•DEVEREUX RESIDENCE•Nexus
Pag uwi ko dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Hindi maalis sa isip ko yung nangyari kanina. May nangyari ba talaga samin? Kung meron man bakit hindi kami nakahubad? I mean hindi sya nakabalot ng kumot at ako? Naka tshirt at jeans parin ako, wala pa ring nagbago.
Nung mga panahong natutulog ako, ang sarap ng feeling parang kakaiba sa pakiramdam. Yung pakiramdam na yun kahit kelan hindi ko naramdaman sa tuwing magtatabi kami ni Belle sa kama.
TOK TOK TOK
"Come in dad" bumukas yung pinto at pumasok si dad.
"Bonjor" bati nya.
"Bonjor" sagot ko.
[A/N: Bonjor = Goodmorning]
"How's your sleep?"
"It's not fine dad"
"Really? Why? What happened?" umupo sya sa tabi ko.
"Daddy nagising po ako sa isang kwarto habang kayakap ang isang babae" paliwanag ko.
"Mondieu ND! Who is she?"
"I don't know who is she but everytime I saw her I always call her Ms. Coke" natawa sya sa sinabi ko.
[A/N: Mondieu = My goodness]
"Unique name huh!" tumango tango si dad.
"I wanna meet her, I wanna know her name"
"Hindi ko po alam kung maipapakilala ko sya sa inyo kasi po sobrang sungit nya sa katunayan nga po kanina sinampal nya ko"
"Really?"
"Oui"
"It's okay ..Anyway I'm going to meet my business partner so bye for now" nag nod lang ako then lumabas na sya ng kwarto ko.
[A/N: Oui = Yes]
Eto na naman ako, nag iisip ng kung ano ano, hindi pa rin kasi maalis sa isip ko si Ms. Coke ang ganda nya kasi. Unang araw palang na nakita ko sya sa Mall sobrang nagandahan na talaga ako sakanya kaya lang mas nangibabaw yung inis ko dahil natapunan nya ko ng Coke tapos hindi pa sya nag sorry.
"Sana sya nalang si Devon!!!!" sigaw ko. Ako lang naman nandito dahil umalis na si dad kaya walang sasaway sakin.
"Haaay Devon! Devon! Bakit ba kasi napaka taba mo? At bakit hindi nalang ikaw si Ms. Coke" nasabi ko sa sarili ko.
Riiinnnggg Riiinnnggg
Kinuha ko yung phone ko na katabi ko lang at binasa yung message.
From: Belle
baby I miss you .. hindi kana dumadalaw :(
Haay naku ayoko na! Nakakasawa na! Dadalaw ako sakanya tapos sisigaw sigawan nya lang ako. Psh wag na noh! Naaalala ko pa yung huling araw na nagkita kami. Sumama talaga yung loob ko dahil hindi nya tinanggap yung dress na binili ko.
Natulog nalang muna ako. Mukhang hindi ako makakapasok ngayon, masakit pa kasi yung ulo ko.
~*~
Devon
Nagising ako ng 11 am. Pagbangon ko, medyo nabawasan na yung sakit ng ulo ko kaya lumabas na ko ng kwarto at nagpunta sa kusina para magbreakfast slash lunch.
"Ms gorgeous ..." lumingon ako para tignan si Erol dahil alam kong sya yun kasi sya lang naman ang tumatawag sakin ng gorgeous.
"Ano na naman? Problema mo na naman jan?" tanong ko. Lumapit sya sakin at umupo sa bakanteng seat na katabi ko.