Chapter 2 - Mr. COKE

20.1K 253 0
                                    

Devon’s PoV



Maaga ako nagising ngayon dahil maaga nila binulabog yung kwarto ko. Hindi ko na nga nahalikan sa cheeks si Pikachu dahil minamadali nila ako na makalabas ng bahay kesa malelate na daw ako samantalang ang aga aga pa. WTF. Tapos etong si Erol nakahilata pa sa kama nya. O diba? Napaka FAIR talaga nila!

"Goodmorning Dev! How's your day?" Ugh. Feeling ko talaga buong araw masisira ang mood ko. Sya si Trixcie ang kaibigan kong may sayad.

"Actually kanina sira na sya tapos binati mo pa ko kaya ayun mas lalong nasira" natawa lang sya sa sinabi ko.

"Alam mo kanina pa kita hinihintay may chika kasi ako sayo"

"I'm sorry pero hindi ako interesado sa mga kwento mo" inisnaban ko sya tapos naglakad na ko papunta sa room ko pero hinabol nya ko at hinila ako sa kaliwang braso.

"So iiwan mo na naman ako dito, ganon? Ge bye una na ko" nilagpasan nya ko tapos naglakad sya palayo. Aba! Gagang to hinabol pa ko para lang sabihin yung mga katagang yun!

•ROOM 401•

"Ms. Devon Lee nakagawa kaba ng project mo?" haay jusko ..maloloka ako, ano bang tingin sakin ng lalaking to? Inutil at hindi marunong gumawa ng homework? Eh kung ihampas ko kaya sakanya itong folder na hawak ko nang sa ganun maipadama ko sakanya na may gawa ako.

"Ofcourse! What do you think of me? Lazy? Excuse me!" tumayo ako at padabog na nilapag sa mesa nya yung folder na hawak ko. Sya si Paolo Pineda kaklase ko, ang sinasabing hearthrob sa buong Tourism Students (pero hindi ako naniniwala, duh!)

"Wala akong sinasabi I just wanna make sure kung may  gawa ka para naman di ka bumagsak" tinalikuran nya ko. Loko tong lalaki na to ah! Eh kung bigwasan ko kaya to ngayon!

"Wow, so sinasabi mo ba na mababa ang mga grades ko, ganun ba?" lumingon sya sakin at ngumiti.

"Na check mo na ba yung online grades mo ng Prelims?" wait. Oo nga pala, di ko pa nakikita yung grades ko. Jusko ano bang grades ko?

"Oo naman" sagot ko. Ok fine I lied.

"Edi mabuti" bumalik na sya sa upuan nya pati ako. After ng ilang minutes dumating na yung instructor namin at nag start mag discuss ng lesson.

Sa buong araw sobrang bored ako. Paano ba naman kasi yung mga instructor namin walang ibang ginawa kundi dumaldal sa harapan. Naisip ko lang hindi ba sila napapagod?

•DISMISSAL•

Huehue ang sarap isipin na uwian na at makakauwi na naman ako sa kaharian namin at ma memeet ko na naman ang  evil prince na si Erol Lee.

Palabas na ko ng room nang mabangga ako ng isang matangkad na color brown yung buhok, maputi at naka shades na lalaki.

"Are you blind?!" sigaw ko sakanya.

"I'm sorry di kita napansin" sagot nya. Ano daw? Hindi nya ko napansin? Bakit gaano ba ko kaliit para hindi nya ko mapansin?

"Why? Do I looks like Dwarfina para hindi mo ko mapansin?!"

"Maybe" naglakad sya palayo sakin habang nakapamulsa. Aba teka! Lecheng lalaki to,matapos akong banggain iiwan lang ako dito?! Hindi pwede to! Hindi ako papayag!

Hinabol ko sya kahit na naka 3inch high heels ako para lang pahingiin sya ng dispensa sa ginawa nya. FYI muntik na ko matapilok! At kung nangyari yun! I'm gonna kill him! I swear!

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon