilid ng mata ko.
"Hindi ko gustong mangyari to Devon pero para maisalba ang kompanya kailangan kita ipagkasundo" dagdag pa ni dad. Nagnod ako then nangyari na yung hindi dapat mangyari. Bumagsak yung luha ko na kanina lang kinokontrol ko.
"Ok lang po dad, mapag aaralan ko rin naman siguro na mahalin yung ND na yun eh" hinawakan ni mom yung kamay ko.
"Anak maniwala ka, mabuting tao si ND at sigurado kaming magiging masaya ka sakanya"
"Pipilitin ko po" tumayo ako at pumunta sa kwarto ko pero sinundan ako ni Nexus.
Umupo ako sa dulo ng kama ko habang nakatakip sa mukha ko. Tuloy tuloy na umaagos yung luha ko.
"B-baby? Are you alright?" tanong nya sakin. Nagnod ako.
"Ok lang ako wag mo ko intindihin" pinunasan nya yung luha ko.
"Magiging masaya ka sakanya, ipinapangako ko yan sayo" niyakap ko sya ng mahigpit at pumatak na naman yung luha ko.
"Sana kasi ikaw nalang si ND eh"
"Ssh tama na, wag kana umiyak" tuloy tuloy parin ako sa paghagulgol. Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at tinignan sya.
"Kapag ikinasal naba ako, kakalimutan mo na ko?" tanong ko sakanya. Umiling sya.
"Hinding hindi ko gagawin yun, ikaw at ikaw lang ang tanging isisigaw nito" tinuro nya yung dibdib nya kung saan nakalocate yung puso nya.
"Hinding hindi rin kita kakalimutan pangako ko yan, kahit gaano pa kagwapo si ND ikaw parin ang pinakagwapong lalaki sa buhay ko" hinawakan nya yung mukha ko.
"Sa araw ng kasal mo pupunta ako, at sisiguraduhin kong masaya ka sa araw na yun" umiling ako.
"Hindi ako magiging masaya sa piling ng iba, Nexus sayo lang ako sasaya"
"Sige na tahan na" pinakalma nya ko then nag yaya sya na mamasyal.
Sa buong araw na yun wala kaming ibang ginawa kundi magsaya. Nagpunta kami sa park, kuman kami ng ice cream. Hindi sya nabigo na pangitiin ako.
Sinulit ko na yung mga natitirang araw ko dahil pagtapos neto kailangan ko ng harapin yung buhay ko sa piling nung ND na yun. Kahit hindi ko gusto kailangan ko tong gawin para maisalba ang kompanya. Naisip ko rin baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Dahil kung kami talaga, gagawa ng paraan ang Diyos para hindi kami magkahiwalay. Siguro nga sa ibang tao namin makikita yung tunay na kaligayahan.
Ginamit lang siguro ng tadhana si Nexus para bigyan ako ng pagkakataon na maranasang magmahal. Masakit man para samin pero kailangan na namin maghiwalay.
--THE NEXT DAY--
"Huy Ms. Gorgeous gising!!!" naramdaman kong niyuyugyog ako ni Erol.
"Ano ba?!"
"Bumangon kana jan! Kanina pa naghihintay sa baba si Nexus! Bahala ka jan aalis na yun" nagmadali akong tumayo sa kama.
Nag ayos na ko ng sarili ko at nag impake. Nagdecide kasi kami ni Nexus na magpunta ng beach at mag stay dun ng 1 day. After kasi nun nakatakda na kong ikasal.
Pagtapos ko ayusin yung mga gamit ko bumaba na ako at sinalubong nya ko.
"Ready kana?" tanong nya sakin. Nagnod ako. Kinuha nya sakin yung bag pack ko at hinawakan yung kamay ko.
"Mr. Lee aalis na po kami" sabi nya kay dad.
"Sige take care of my daughter, siguraduhin mong ibabalik mo sya dito after 1 day" nalungkot ako sa sinabi ni dad. Napansin siguro ni Nexus na nagbago yung facial expression ko kaya pinangiti nya ko.
"Ano kaba wag kana malungkot 1 day mo pa kong makakasama" pinilit kong ngumiti.
Nagpaalam na kami at lumabas na ng bahay. Nagdrive na kami papunta sa beach. Habang bumibiyahe kami hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano. 1 day ko nalang pala sya makakasama, at pagtapos nun maghihiwalay na kami.
Hindi ko yata makakaya na makita syang may kasamang ibang babae. Yung tipong masaya silang namamasyal kasama yung mga anak nila tapos ako nangungulila sakanya. Hindi ko na naman napigilan yung sarili ko at naiyak na naman ako.
"Umiiyak ka na naman, tahan na baby wag kana malungkot" pinisil nya yung kamay ko.
"Hindi ko maiwasan eh, kasi ngayon palang naiimagine ko na kung ano yung magiging buhay ko sa lalaking yun pagtapos ng kasal" tuloy tuloy sa pag agos yung mga luha ko.
"Magiging masaya ka naman sakanya kaya wag kana umiyak"
"Palagay ko hindi, hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko, gusto ko sa bawat paggising ko ikaw lang yung makikita ko, Nexus ayoko sa iba"
"Tahan na .." yun lang yung sinabi nya.
1 hour din kaming bumiyahe papunta sa beach. At nung nakarating na kami dun, binuhat na nya yung mga gamit namin. Hindi ko alam kung makakapag saya ako ngayong araw.
Nag check in kami sa hotel na nasa loob ng resort. Dinala na namin yung mga gamit namin at inilagay sa loob.
Pagpasok ko dirediretso akong humiga sa kama.
"Hindi kaba magpapalit ng damit mo?" tanong nya sakin. Umiling lang ako habang pinipigilang bumagsak yung mga luha ko. Nagiging iyakin na tuloy ako.
Nung naayos na nya yung mga gamit namin, humiga din sya sa kama at tumabi sakin.
"Wag kana umiyak" narinig kong sabi nya. Humarap ako sakanya at hinalikan sya.
"H-hindi ko kaya" tipid kong sagot.
"Kaya mo yan, pilitin mo. Hindi naman kita pababayaan eh" niyakap nya ko ng mahigpit.
"I think it's time to say goodbye" ipinikit ko na yung mga mata ko at namin namalayan na nakatulog na kami.
