[CHAPTER 27 - They Made a Secret]
[DEVON'S POV]
As usual maaga na naman ako nagising dahil maaga nila binulabog yung kwarto ko. Hindi ba nila alam na 3am na ko nakatulog? Sabagay hindi rin naman nila alam kung anong nangyari kagabi eh.
"Morning Gorgeous" bati sakin ni Erol pagbaba ko ng hagdan.
"Morning" sagot ko.
"Mag ready kana, kailangan maganda ka today" walang gana nyang sabi. Nacurious naman ako sa sinabi nya kaya tinabihan ko sya sa sofa.
"What do you mean?"
"It's Saturday" saturday? Shocks! Oo nga pala! Ngayong araw ko nga pala makikita yung ND na yun, no way ayoko ...Lord please bigyan nyo ko ng sakit ngayon.
"Erol wala kabang naiisip na plano jan?" umiling sya.
"Mag isip ka naman oh"
"Wala nga kong maisip eh, ayos lang yan makipag meet kana sakan--"
POINKZ
"Aray! Bat ka naman nambabatok?! Inaano ba kita?!" napahawak sya dun sa part na binatukan ko.
"Siraulo ka! Bakit feeling ko boto kana rin sa ND na yun?!" ngumiti sya ng nakakaloko.
"Gwapo si ND ate ...gwapo sya" napatanga ako sa sinabi nya. Pano naman nya nalaman na gwapo yung lalaking yun.
"How did you say that?" tanong ko sakanya.
"Nung nakaraan sinundan ko yung kotse ni daddy, nag disguise nalang ako para hindi nya ko mahalata and guess what, nakilala ko na rin si ND sa wakas bwahahah" nag evil laugh sya.
"Teka teka! Anong hitsura ni ND? I mean hindi ba sya mukhang manyak or what?" tanong ko.
"Once na mameet mo sya magugulat ka ng bonggang bongga"
"Bakit nga?! Ano bang hitsura nya?!" iritado kong tanong. Nakakainis kasi andami pang paligoy ligoy.
"Mukhang prince charming sigurado ako kapag nakita mo sya ikaw pa tong magmamadali na maikasal sakanya"
"Dapat kasi pinicture-an mo! Ang stupid mo talaga!" nag pout ako.
"Ayoko nga! Edi hindi na magiging surprise yun? Mawawalan ng thrill"
"Jan kana nga!" iniwan ko na sya dun at nagpunta na ko sa dining room para magbreakfast.
Pagdating ko dun kumakain si mom, si dad naman nagbabasa ng tabloid. Pag upo ko ibinaba ni dad yung dyaryo na binabasa nya at tinignan ako.