Chapter 13 - HE'S breaking up with HER

7.2K 127 1
                                        

[CHAPTER 13 - HE'S breaking up with HER]

[DEVON'S POV]

"Ano na Erol? Anong balita sa mission mo?" nandito kami ngayon sa may parking nakasandal sa kotse ko kasama si Trix.

"Ok na Ms Gorgeous, may nahanap na ko" nakangiti sabi ni Erol.

"Sigurado ka bang matino yan?" tanong ko.

"Oo naman halata naman sa mukha nya eh, saka gwapo at ang tangkad pa gaya ko" nagsign sya ng check sa baba nya.

"Ano ba yan girl bakit nagpapaka desperada kang makahanap ng magiging boyfriend mo?" tanong ni Trix.

"Kasi nga po balak ako ipakasal nila mom and dad sa lalaking ni minsan di ko pa nakita" paliwanag ko.

"Edi si Ex nalang rentahan mo" suggest nya.

"Leche! Ayoko sa lalaking yun! Peste sa buhay ko yun" sagot ko.

"Sinong Ex?" tanong ni Erol.

"Yung neighbor kong half french, ang gwapo kaya nun" sagot ni Trix.

"Hay naku, kung gusto mo sayo nalang sya. Never kong magiging boyfriend yung lalaking yun noh" inisnaban ko sila at pumasok na lang ako sa kotse.

Ngdecide kaming pumunta ng Mall para magpalamig then nagpunta kami sa starbucks at umorder ako ng tatlong mocha frappuccino.

"Girl, matanong ko lang bakit ba sagad hanggang buto yung galit mo kay Ex" binasag ni Trix yung katahimikan ng walang kwenta nyang tanong.

"Natapunan ko sya ng Coke" sagot ko.

"Oh, ikaw naman pala nakatapon ng Coke eh" sabat ni Erol.

"Hindi yun, nabadtrip ako sakanya nung binangga nya ko sa Southville University na muntik ko ng ikatapilok, at hindi man lang sya nasorry nun" paliwanag ko.

"Ah! So sya yung sinasabi mo! Yung nandun tayo sa lobby?" tanong ni Trix.

"Oho" sagot ko.

After ng maiksing kwentuhan lumabas na kami ng starbucks para mag ikot ikot sa loob ng Mall.

[NEXUS' POV]

Palabas na ko ng Southville University nung may makita akong pamilyar na kotse na nakapark sa tabi ng kotse ko. Bumukas yung pinto nun at lumabas ang isang babae na maputi at naka maiksing short.

"Baby!!" kumaway sya sakin at tinanggal ang shades nya. Patay. Si Belle. Tumakbo sya palapit sakin at hinalikan ako sa labi.

"Naisip ko nalang na isurprise ka dito sa school mo kasi hindi mo naman sinasagot yung mga tawag at message ko sayo" niyakap nya ko.

"Busy kasi ako ..." tipid kong sagot. Tumingin sya sakin.

"Lagi ka nalang busy, nawawalan kana ng time sakin" sumeryoso yung mukha nya tapos hinila nya ako papunta sa kotse nya.

"Dito tayo mag usap" sabi nya habang hindi tumitingin sakin. Woooott kinakabahan ako, pano ko ba sasabihin sakanya na naka arrange marriage na ko.

"Ahm ..ano kasi" panimula ko.

"Hm?"

"Alam mo kasi Belle, siguro dapat maghiwalay na tay--"

"No Nexus! Hindi! Ayoko!" pinutol nya yung sasabihin ko kaya hindi ko na natuloy.

"Hindi mo kasi naiintindihan"

"Edi ipaintindi mo sakin. Kung medyo busy ka ok fine tatanggapin ko pero yung magdedecide ka na maghiwalay na tayo, hindi Nexus ...ayoko, hindi ko kaya" napansin kong nagsisimula ng pumatak yung mga luha nya. Sa totoo lang hindi ko naman sya mahal, pero bakit ako naapektuhan ng ganito.

"Kahit naman hindi ako makipag hiwalay sayo alam kong paghihiwalayin din nila tayo" tinignan nya ko ng direkta sa mata.

"Bakit, ano bang meron? May hindi kaba sinasabi sakin?" tanong nya. Tumango ako kaya napatakip sya sa mukha nya.

"Sige ano yun sabihin mo sakin?"

"Kelan ko lang kasi nalaman na ..."

"Na ano?!"

"Na ...naka arrange marriage ako" sagot ko. This time narinig ko na yung paghagulgol nya.

"Nexus naman eh, wag ka pumayag please ..mahal mo ko diba? Dapat ipaglaban mo yung relationship naten" tuloy tuloy pa rin sya sa pag iyak nya. Naisip ko lang, dapat ko nga ba ipaglaban?

"I'm sorry ..." yun lang yung tanging nasabi ko sakanya pagtapos naglean forward sya at hinalikan ako sa labi.

[EROL'S POV]

"Ms gorgeouuusss!!! Uwi na tayooo!!! I'm tired na eh" haaay kanina pa nangangawit yung binti ko kakalakad. Eto naman kasing Evil Sister ko bawat madadaanan namin na boutique kelangan pasukin namin. Si Trixcie nga kanina pa bulong ng bulong na pagod na din daw sya.

"Sandali nga Erol! Kung gusto mo umuwi kana mag isa mo!" sigaw nya sakin. Kita nyo na! Kapag yan talaga ang kasama namin hindi kami pwedeng magreklamo. Buti nga kahit papaano medyo bumait na ko sakanya eh. Syempre ayoko naman din na ikasal sya sa lalaking hindi pa namin nakikita.

"Pero pagod na nga kami ni Trix! Tanong mo pa sakanya!" huminto sya sa paglalakad at tinitigan kami habang nakaturo ako kay Trix.

"Pagod kana?" tanong nya.

"Uh ..hmm hindi" umiling iling si Trix. Ay naku! Alam ko namang pagod na rin sya pero bakit ayaw nya pa sabihin kay Ms gorgeous.

"Kita mo na Erol, nandadamay kapa eh! Batukan kita jan eh" tumalikod na sya samin at naglakad na naman. Kami ni Trix nasa likod lang nya at nakasunod sakanya.

"Leche ka Erol wag mo ko idamay sa kalokohan mo ah! Kapag ako nalintikan sa ate mo, tamo sisikmuraan kita jan ..." bulong sakin ni Trix.

"Eh kasi naman Trix kanina pa kaya tayo lakad ng lakad, ano to? Alay lakad sa loob ng Mall?" mahina kong sabi.

"Siraulo ka! Umayos ka nga! Marinig ka ng ate mo ..." nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at di na pinansin yung pananakit ng binti ko.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon