After dissmisal dumiretso ako sa lobby para magpalamig ng ulo.
"Dev !!! I have somethin' to tell you !! Ang saya saya ko !!!" tumatakbo si Trixcie palapit sakin. Kahit kelan talaga napaka ingay ng babaeng ito. Hello? Nasa lobby po kami at hindi lang kami ang nandito natural marami ring estudyante ang nakatambay dito. Kapag napadaan si lolo lagot talaga to.
"Ano na naman?!" mataray kong sagot sakanya.
"Girl pasado ako!! OMG ang saya saya ko talaga, ang ganda ng araw ko alam mo ba yun?"
"So gusto mo sirain ko?" natahimik sya.
"Eh?"
"Bagsak ako kaya wag mo ko guluhin wala ako sa mood" seryoso kong sabi sakanya.
"Ah kaya pala …"
"Anong kaya pala?" tanong ko sakanya.
"Panget mo ngayon" sabay layo nya saken.
"Gaga ka ah! Lakas ng loob mo, gusto mo sabunutan kita ngayon?!" natawa sya sa sinabi ko. Ugh. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko? Sabi naman sa inyo eh, may sayad yan.
Habang nag aasaran kami dito may isang pamilyar na lalaki ang umupo sa harapan ko. At kung hindi ako nagkakamali si Coke yun. Remember, yung lalaking natapunan ko ng Coke sa Mall. Coke yung tawag ko sakanya kasi hindi ko naman alam yung napaka panget nyang pangalan.
"Huy Ex!" kinalabit ni Trix si Coke tapos humarap to at nag smile sakanya. Teka! Magkakilala ba sila? At Ex? Mag ex sila?
"Hoy Trix!" binatukan ko sya.
"Aray naman!" aba! sumisigaw, lalaban na?
"Kilala mo ba yan?! Bat kinakausap mo yan?!" sinadya kong ilakas yung tono ng boses ko para marinig nya. Pero hindi naman ako nabigo dahil humarap sya samin.
"Trix kamusta grades mo?" tanong nya. Errr muntik na malaglag yung panga ko dun, so magkakilala nga sila? At mag ex? Eww kadiri ka Trix, hindi sya gwapo!
"Okay naman Ex pasado kaya nga ang saya saya ko eh diba?" humarap sya sakin at ngumiti. Hay jusko kung hindi lang ako naaawa sa babaeng to oras oras, minuminuto siguro binabatukan ko to.
"How about you miss?" tumingin sakin si Coke. So bakit nya tinatanong yung grades ko? Pake nya ba kung bagsak ako.
"It's none of your business bitch" inisnaban ko sya.
"Girl ang bad mo …" mahinang sabi ni Trix.
"Tara na nga!" tumayo na ko at lumabas ng Southville.
•MALL•
Yes Mall na naman. Dito kami dumiretso pagkagaling namin ng Southville University.
"Girl ano na naman bibilhin mo?" tanong ni Trix.
"Bibili ako ng maraming maraming pagkain at ipapakain ko yun sayo dahil ang payat payat mo na, para kang hindi kumakain, yung totoo naghihirap kana ba?" sarcastic kong sagot sakanya. Nag pout lang sya.
"Nagdadiet po ako"
"Wow, nakuha mo pang magdiet? Hindi ka naawa sa katawan mo?"
Saglit syang nanahimik. Nagdecide akong pumunta sa stuff toy boutique para bumili ng another pikachu stuff toy na itatabi ko sa kama ko.
"Girl pikachu na naman?" iritado nyang tanong.
"Alangan namang teddy bear? Eww"
"Psh mas cute nga yung teddy bear kesa sa pikachu eh …" pabulong nyang sabi.
May nakita akong pikachu keychain na super cute at tingin ko bagay sa bag ko kaya nilapitan ko to at balak ko na sanang kunin kaso may isa pang kamay na kumuha dito.
"Miss magkano to?" wtf?! Ako ang unang nakakita nun! How dare she is!
"What the hell?! Ako kaya ang unang nakakita nyan!" sigaw ko sa babaeng halos makita na yung pwet sa sobrang iksi ng short.
"Pero ako ang unang nakakuha" nginitian nya ko at binigay nya sa sales lady yung key chain para bayaran. Wala naman akong balak makipag sagutan sa impakta na to, kaso hello? Nag iisa nalang yung keychain!
"Girl may iba pa naman siguro jan" sabat ni Trix habang hinihila yung braso ko.
"No way! Ako ang unang nakakita nun kaya ako ang bibili nun!" pinandilatan ko yung sales lady.
"Ako ang magbabayad nyan!" sigaw ko sakanya.
"Wait a minute, ako ang unang nakakuha nun!" tinignan nya yung sales lady.
"Miss ako ang magbabayad nyan"
"Ma'am sandali lang po, eh kung magpataasan nalang kaya kayo ng presyo para malaman naten kung kanino mapupunta tong keychain" sagot nung sales lady. Sige lang go ako jan. Marami akong pera kaya kaya kong bayaran yan.
"Sure magkano ba yan?" tanong ko.
"175 po" sagot nung sales lady.
"Okay 200 pesos" sabat nung babae.
"300 pesos" taas noo kong sabi.
"350!" sagot na naman nung girl.
"500 pesos!" malakas kong sabi.
"Girl keychain lang yan, sayang 500" tinignan ko si Trix at sinenyasan na tumahimik sya.
"Okay fine sayo na" sabi nung girl. Psh sabi naman sa inyo eh walang pwedeng pumantay sakin. *evil smile*
So ayun ako ang nagwagi, binayaran ko na yung keychain at lumabas ng boutique na yun kaso may biglang pumigil sa braso ko.
"I'm Belle Samonte" in-offer nya yung right hand nya para makipag shake hands kaso wala akong tiwala, malay ko ba kung san nya hinawak yan, ayokong mabahiran ng mirkrobyo ang magaganda kong kamay.
"I'm not interested with you" tumalikod na ko at nag umpisang maglakad.
"I want you to be my friend" pahabol nya. Hinarap ko sya at nag cross arms ako.
"Hindi nga sabi ako interesado sayo, at isa pa kuntento na ko sa bruhang to" tinuro ko si Trix. Pagtapos nun umalis na kami.
~*~
To be continued ..