Chapter 29 - Boquet

5.5K 118 0
                                    

[CHAPTER 29 - Boquet]

[DEVON'S POV]

9AM na pero hindi parin ako lumalabas ng kwarto ko. Masikip pa rin yung dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Nexus. Hindi ko akalain na lahat ng ginawa nya at sinabi nya sakin ay parte lang pala ng plano. Hindi rin ako makapaniwala na ikakasal na din sya. Umasa ako na mahal nya ko pero hindi naman pala. Niloko nya ko.

"Ms. Gor--"

"Leave me alone!"

"Galit ka sakin? Wala akong ginagawa ah" pumasok sya ng kwarto ko at umupo sa tabi ko.

"Naiinis ako sa inyo! Lahat kayo!"

"Hindi mo kasi naiintindihan" sagot nya.

"Bakit kasi hindi nyo ipaintindi sakin?! May tinatago ba kayo?! Bakit ba gusto nyo ko ipakasal sa lalaking yun?!" naramdaman kong tumulo na naman yung luha ko.

"Pabagsak na yung kompanya naten" sagot nya.

"So ako yung gagawin nyong kabayaran ganun ba?" tumango si Erol.

"Kapag pinakasalan mo si ND may possibility na maisalba yung kompanya" natawa ako sa sinabi nya.

"Wow! Kaya pala! So wala pala akong halaga sa inyo! Ano bang tingin nyo sakin, pera na pagpapasa pasahan nyo?! Ano to, kailangan ko bang dumaan sa kamay ng lahat ng officemate ni daddy?" natahimik sya.

"Someday magpapasalamat ka samin" tumayo sya at lumabas ng kwarto ko.

[NEXUS' POV]

Nandito ako ngayon sa bahay nila Steven, ang aga aga umiinom kami. Wala kasi akong magawa sa bahay eh, wala si dad. Si Devon naman hindi sinasagot yung mga text at tawag ko. Sure ako galit parin yun sakin, ang tanga tanga ko naman kasi! Bakit ko pa sinabi na naka arrange marriage din ako! Ayan tuloy na misinterpret nya! Haay Nexus ang bobo mo!

"So what now?" tanong ni Steven.

"Ayun galit sya sakin"

"Ikaw naman kasi eh, masyado kang padalos dalos, feeling tuloy nung tao wala na syang kakampi"

"Yun nga eh, pero sya naman din yung pakakasalan ko eh"

"Kahit na, eh diba hindi naman nya alam? So hindi nya maiintindihan yun" tinungga ko yung beer na hawak ko.

"Magegets nya lang yung mga nangyayari sa mismong araw ng kasal nyo" dagdag pa nya.

"I think so"

Simula umaga hanggang tanghali umiinom kami ni Steven, hindi ko na nga matandaan kung ilang bote ng beer yung nainom ko. Basta nung medyo nahilo na ko, nakatulog na ko sa bahay nila.

2:30 PM nagising ako, sobrang sakit ng ulo ko kaya hindi muna agad ako tumayo. Nanatili nalang muna akong nakahiga sa kama nila. Nung medyo nahimasmasan na ko, tumayo ako at nagpunta sa sala. Nakita ko dun si Steven na natutulog. Bale kaming dalawa lang yung tao dito dahil wala yung parents nya.

Sinubukan kong kontakin si Devon pero hindi nya to sinasagot. Matindi parin yung galit nya sakin. Lumabas ako ng bahay at bumili ng boquet then ipinadala ko yun sa bahay nila. Sana magustuhan nya, pero imbes na Nexus Devereux yung nilagay ko dun, ND nalang para kahit papano malaman nyang gustong gusto sya ni ND.

[DEVON'S POV]

Lumabas ako ng kwarto ko at nagpunta sa dining room para kumain. Wala pala sila mom ngayon. Si Erol ewan ko kung san na naman nagpunta. Bahala sya sa buhay nya.

Nagsandok ako ng pagkain ko at umupo sa may seat.

"Mam Devon?" nilingon ko yung maid namin.

"Yes?" may pinakita sya saking boquet.

"May nagpadala po" kinuha ko yung boquet at tinignan yung card na nandun.

From: ND

Tss nagawa nya pang magpadala neto, feeling naman nya madadaan nya ko sa mga red rose. Pero teka! Red rose? Pano nya nalaman na favorite flower ko to? Atsaka si Nexus lang yung nagbibigay sakin neto ah.

Natahimik ako saglit.

"Bakit po mam?" inabot ko sa maid yung boquet.

"Itapon mo yan sa basurahan"

"Pero mam ang ganda ganda po ne--"

"I said itapon mo yan!"

"Ok po" umalis na yung maid at iniwan ako dun.

After ko kumain tinignan ko yung phone ko. 25 messages and 10 miscalls, lahat ng yun galing kay Nexus. Hindi ko na binasa yung mga txt nya, lahat yun binura ko na.

Buong araw nasa loob lang ako ng kwarto ko. Wala akong ibang magawa. May laptop ako pero ayoko gamitin.

9PM dumating na sila mom and dad. Hindi ko sila pinansin parehas, naiinis parin ako sakanila.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon