Chapter 14 - Who is Devon Lee?

7.1K 140 0
                                    

[CHAPTER 14 - Who is Devon Lee?]

[NEXUS' POV]

Pagtapos nung pag uusap namin ni Belle sa Southville U., nagdrive na sya pauwi kaya nagdecide na lang akong magpunta sa bahay ng classmate ko.

Ayoko naman talagang saktan sya. Kahit sino naman siguro masasaktan kapag nalaman nila na yung taong mahal nila makikipaghiwalay na sakanila.

2months palang kami ni Belle pero wala akong naramdaman kahit konting kilig o pagmamahal para sakanya. Hindi ko alam kung bakit pero wala talaga eh. Siguro dahil hindi naman talaga sya yung para sakin.

"Huy Nexus kanina kapa tahimik jan ah!" nilingon ko yung classmate at barkada ko na si Steven. Kanina pa nga pala sya daldal ng daldal tapos hindi ako nakikinig sakanya.

"May iniisip lang" sagot ko sakanya.

"Sino na naman? Jowa mo ..tss" kinuha nya yung tablet nya at nagpipindot dun.

"Muka mo! Baka ikaw!" tumawa sya ng mahina.

"I-break mo na si Belle, alam ko namang di mo mahal yun, eto nalang--" humarap sya sakin then tinignan nya ko ng seryoso at ngumiti sya ng nakakaloko.

"Ano na naman?" tanong ko.

"May ipapakilala ako sayo"

"Sino naman yan?" walang gana kong tanong.

"Ay hinde wag na nga lang baka di ka tumagal eh" baka di ako tumagal? Bakit ano ba ipapakilala nya saken? Loko to ah!

"Baket sino ba yan?"

"Anak ng officemate ng daddy ko, alam mo sobrang ganda pinakilala saken ni daddy kaya lang kung anong ikinaganda ng mukha nya, sya namang ikinasungit nya" umiling iling si Steven.

"Ibang klaseng babae" dagdag pa nya.

"Ayoko sa mga ganyang klase ..may naencounter na ako halos ganyan din yung arrive, kung titignan mo halos sambahin mo na sa sobrang ganda kaso sobrang sungit" kinuha ko yung beer na nasa tabi ko at ininom.

"Medyo mabait din naman kaya lang natural na talaga sakanya yung pagiging masungit" sabi ni Steven.

"Psh ..anong pangalan?" tanong ko. Tinignan nya ko ng seryoso at nilapit nya yung bibig nya sa may tenga ko.

"De-von Lee ...bwahahah!!" muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko. Andaw sabe nya?? Devon Lee??? Shit!! Bakit ba ayaw akong lubayan ng pangalan na yan?! Napatayo ako sa kinauupuan ko ng wala sa oras.

"Oh brad baket?" tanong nya sakin.

"Ano ulit pangalan nya?"

"Devon Lee, bakit brad nameet mo naba?" tanong nya.

"Ahm ..oo yata teka nga!" umupo ulit ako then humarap ako sakanya.

"Sya ba yung mataba na mahaba buhok tapos medyo singkit tapos dalawa yung baba saka maraming bilbil??" napansin kong nagulat sya sa sinabi ko dahil nanlaki yung mga mata nya. After 3 seconds, he burst into laughter.

"WAHAHAH !!! Siraulo! Anong pinagsasabi mo jan?! WAHAHAH !!! Kung nandito lang si Devon sure ako before mo matapos yung panlalait mo sakanya nabatukan kana nya! WAHAHAH !!!" dirediretso sya sa pagtawa nya habang nakahawak pa sa tyan nya.

"Teka nga muna! Eh yun yung Devon na nameet ko dun sa party eh" napakamot ako sa ulo ko.

"Siraulo ka talaga!" binatukan nya ko.

"Si Devon maganda! Sexy! Oo mahaba buhok pero hindi dalawa yung baba nya! Atsaka wala syang bilbil, sexy nga diba?! SEXY!! WAHAHAH !!" sigaw nya saken. Ahhhh gulong gulo na talaga ako hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Sino ba talaga si Devon? Baket madaming nakakakilala sakanya?

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon