Chapter 3 - Trixicie's Neighbor

13.4K 224 3
                                        

"Ahhh nakakaines talaga! Kala nya naman super ganda nya! Hindi nya ba alam, ako ang pinaka gwapo at pinakamayaman sa buong Southville High! Kung alam nya lang, apo kaya ako ng may ari ng school na yun tapos binusted nya ko ng ganun ganun lang?! How pathetic!"

"Would you please shut your mouth?! Wag ka magwala dito sa loob ng kotse ko! Kung gusto mo may malapit na ilog jan dun ka magpakamatay o kaya pupunta tayo sa palengke ngayon tapos ibibili kita ng pagong then sakanya mo ikwento lahat!" kanina pa kami nagbubulyawan dito ewan ko lang kung hindi naririndi yung tenga ni Trixcie sa mga pinaggagawa namin.

"What did you say? Bibilhan mo ko ng pagong at sakanya ko ikkwento lahat? Are you crazy?! Do you think maiintindihan nya ko? Baka nga kagatin pa nun yung labi ko eh"

"Malay mo maiintindihan ka nya, naririnig ko lang yung mga katagang yan jan sa lansangan. Atsaka ano naman ngayon kung kagatin nya yung labi mo? Bakit, kissable ba yan? Duh!"

"Tentententen, ok guys awat na po baka ma disgrasya tayo sa ginagawa nyo eh" sabat ni Trixcie.

"Tingin mo saken di marunong magdrive?" umiling sya tapos tinakpan yung bibig nya.

"Uy Trixcie nanjan ka pala?" kinalabit sya ni Erol tapos nilingon nya to.

"Yeah actually kanina pa" nag fake smile ang gaga si Erol naman nag smirk lang.

--LEE RESIDENCE--

"Hey mom dad I'm home!" tumakbo si Erol palapit kila mommy na nasa sala at niyakap to.

"How's your day?" tanong ni dad. Wow si Erol nagawa nilang kamustahin pero ako? Na panganay nila, na mas matino at matured ang utak, hindi nila pinapansin. Kaya eto ako ngayon nakatayo sa harapan nila habang hinihintay na mabaling saken ang atensyon nila.

"Ako po hindi nyo tatanungin?" tumingin silang lahat sakin tapos etong si Erol nag evil smile.

"Alam naman naming ok ka" sagot ni dad. Ok fine so hindi na pala nila ako kelangan kamustahin. Now I know na malaki ang tiwala nila sakin.

Nagdecide nalang ako na umakyat sa kwarto ko kasama si Trix.

"Hi Pika how are you?" niyakap ko yung stuff toy ko.

"Wow Girl ang cute naman ng stuff toy mo, and oh human size!" lalapit sana sya sa kama ko pero mabilis kong itinaas ang kanang kamay ko.

"Jan ka lang! Don't you dare to come closer"

"Okaaay" umupo sya dun sa seat na nasa tabi ng kama ko at pinagmasdan ako habang kayakap ko si Pika.

"So hindi paba ako pwedeng umuwi?" tinignan ko sya, halatang nababadtrip na sya dahil kanina nya pa ko kasama. Alam ko namang hindi sya masaya sa tuwing kasama nya ko. She's my personal slave kaya magtiis sya. I don't care kahit na mayaman din sya, dahil mas mayaman ako sakanya. At ang isang Lee na tulad ko hindi pwedeng pantayan ng sinuman just like Avah Maldita. Isang Chen na pure maldita.

"O sige labas, go makakauwi kana" napabalikwas sya sa pagkakaupo at halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"How? Hindi mo man lamang ba ako ihahatid?" kinuha ko yung wallet ko at hinagis ko sakanya yung 500 peso bill ko.

"Oh ayan mag commute ka"

"Wait Devon, ayoko! Hindi ako sasakay sa isang public vehicle" Ugh! naghihisterical na naman sya. Tumayo ako at kinuha sakanya yung 500.

"Ayaw mo magcommute? Ok fine. Edi maglakad ka"

"Devon naman, hindi na makatao tong ginagawa mo saken!" napalingon ako sakanya ng wala sa oras. Gagang ‘to sinisigawan ako!

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon