Chapter 8 - Unexpected Guess

8.2K 154 1
                                    

"Dev!!! I'm here na!!! Kanina kapa ba?" nagmamadali syang lumapit sakin habang nakangiti. Pesteng babae to, nagawa pang ngumiti, kung alam nya lang kung gaano ako katagal naghintay dito.

"Actually kanina pa! At kanina parin kita gustong sakalin, 20 minutes akong naghintay dito alam mo ba yun?!" bulyaw ko sakanya. Napakamot lang sya sa ulo nya sabay peace.

"Sorry na Dev maganda ka parin naman eh, hindi kaya kumukupas yung ganda mo" hinaplos nya yung buhok ko. Yan ang gusto ko sa babaeng to sakabila ng inis ko sakanya na gagawa nya pang mambola.

"Tara na nga!" mataray kong sabi sakanya.

"San tayo pupunta?" tanong nya.

"Edi pupunta sa mall! Bibili ako ng regalo mo! Naku naman Trixcie absent minded ka na naman" napa takip ako sa mukha ko.

"Ah hehe sorry naman tara na nga" hinila na nya ako palabas ng Southville tapos dumiretso na kami sa parking at nag drive papunta sa mall.

•LOPEZ RESIDENCE•

7:30 pm na kami nakarating sakanila dahil 7 pm nag dismiss ng klase, at pumunta pa ko ng Mall para bumili ng gift ko para sakanya pero syempre hindi ko sya sinama sa loob, iniwan ko sya dun sa labas ng mall at sinabihan ko yung mga guard na wag sya papasukin dahil nasisiraan na sya ng ulo at may bomba sya sa bag nya kaya  ayun binantayan sya ng maigi dun sa labas.

Pagpasok namin sa bahay nya naka arrange na lahat, talagang pinaganda yung bahay pati yung garden kung saan gaganapin yung party. Well, may ibubuga rin naman pala yung bahay nila, pero syempre mas maganda yung bahay namin.

"Happy birthday Trix" habang papasok kami sa sala marami ng bumabati sakanya. Nandun din yung mommy at daddy nya.

"Hi mom and dad nandito na po ako!" niyakap nya yung parents nya at humarap sya sakin.

"Sya nga po pala yung bestfriend ko si Devon Lee" nag smile lang ako sa parents nya then dirediretso akong pumasok sa loob at umupo sa sofa. Sumunod sila sakin at umupo din sa tabi ko.

"Iha alam mo ba madalas kang ikwento samin ni Trixcie" sabi ng mom nya.

"Ganun po ba? Ano pong sinasabi nya?" tanong ko.

"Sobrang ganda mo daw kaya lang sobrang sungit mo rin daw" sabat ng daddy nya. Hinampas nung mom nya yung dad nya sa balikat at sumenyas na manahimik.

"Opo ganun po talaga ako" mahinahon kong sagot.

Dinala ako nung parents nya sa kitchen nila at pinakain ng kung ano ano. Marami rin syang handa kaya lahat yun tinikman ko. Syempre hindi ko palalagpasin tong pagkakataon na to, sayang din yung foods. After ko kumain pumunta na ko dun sa venue.

Unexpected GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon